CHAPTER 3- THAT GIRL

57 6 0
                                    

CHAPTER 3- THAT GIRL

Nate's POV

Sabado ngayon, ang bilis ng panahon no?, pero para sakin parang 10 taon na ang isang linggo dahil sa bago at boring kong school.

Dahil sabado ngayon, naisipan kong tawagin si Renz para maggala kasama yung dalawa pang ungas, kaya kinuha ko na yung cellphone ko at dinial ang number ni Renz.

RENZ:OH?

AKO:KASAMA MO YUNG DALAWA?

RENZ:OO BAKIT?

AKO:AHAHA TARA GALA TAYO?

RENZ:LOKO, SIGE PERO TANUNGIN MO YUNG DALAWA BAKA AYAW.

AKO: GE! NASAAN!

tapos inabot ata nya yung cellphone nya sa dalawa.

BRIX:O BAKIT

AKO: GALA?

BRIX: GAME AKO FYAN TUTAL WALA NAMAN KAMING MAGAWA DITO SA BAHAY NI RENZ.

AKO:TEKA, BAKIT NGA PALA KAYO NANDYAN?

BRIX: GINUGULO YUNG BUHAY NI RENZ (loko, di na kayo makakapunta dito -Renz)

AKO:AHAHA KAWAWANG RENZ, DI NYO KO SINAMA. ANYWAY, SI JIRO? SASAMA?

BRIX:SYEMPRE!

AKO: SIGE, HINTAYIN NYO KO SA HARAP NG MALL, DAPAT 11:00 A.M SHARP NANDOON NA KAYO, WAG NYO KONG PAGHINTAYIN. GE!

*toot *toot

Pagkatapos kong patayin yung tumawag, I mean yung call, dumaretso na ako sa c.r saka naligo.

Asusual, simple shirt and pants yung suot ko saka high cut converse shoes.

Nagpadrive na ako sa driver dahil hindi naman na ako papayagang gamitin yung kotse dahil baka mabangga ko ulit.

Nakit ko na sila agad pagkahinto ng sasakyan. Bumaba na ako.

"11 sharp ha!"-Brix

"Ilang minuto pa lang naman ang nakalipas ah (sabay tingin sa wrist watch) bakit may angal ka na?"-sabi ko sabay smirk.

"A-ah sabi ko nga ilang minuto pa lang."-Brix na nauutal.

"Psh! Kung di ka lang babae!"-Brix.

"Ano Brix may sinasabi ka?"-ako

"Wala, sabi ko tara na."-Brix, tawa naman ng tawa yung dalawa.

Pumunta muna kami sa isang resto.

Umorder kami ng pagkain syempre.

Kumain naman kami.

"Ok guys! Lets have a deal!"-Brix

"Huh?"-Renz

"Ano na namang yang iniisip mo?"-Jiro.

"Easy! Ganito, kung sino makaubos ng laman ng isang basong yan, bibigyan ko ng 1 thousand!"-Brix tapos inilagay sa gitna ng table yung basong may kalahating laman na softdrink.

"Tss..ok deal!"-sabi ko kasi naman kalahati lang na softdrink di mo maiinom..

"Ako!"-Renz

"Ok..ako rin."-Jiro

"Mga matakaw sa pera!, anyway ok kayong tatlo, kaso hindi lang ganoon kadali.."-Brix.

Sunod ko na lang nakita ay binigyan nya ng toyo, suka, patis, paminta, hot sauce, at asin ata yon.

"Ano yan 'tol? Mukhang mamamatay ang taong iinom nya."-Renz na nandidiri.

"Ano ayaw mo na? 1thousand yon bahala ka."-Brix.

"Wag na lang, may pera pa naman ako, saka ayoko pang mamatay."-Renz.

"Ok so kayong dalawa na lang, Jiro and Nate."-Brix.

"Pass na ko, tama si Renz loko, baka mamatay ang sino mang uminom nyan!"-Jiro.

"Tss..so ikaw na lang Nate!"-Brix, tapos tinignan ako.

Kinuha ko yung basong may halo-halong sangkap at ininom.

"Ahhhh!"sigaw ko matapos inomin yung pininom ni Brix at binagsak ang baso sa table.

"1 thousand"-sabi ko sabay lahad ng kamay ko kay Brix.

Kung titignan mo sila ngayon, matatawa ka sa reaksyon nilang tatlo dahil na ka nga-nga sila as in literal na nga-nga.

"O bakit? Saan yung 1 thousand ko? Wag mong sabihing joke lang yon.!"-ako.

"A-a e-to"-Brix, sabay bigay nung 1 thousand.

Kinuha ko naman yon.

"Good."-ako.

*clap *clap *clap

"Bakit ka pumapalakpak?"-tanong ko kay Brix.

"Waaah idol na talaga kita Nate!..tignan nyo sya, kayong dalawa (turo kina Renz at Jiro) kababae nyang tao nagawa nya yon, samantalang kayo.."-Brix

"Ang tanong,babae nga ba sya?"-Jiro, sabay tawa kasama si Renz.

"Ah ganoon pala tingin nyo, pwes humanda kayo."-me talking to Jiro with a devil smile.

----------------------------------------

Brix's POV

Ahahah ibang klase talaga tong Nate na 'to.

Biruin mong inimom ang isang basong may laman na softdrink,toyo,suka,patis,hot sauce at asin.

Parang di babae, kasi kadalasan kapag nakita nila na ganoon sigurado aayaw na sila pero iba to, lalaki ata talaga inanyuan lang na babae.

Kasalukuyan ko ngayong nakatingin s tatlo, pinarusahan nya kasi yung dalawa dahil sa pang-iinsulto sa kanya, at buti na lang pala at hindi ako napasali.

Kung tinatanong nyo kung ano ang parusa...simple lang, ang paglakarin sa mall ang dalawa..ng naka damit pangbabae.

Ayos ang trip diba, eawan ko pero under kaming tatlo sa kanya kahit lalaki kami, hindi pa rin namin sya kaya, mas malakas pa ata sya sa amin.

Simula kasi bata kami, kaming apat na ang magkasama. Actually noong una namin syang nakit kala namin tulad sya ng ibang batang babae na barbie ang nilalaro, pero mali kami dahil nung time na nakita namin sya ang nilalaro nya ay isang kotse at robot yung parang voldes five.

Pinagtripan nga muna namin sya noon dahil sa nilalaro nya kaso, bandang huli kami ang natripan dahil magaling pala sa sya sa  taekwando kaya nung time na dapat kukunin ko yung laruan nya, ayun bali-bali yung buto namin tapos simula noon parang under kami sa kanya kasi lahat ng gusto nya sinusunod namin, and boom! naging kaibigan na namin sya.

"P*tik Brix!"-Renz.

"Itigil mo na yan Brix!"-Jiro

"Dalian nyong maglakad at sumasakit na yung paa ko."-Nate.

"Sorry pare, pero ito yung utos sakin ni Nate kaya pasensya."-ako, habang vinivideoham ang dalawang lumalakad sa mall. Pinagtitinginan naman sila ng mga tao.

"Brixxxxxxx!"-Renz.

"Ahahaha epic, sorry mga pre! wahahaha!"-ako.

***

Operation: LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon