Chapter 40

12 2 0
                                    

While reading the Chapter 40.. Kung meron man po kayong kanta na Back at One ni Brian McKnight pakinggan niyo po habang nagbabasa. Kung wala naman po naglagay ako ng video sa taas ☝️

Third person's POV

Last day na ng burol ng Hari. Kada umaga hanggang hapon nandoon si Espen, katulad ng dati maya maya nagwawala. Napagpasiyahan ng Reyna na kumuha na ng bodyguard para kay Espen-- kada ayaw pa umuwi nito tinuturukan nila ng pampatulog. Ayaw ni Nathan pero sinabihan siya ni Samantha na ayon ang mas madali.

"Nathan.." Tawag sakanya ng Reyna

Yumuko siya "Goodevening, my Queen."

"Huwag ka ng yumuko at wag mo akong tawagin na ganyan. You can call me Tita." Sabi ng Reyna "Tita Braucina."

"O-opo, Tita Braucina." Sabi ni Nathan

Dahil nasa palasyo si Nathan, nandoon siya sa kwarto ni Espen pero nasa terris siya. Nasa terris sila nag uusap ng Reyna.

"Kamusta ba ang anak ko?" Tanong ng Reyna

Tumingin si Nathan kay Espen na natutulog "O-okay lang naman po. Minsan po.. Umiiyak siya ng umiiyak."

Kumunot ang noo ng Reyna at tinaas ang damit niya, natigilan ito ng may makitang maraming pasa. Sinuri ng Reyna lahat ng katawan niya "Sa palagay ko sobrang nasasaktan ka na ng anak ko, Nathan."

"Hindi po--"

"Kung gusto mo ng umuwi o gusto mong lumayo sakanya pwepwede naman. Wala namang kaso saamin 'yon." Sabi ng Reyna "Laging naikwekwento sakin ni Draulina na kapag pinaliliguan niyo ang anak ko ay ikaw lagi ang nasasaktan nito-- si Ferounzel naman kapag tinutulungan ka niyang pigilan si Beatice. Hindi ba sa tingin mo.. Sobrang nasasaktan ka na ng anak ko?"

"Sorry po kung makulit ako-- pero hindi po ako hihiwalay kay Espen. Gusto ko pong makita ang onti onting paggaling niya galing sa depression. Tita Braucina, alam ko pong malakas si Espen. Lalabanan niya po ang sakit niya." Sabi ni Nate at napaluha na naman "Kahit po dumami pa ang sugat at pasa na nasa katawan ko.. Kahit po na sapakin, tadyakan at sampalin niya ako araw araw hindi po ako nag isip na lumayo sa Prinsesa. I love her that's why i need to take care of her." Napakagat ng labi si Nathan "At saka.. Gusto ko pong pakasalan ang anak niyo."

Natigilan ang Reyna kaya wala siyang nasagot.

"Huwag po kayong mag alala, nakapagpaalam na po ako sa Hari at ibinigay niya saakin ito." Sabi ni Nathan at kinuha ang singsing sa bulsa niya

Naluha ang Reyna at niyakap si Nathan sa sobrsng tuwa "S-salamat. S-salamat, anak."

Pagkatapos ng libing ng Hari pinaliguan ni Nathan at Draulina si Espen, pagkatapos non ay naging tahimik na naman si Espen at tulala. Tumabi si Nathan kay Espen.

"Princess." Hindi sumagot si Espen, hinawakan ni Nathan ang kamaay ni Espen "I love you.. And.." Napapaluha na si Nathan kaya yumuko siya sa kama ni Espen "I-i miss you, Espen. So damn much." Pero tulala pa rin si Espen

After 3 weeks..

"Kamusta na siya, Nate?" Tanong ni Patricia

"Okay naman." Sagot niya at ngumiti

"Ikaw? Kamusta ka?" Tanong ni Patricia "Kada pupunta ako dito may bagong pasa at sugat ka a? H-hindi ka ba lalayo sakanya?"

Back at OneWhere stories live. Discover now