Chapter Two

73 1 1
                                    

Habang naghihintay ako dito sa labas ng Ospital naisip ko kung bakit ko nga ba gagawin to para lang wag magtampo ang bestfriend ko. Kinailangan ko pa tuloy iwan sa kaibigan kong doktor ang mga nagpapacheck-up sakin =___= Alter naman kasi bakit pa kailangang gawin to? T^T

***** Peeeeeeeepp! *****

"What the- Alter?!" akala ko naman kung sino na.

"Get in." Aba! Akala mo naman kung sinong makautos. Haaay.. Kung hindi lang kita bestfriend, ay ewan ko nalang. Sarap sapakin eh. hehehe, pero syempre hindi ko magagawa 'yon. Kaya sumakay nalang ako ^__^

"Alter, pwede ba huwag mo akong gugulatin sa susunod?" inis kunwaring sita ko sakanya.

"Nagulat ba kita?" painosente pa eh nuh? =__=

"Hehe...Hindi! Gulat na gulat lang." loko to ah!

Napuno naman ng halakhak niya ang sasakyan kaya nainis na talaga ako >.<

"Tigilan mo na nga 'yan! Kapag di kapa tumigil masasabutahe talaga ang plano mo." banta ko.

"Easy lang okay? Sorry na kung nagulat ka kanina...By the way, you look pretty tonight."

"Matagal na akong maganda kaya di mo na ako dapat pang pagsabihan niyan." biro ko na rin sakanya. Lakas ng trip eh.

Tumawa nanaman siya pero ngayon ay dalawa na kaming tumatawa ^__^

"Wait! Teka lang. Okay na ba itong damit at ayos ko?" tanong ko sakanya. Syempre ngayon lang magiging girlfriend ang papel ko.

"Okay na'yan. Pwede na sa date." ano daw? O_O

"Heh! Hindi 'to date tandaan mo." paalala ko sakanya. Ano siya sinuswerte?

"Osige...Hmm...date kuno nalang. Pwede na ba?"

Natawa ako sa sinabi niya at napansin kong lumapad naman ang ngiti niya.Hindi ko nalang pinansin ang ngiting iyon kasi baka madisgrasya pa kami eh. Tutok na tutok pa naman siya sa daan.

Pagdating na pagdating namin sa restaurant na pinapasukan ng dating kasintahan ni Alter ay pareho naming nakita ang naging reaksyon nito at agad naman kaming nilapitan ng babae.

"Hi...Sino naman ang kasama mo Alter?" tanong niya ng nakangiti.

"Ummm...Cassandra this is Samantha Fllay Cardoval my girlfriend. Fllay this is Cassandra Laurel or Sandi for short."

"H-Hi, nice meeting you." bati ko na kinakabahan pa. First time kaya T__T

"Hi, nice meeting you too Sam." sagot niya.

"Fllay nalang, 'yon kasi ang tawag sa akin ng karamihan."

"Okay, Fllay. Enjoy the night. Ah, Alter maiwan ko na muna kayo." baling niya kay Alter. Tumango naman si Alter na tila walang pakialam.. hmmmm.... If I know ang saya mo eh.

Kahit anong gawin ko hindi ko parin maiwasang hindi mailang kay Alter. Ganito ba talaga to ka sweet sa mga naging girlfriend nya? Kaya naman pala eh. Idagdag mo pa ang Cassandra na yan oh, tingin ng tibngin saamin eh. Pagnaabotan kong tumitingin agad namang iiwas.

My LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon