My Mission

4 0 0
                                    

Bata pa lang ako, alam ko nang pag-papari ang gusto maging paglaki. Siguro dahil na din sa tiyuhin kong pari na tumulong sa aming mag-ina pagkatapos kaming iwanan ng tatay ko. Growing up, I was raised to understand God's work. It's amazing how God can give forgiveness to sinners. His love is so wonderful that it is capable to give love to those who hurt us. Kaya din siguro wala akong sama ng loob sa tatay ko.

What I don't understand though is why do we need to have a time outside the seminary before we got ordained? Sabi nila, kailangan namin ang oras na to para hanapin ang aming sarili at para maging sigurado sa aming bokasyon. Eto ang panahon para malaman namin kung ang pag-papari talaga ang calling namin. Siguro sa iba, ikakatuwa to. Pero ako, hindi ako masaya. Hindi ko to kailangan! Desidido akong panghabang buhay na paglingkuran ang Diyos.

Dahil wala naman akong magagawa, umuwi ako sa amin sa Bulacan. Sabagay, matagal tagal na din simula nung nadalaw ko ang puntod ni nanay. Naisip ko ding maglingkod sa aming parokya. Eto nalang ang pinakamalapit na paglilingkod na puede kong gawin.



"Alam mo Caiden, na-miss ka talaga ng parokya! Sana naman dito ka sa amin madistino pag pari ka na." Sabi ni Manang Ising. Siya ang naging tagapag-alaga ng tiyuhin ko bago eto namatay.

"Naku Manang, sana nga hindi nalang ako pinalabas ng seminaryo. Excited na akong ma-ordinahan!"

May kumpulan ng matatanda kaming nakita pagpasok sa simbahan. Parang may pinag-uusapan sila at di ko maiwasang ma-curious. Kaya naman lumapit kami ni Manang at dun ko nakita ang isang babae pala ang topic ng usapan nila.

"Naku andyan na naman yang napakaduming babaeng yan! Hindi na nahiya!"

"Mukang yung mga ganyan hindi naman talaga nahihiya! Wala na yang dignidad! Baka dito pa sya naghahanap ng magiging susunod na customer."

"Baka mahawaan ako ng kasalanan nyan!"

Ilan lang yan sa mga usapang narinig ko tungkol sa babaeng nakaluhod malapit sa altar. Sa lakas ng usapan nila, alam kong naririnig sila nung babae pero hindi sya natitinag. Tuloy pa din sya sa pagdadasal. Hindi ko mapigilang tignan sya; makapal na make-up, sobrang ikling palda at halos nakabra na! Isang manipis na jacket nalang ang halos nagtatakip sa kanya. Tama kayo ng iniisip, isa syang prostitute. Kahit saan mo tignan, isang makasalanan sa mata ng tao. Pero sa tanang buhay ko, ngayon lang ako nakakita ng isang taong may matibay na pananampalataya. Isang pananampalatayang hindi nabubuwag kahit na nahuhusgahan at nakukutya sya ng harap-harapan.

Hindi ko alam kung gaano ako katagal nakatitig sa kanya. Napansin ko nalang na wala na ang mga matatandang kanina lang ay pinag-uusapan sya. Nang matapos na sya sa pagdadasal, nilapitan ko sya.

"Hi, Miss. Ako nga pala si Caiden, kamusta ka?"

"Puede ba? Mahiya ka naman sa Kanya! Oo pokpok ako pero hindi ako nag-aalok sa loob ng tahanan Niya!" Medyo malakas nyang sabi sa akin.

"Ay Miss, nagkakamali ka. Dito ako mag-seserve sa simbahang ito at nakita kong taimtim kang nagdadasal. Puede ko bang makuha ang pangalan mo?"

"Lalo kang dapat lumayo sa akin. Hindi kita dadalhin sa makasalanang mundo ko."

At doon naiwan akong mag-isa. Eto ang unang beses kong maka-encounter ng taong ayaw sa akin. Don't get me wrong, hindi ako attracted sa kanya bilang babae. Isa yan sa mga bagay na hindi ko naiisip simula nung napagdesisyunan kong mag-pari. Hindi ko alam kung bakit pero gusto kong mapalapit sa kanya.



Dalawang linggo matapos ng pagkikita namin nung babae, hindi ko na siya nakita ulit. Siguro natakot ko sya. Nakakalungkot naman, mukha pa naman syang deboto.

Magpapasko nun kaya kailangan kong gumising ng mas maaga para sa simbang gabi. Alas-dos palang ng umaga naghahanda na ako, pero masyadong maaga pa para sa 4 AM na misa. Naisipan kong kumain muna sa malapit na convenience store. Pagbalik ko may nakita akong taong nakatayo sa labas ng simbahan.

"Excuse me, gusto mo sa loob ka na? Halika na, bubuksan ko lang yung simbahan ha?" napahawak ako sa balikat nya para imbitahin sya sa loob.

"Aray! Masakit dyan!"

Nagulat ako sa nakita ko! Yung babae pala sa simbahan nung nakaraan. Natatabunan kasi ng hood ng jacket yung mukha nya.

"Sorry, Miss. Ngayon lang kita nakita ulit ah! Okay ka lang ba?"

"Hindi na ako papasok, pero puede bang dito nalang ako? Please?"

"Miss, bakit ka umiiyak? Teka ano yang sa mukha mo? Bakit may pasa ka?"

"Puede bang wag na wag mo na akong lalapitan? Sige na aalis na ako."

Sa pangalawang pagkakataon, naiwan na naman akong mag-isa. May kung ano talaga sa kanya at parang gusting gusto ko syang tulungan at protektahan. Alam ko na ngayon kung bakit kailangan kong lumabas ng seminaryo; nakita ko na ang misyon ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 06, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Defying DestinyWhere stories live. Discover now