Hindi pa natatapos ang araw ay nabigla ako mula sa tawag na natanggap ko mula sa school ng anak ko. Kaagad naman akong tumawag sa anak ko dahil sa sobrang pagkabigla."Sam, anak may problema ka ba sa school at pinapatawag ako ng principal mo?" Ang nababahalang tanong ni Santi sa anak niya habang mabilis netong kinuha ang susi ng sasakyan niya papuntang school.
"Wala naman po Pa, at paano naman po ako magkakaroon ng problema po sa school pa eh wala naman po akong kaaway dito." Paliwanag ng anak niya.
Kaagad ko namang ibinaba ang phone at pinaandar ang sasakyan. Hindi ko talaga lubos maisip kung ano ang dahilan ng principal niya kung bakit ako pinatawag sa school dahilan para taranta akong magbihis upang puntahan ang principals office ng anak ko.
Kaagad naman akong dumiretcho sa upuang ibinigay sa akin ng staff habang inaantay ang principal ng anak ko na di lumipas ang ilang minuto ay narinig kong papalapit sa direksyon.
"Good morning Mr. Arellano, I apologize kung pinag-antay kita ng matagal, mukhang kanina ka pa ata andito." Bati neto sa akin ng matangkad na mamang matagal ko ng iniiwasan.
"Ayos lang Sir Marco, kakarating ko lang din naman." Sagot ko sa kanya sabay abot ng kamay ko para tugunan yung pakikipagkamay niya.
"Good, anyways hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa Santi kung bakit kita pinatawag dito. Tungkol to sa performance ng anak mong si Sam sa academics." Sambit niya.
"Bakit po Sir Marco, may bagsak po bang subjects yung anak ko? Hindi po ba makakapagtapos ngayong taong to ang anak ko?" Sunod-sunod na tanong ko sa kanya na mukhang ikinagulat din niya.
"Mr. Arellano, hinding-hindi mangyayari yun napakatalinong bata ni Sam. Kaya kita pinatawag dahil isa ang mga anak mo sa mga candidate for valedictorian. Kaya I am asking for your full support lalo na at mas kailangan niyang mas tutukan ang studies niya." Pagputol niya sa pag-aalala ko na mabilis napalitan ng di maipaliwanag na kaligayahan.
"I'm glad to hear na nagustuhan mo yung balita ko sa inyo Mr. Arellano." Balik niya sa akin na ngayo'y walang mapagsidlan ng tuwa.
"Sobrang saya ko lang talaga Sir, hindi ko akalaing ganito ang isusukli ng anak ko sa lahat ng pagmamahal at pagaarugang inilaan ko para sa kanya. Walang sinumang magulang ang mas sasaya pa sa akin ngayon sa balitang ito." Sambit ko dito bago tuluyang nagpaalam dito.
Dahil sa sobrang excited ay kaagad akong tumawag sa bahay para ibalita kay Yaya Suling ang lahat.
"Yaya gusto kong maghanda para isurpresa mamaya si Sam pag-uwi niya galing sa school. Gusto kong surpresahin yung unico hijo ko." Sobrang excited kong tugon bago tuluyang ibinaba ang phone.
Napakasarap sa pakiramdam na ang lahat ng pagod at hirap na pinagdaanan mo ay nasuklian ng bukod tanging inspirasyon mo sa buhay ang anak mo. Ang totoo niyan ay hindi ko naman hinangad na maging valedictorian ang anak ko, katunayan ay masaya na ako na makapagtapos ito. Pero sadyang mapaglaro ang tadhana hindi malayong namana nga ni Sam ang talino mula sa totoo netong ama.
Imbis na isipin pa yun ay dumiretcho ako sa matagal ko ng balak puntahan. Matagal ko ng plinano ito at matagal ding nabuo yung desisyon ko hanngang sa lalo akong nagkaroon ng dahilan kanina para ituloy ito para masurpresa ang anak ko.
BINABASA MO ANG
Ang Pangako ni Papa
AléatoirePaano kung kapalit ng kaligayahang minsan mo lang matitikman ay ang kasiyahan ng katangi-tangi mong anak na itinuring mong laman at dugo sa pagkahaba-habang panahon? Sa huling pagkakataon kaya mo bang isuko ang lahat para sa anak mo? Kaya mo bang i...