CHAPTER 2- REASON

48 6 0
                                    

CHAPTER 2- REASON

Nate's POV

"Yo!"-sabi ko sa mga barkada ko sabay apir sa kanila.

"Oh, komusta? Tagal ka na naming di nakita ah?"- Brix.

"Loko, pinalipat ako."-sabi saka umupo sa sofa ng tambayan namin sa dati kong school.

"Malas mo dre, ahaha!"-tawa naman ni Renz.

"Tss!"-ako.

"Saan ba 'yung bago mong school?"tanong naman ni Jiro.

"Sa kabilang school, sa Clifford University."-sagot ko.

"Tsk..ang layo, buti nakapunta ka dito?"-Renz

"Yun na nga eh ang layo, tapos 'yung pamasahe ko pa."-ako.

"Bakit di mo dalhin 'yung kotse nyo?"-Brix.

"Gusto mong patayin ako ng kuya ko?"-ako.

"Pwede 'rin."-Jiro.

"Ulul!, saka ang boring doon grabe!, wala pa akong kakilala maliban doon sa Kuya ko."-ako.

"Kawawa ka naman, ahaha bakit nyo ba kasi ginawa 'yon? Ahaha yan tuloy."-Rnz

"He!"-sabi ko sabay hagis nung notebook na nasa tabi ko.

Kung tinatanong 'nyo kung ano 'yung tinutukoy ni Renz at kung bakit ako nalipat sa Clifford? Well ganito kasi 'yon.

//FLASHBACK\\

"Ang boring!"-sigaw ni Brix sabay upo sa upuan. Nandito kami ngayon sa tambayan namin dahil break time at dito kami palaging tumatambay.

"Oo nga, ang sakit ng ulo ko dahil sa putik na Math na yan."-reklamo naman ni Jiro

Hindi ko na lang muna sila pinansin at umupo na rin sa upuan habang nagpapahinga dahil nakakagod...matulog syempre dahil boring, ganoon lang ginawa ko simula first period.

Habang nagpapahinga ako may naisip akong bagong pakulo dahil sa boring ako.

"Guys diba sabi nyo boring?"-ako.

"O bakit? May alam ka bang pangpawala ng boring?"-tanong naman ni Brix.

"Yep. Ikaw Renz sama ka sa plano ko?"-tanong ko kay Renz dahil sya lang ata ang hindi nagreklamo na boring ang araw na 'to.

"Hindi ako nabobored, pero parang interesting 'yang plano mo kaya, sige sali ako."-sabi nya.

"Good, sige magtitime na, magkita-kita tayo mamayang 10:00 PM sa harap ng school mamaya."-sabi ko na may nakakalokong ngiti.

Pumumunta na ako sa room saka umupo, nagdiscuss lang yung teacher, syempre si Nate 'to kaya di ako nakinig at nag-nap lang ako sa arm chair.

.

.

.

.

Pagdating ng 10:00 PM, sa eksaktong oras na sinabi ko, nakita ko yung tatlo nasa harap na ng school at halatang inaantok na dahil panay ang hikab.

"Oh, buti nakarating kayo?"-ako.

"Ano plano mo?"-Jiro.

"Madali lang, nakikita nyo yung mga galong yon?"-ako, sabay turo doon sa galon ng pintura.

"Para san?"-tanong naman ni Brix.

"Ang slow mo, madali lang..ang gagawin natin ay free vandal sa harap ng school."-masayang sabi ko.

Nagtinginan naman yung tatlo na parang nagaalinlangan pa.

"Ano, sali kayo?"-tanong ko.

"Ah, teka tumatawag si Mommy, uwi na daw ako"-Brix.

Loko to, kung di ko lang alam siguro takot lang.

"Ok so tayo na lang?"-sabi ko sa dalawa na natira, si Jiro at Renz.

"Teka, ako rin pala alis nako kasi may pasok pa pala bukas,sige bye!..teka Brix hintayin mo ko!"-Renz na kasalukutang hinahabol si Brix sa daan palayo.

"Tss..mga duwag! Kailan pa nagkainterest pumasok si Renz?"-ako.

"Tako masuspend."-imik naman ni Jiro.

"Paano tayo na lang?"-ako.

Ayun at sinimulan na naming dalawa ni Jiro ang pagvavandal sa harap ng school. Kung ano-anong mga pinagsusulat namin.

Pero habang nagvavandal kami may narinig kaming click ng camera kaya natigil kami sa pagvavandal.

Lagot!

Narinig rin ni Jiro kaya hininto muna namin ang pagvandal saka tinignan ang paligid.

Pero mukhang huli na kami dahil nakaalis na ata sya sakay ng itim na kotse.

"Mukhang may nakawitness ng evil plan mo Nate."-Jiro.

"Subukan lang nya kung sino man sya kundi lintik sakin yang kumuha ng picture na yon!"-sabi ko.

Pagkatapos non, nagsiuwi na kami, baka kasi mayroon ulit makakita samin.

Kinabukasan, asusual balitang balita sa school 'yung vandal na ginawa namin.

"Musta? Trending sa school yung plano mo Nate."-Brix.

"Mga duwag!"-ako.

"Duwag ka dyan, o musta? Wala bang nakakita sa inyo?"-tanong ulit ni Brix.

"Swerte mo dre, may nakakita ata saamin, sayang lang at wala ka."-ako.

"Totoo?"-Renz.

"Oo, ata?"-Jiro.

"Paano yan, baka may magsumbong..buti na lang pala at umalis kami."-Renz.

"Sabihin nyo duwag kayong gumawa non dahil takot kayo ma suspend..sus! Alam ko iniisip nyo, pero subukan lang nung nakakita samin na magsumbong patay sakin yon."-ako

Pagkatapos ng ilang oras, habang nasa room kami, may biglang nagpatawag samin na studyante.

"Ms. Ramos pinapatawag ka sa Principal Office "-Mrs. Enriquez.

Pumunta naman ako gaya ng utos ng guro, pagdating ko doon nakita ko si Jiro na nakaupo sa harap ng table ng principal.

Tulad ng iniisip ko kanina, mukhang nagsumbong nga 'yung studyanteng nakakita samin.

"Ms. Ramos umupo ka."-Principal.

Umupo naman ako.

"Alam nyo na siguro kung bakit ko kayo pinatawg ngayon dito?"-principal

"Anong pumasok sa kukote nyo at naisipan nyong magvandal sa harao ng school, hindi nyo ba alam na malaking isue ngayon yang ginawa nyo sa ibat-ibang school ngayon?"-sermon nya samin.

Pinatawag yung parents namin at sinabi kung ano yung ginawa namin.

Pinapa kick-out na kami sa school dahil sa ginawa namin, pero dahil sa pera ay naresolbahan yung akin at sinabi na ilipat na lang daw muna ako ng school dahil sa ginawa ko at sa palaging suki ng guidance. Si Jiro naman dahil sa connection nya sa school ay naresolba din at hindi na sya pinalipat.

//END OF FLASHBACK\\

Ganoon 'yung nangyari kaya ako na transfer sa Clifford.

***

Operation: LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon