Kabanata 6: Akala-ko-madali-pero-mahirap-pala Moments

3.6K 60 0
                                    

Kabanata 6: Akala-ko-madali-pero-mahirap-pala Moments

Sa limang araw na pagpa-practice naming ni Justine, hindi ko na itatanggi na ang hirap pala. Ang hirap palang araw-araw siyang pakisamahan tapos ang requirement ay hindi ka dapat makaradaman ng kahit anong forbidden feeling para sa kanya. Beng. Akala ko madali pero mahirap pala talaga.

            Papasok na ako sa klase ko ngayon. While walking, nakasabay ko sa paglalakad si Beatrice. ‘Yung pangit na girlfriend ni Justine. Do I sound like a bitter ex-girlfriend here? Hindi naman siguro.

            “Hey, good afternoon,” nagulat ako nang batiin ako nito. “Lyka, right?” sabi niya sabay flip ng hair niya. Eh ano kung straight ‘yung buhok niya? Rebonded naman at hindi naman natural.

            “Yes, bakit?” ang inosente kong sagot. Kailangan ko kasi maging isang mabuting tao sa harap niya para hindi siya magbigay ng isang masamang paningin sa akin.

            Napa-smirk siya na hindi naman bagay sa kanya. Para siyang isang cliché na kontrabida sa mga palabas sa t.v. na kung saan makapal ang pagkakalagay niya ng lipstick at makapal rin ang eyeliner niya. Siya ‘yung tipo ng girlfriend na maiinis ka sa tuwing makikita mo dahil sa ikli ng suot nito. Bakit pinapapasok sa school ‘yung ganito? ‘Yung uniform niya ay may hindi tamang sukat. Usually, lagpas tuhod ‘yung palda eh. Pero ‘yung sa kanya, above the knee ang lagay. Hindi ba’t papansin?

            “Gusto ko lang sabihin sa’yong iwas-iwasan mo sana siya.” Pagkasabi nito, umalis siya.

            Isa lang ang naisip ko sa sinabi niyang ‘yon.

            Una, hindi siya creative para sabihan ako nang ganoong klaseng line. Pangalawa, wala siyang common sense para ma-realize na naging partner ko lang naman si Justine at wala na kong ibang balak. Oops. Mali, may balak pala ako. Bale, sige, pangalawa, bahala siya sa buhay niya dahil hindi ko tatanggapin ang imperative sentence na sinabi niya sa akin.

            Whatever. Ito na lang ang bulong ko sa sarili ko. Pakitang-tao lang pala ang kabaitan niya. Eh, bakit hindi kaya sila magkasama ni Justine ngayon? Aba. Effortless lang bang matatapos ang mission ko? Hindi man lang ako pinagpawisan.

           

Late akong pumasok sa klase. 3:15 na ng hapon. Buti na lang wala pa si Sir sa loob ng classroom. Pagpasok ko, ang daming props at costumes ang nakakalat sa room. Hindi ba’t tula lang naman ‘yung i-re-recite? Pero bakit napakarami naman atang arte ng mga kaklase kong ‘to.

            “Anong meron?” tanong ko kay Sebastian habang nagbibihis ng isang kamisa de tsino. Kailangan ba no’n?

            “Umalis si Sir para bigyan kami ng time mag-prepare. Babalik ‘yon ng 3:30,” sagot nito.

            “Kailangan ba talaga ng costume?” napapakunot ang noo ko sa nangyayari.

            “Hindi naman, pero kasama kasi sa rubrics ng pag-evaluate ito eh,” sabay turo sa suot niya. “Ayos lang naman kahit wala kang costume. Mukhang madadala mo naman sa pag-re-recite mo mamaya eh.”

            Ngayon ko palang nailapag ‘yung bag ko sa desk ng upuan ko. Kabisado ko na ‘yung tula at confident naman ako sa gagawin ko. Nakakapagtaka lang na kailangan pa pala ng ilang kaartehan katulad ng ginagawa nila.

            May isa pa palang nakakainis. Si Beatrice. Sa tuwing lilingon siya sa partner niyang si Sebastian, iniirapan niya ako. May paniniwala ata siyang sa bawat pang-iirap niya sa akin ay magiging maganda siya eh. Kaya lang, kahit totoo ‘yon, hindi na tatalab kahit anong spells sa gaspang ng ugali niya.

            “Uy, sorry na-late ako,” bati agad ni Justine sa akin nang makaupo ito. Infairness, ako muna ang binati niya bago si Beatrice. May problema kaya sila?

            Ngumiti ako ng isang malapad na ngiti para maasar si Beatrice na halatang nakikinig sa usapan namin. “Ayos lang ‘yun. May costume pa ba?” tanong  ko.

            “Wala rin akong dala, eh.” Tipid ang sagot nito sa akin. “Hayaan mo na. Kaya naman natin ‘yan eh.” Ito ‘yung the best line niya ever eh. Confidence at its finest nga naman.

Eksatong 3:30 nang dumating si Sir. Umayos na ang lahat. Kahit hindi sinasabi ni Sir, nagsibalikan na ang lahat sa kani-kanilang upuan. May dalang box si Sir. Andoon siguro ‘yung mga pangalan ng una niyang tatawagin. Malas ako sa ganito. Madalas akong nabubunot para mauna.

            “Let’s begin,” pagkasabi nito, kumuha siya ng isang papel sa box. “Lyka at Justine.”

            Kung na-relieve ang iba, ako naman, kinabahan. Unang-una ba naman akong tawagin. Wala pa naman kaming costume.

            Tumayo na kaming dalawa. Ang arte lang kasi hawak ni Justine ‘yung kamay ko at bumulong pa, “Kunwari lang,” sabi nito. Ito ‘yung two words na pinakakainisan kong pakinggan.

            Nasa harapan na kami. Hawak niya pa rin ‘yung kamay ko. Kita ko sa likod si Beatrice na umuusok na ang mukha sa sobrang inis sa amin. Wala akong pakialam. Actually, mas gusto ko nga ‘yon kasi baka naman mag-break na sila after ng class. If ever na mangyari ‘yon, e ‘di tapos na ‘yung mission ko.

            “Even if we’re not together, I’ll hold your hand and I’ll say that I want you forever,” sabi niya. Magkaharapan na kami ngayon. Sa totoo lang, hawak niya ang dalawang kamay ko. Loading lahat ng pangyayari sa akin. Na-mental black na ata ako dahil sa tindi ng mixed emotions, like pressure, stress, kilig, at iba pa. Parang salad ‘yung emotions ko nang magsimula na siya. “Lye, ikaw na,” bulong niya.

            Nakalimutan ko ‘yung linya. Napakaikli na nga lang, nakalimutan ko pa. Hinigpitan ni Justine ang hawak niya sa kanang kamay ko, senyas na kailangan ko nang magsalita.

            “Even if the rain… I’ll walk with you along the way,” halos ma-utal na ako sa linya ko. Nakalimutan ko na ‘yung mga nasa gitnang words. Nakalimutan ko na rin ‘yung the rest na lines sa tula.

            Mabuti na lang may ilang kaklase ko ang bumubulong ng line. Kaya lang, parang “Ashushuhushu” lang ‘yun naririnig ko sa kanila.

            Si Justine na ‘yung tumapos ng tula nang makaramdam siyang nakalimutan ko na lahat. Halatang naiinis na ‘yung professor ko kahit hindi ko nakikita. Palibhasa, puro confidence lang meron ako.

            “Is that all?” tanong ng professor ko. “Lyka, I see no effort from you.” Turn off na ata si Sir sa akin. “You did a great performance, Justine. Buti na lang ikaw ang partner ni Lyka, kundi ibabagsak ko na siya.” Nakangiti pa siya nang sabihin ito. Nakakainis. Bakit naman ako biglang nakalimot sa lines? Hindi ako ito.

            Nakayuko akong naglakad pabalik ng upuan ko. Halos kutyain na ako ni Beatrice dahil matigas ang mukha niya para awayin ako. “Ayos lang ‘yan. At least pasado,” bulong na lang rin ni Sebastian sa akin. Tunay ngang mabubuting seatmate ang sagot sa mga panahong tinalikuran ka ng swerte sa mundo.

Thanks for the Last NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon