You remind me so much of my past kaya I know for sure that this won't last. Na kagaya niya di mo din ako kayang panindigan. Na lahat ng pinaramdam kunware lang. Na nag tatake advantage ka lang dahil alam mong hulog na hulog na. Na gumagawa ka lang ng rason para ako na mismo susuko. Diba nga, Nung akoy na pagod di mo'ko pinaglaban? Tayong dalawa naman ang bumuo ng mga plano ah pero di pala ako ang gustong makasama sa dulo? Ano yun?!..Di mo sinabi ginawa mo palang rehearsal yung "tayo" para sa bago mong relasyon ngayon?....Alam mo..Kung hawak-hawak ko lang ang schedule kung kelan pwede masaktan? Di ko pipiliin ngayon.. kase kakahilom lang ng sugat ee.. pero heto na naman! Another pagsubok na kailangan lagpasan. Napakahirap kalimutan ang sakit ng dinulot ng nakaraan. Alam mo yun diba? Alam mo kung pano ako nasaktan? Alam mo kung pano ako sinugatan ng nakaraan. Pero bakit harap harapan mo parin akong niloko!? Hindi basta bastang umahon sa lungkot, sa mga pangako niyong pinapako..Bat pa sinabi , kung lahat ng pinaramdam ee kunware! ..Bat nagpakatanga ulit ako?! Bat umasa na naman ako?! Bakit naging marupok ulit ako?! Ikaw ang bumuo saken pero..saklap..dahil ikaw din itong sumira. Bat mo pa ako binuo kung sisisra.in mo lang din?! Bakit pa nabuhay kung puro sakit lang din ang dadanasan?! Kung gano katahimik ganon din ang ingay at kagulo ng isipan. Oo! walang makikitang luha sa mga mata pero lunod na lunod na sa lungkot ang puso ko. Pero I have to to be okay. Ako muna. Kailangan kong patahanin ang sarili ko. Buong pag-ibig muna para sa sarili. I owe that to myself! Tanggap ko na kamamahal mahal lang ako bilang kaibigan pero hindi pang partner habang buhay.
Kaya hanggang di to na lang..
papahingahin ko muna ang pusong parating binibitawan.
BINABASA MO ANG
Akala Ko Ikaw Na
PoesiaNagmahal. Nasaktan. Sumuko. Nagmahal ulit. At muling nasaktan. #tagalogspokenpoetry