Kiss Note, isang makapangyarihang notebook na kayang paibigin ka agad agad oras na maisulat ang pangalan mo ksama ng pangalan ng gusto mong makatuluyan ngunit para ito’y magkaroon ng bisa, kailangan niyo munang mahalikan ang isa’t isa, sa panoong paraan? sa kahit anong paraan. Saya di ba?
Saan nga ba nanggaling ang mahiwagang notebook na ito? Siya ay si Kuri, kupido, isang anghel na ang misyon ay gumawa ng couples o magkasintahan. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, aksidente niyang naisulat ang pangalang Michael Allen, isang ordinaryong estudyante na may crush kay Marjorie Lim, pinakapopular na babae sa buong campus na may lihim din palang pagtingin kay Allen na medyo may pagkaobssessive at psychotic na ugali.
Mamamatay si Kuri kung hindi magagawang halikan ni Michael si Marjorie, at para maiwasan iyon, kailangang kumbinsihin ni Kuri si Michael na halikan yung crush niya. Matutuloy kaya? Magkakamabutihan kaya sila ni Marjorie? Mamamatay kaya si Kuri? O magugulo ang istorya?