Chapter Three

47 1 0
                                    

(Alter's POV)

Maaga akong gumising dahil kailangan kong sunduin si fllay sa bahay niya at ihatid sa ospital na pinagtatrabahuan niya. Huwag lang makisabay ang Liz na epal na 'yon kundi mababara sa akin ang babaeng iyon. Kumakain na ako ng almusal ng may tumawag.

eh? sino to? bakit numero lang?


"Hello?" sabi ko ng masagot ko.

"Hello, Mr. Andrews? This is Cathy Evans from Arts Resort, I just want to tell you that everything is set sir and if you want to add anything you just inform us." sabi ng nasa kabilang linya.

"Ok. Thank you, I'll call you if there is." sabi ko at agad namang sumagot si Miss Evans at matapos niyon ay pinatay ko na.

Naalala ko na may party pala mamaya ang kaibigan ko. Ang ganda ng napili niyang lugar, ang Arts Resort. Isa itong resort pero makikita mo sa resort ang iba't ibang klase ng paintings and sculptures na gawa ng mga sikat na artists. Mahilig ang nobya niya sa arts kaya naisip niya na doon magpropose mamaya. Ako ang nahingan niya ng pabor para asikasuhin ang party para hindi mahalata ng nobya niya ang plano. Okay na ang lahat maliban sa isang problema. Sino ang isasama ko?

Bago pa man mag-alas otso ay nasa bahay na ako ni Fllay at sakto naman na pagkadating ko ay papalabas na siya.


"Hey! Good morning sweety." salubong ko sakanya.

"Maka sweety ka diyan ah. Oh! Bakit ka andito?"

"Di' ba sabi ko sayo susunduin kita? Kaya andito ako ngayon." ubod ng ngiti pa ako eh pero ng makita ko ang sumunod na lumabas ng bahay niya ay nawala na ang ngiti ko.

"LOL lang Alter. Tingnan mo nga yang mukha mo. Hoy! Di ako multo." ay panira ng araw ang epal. Tama! Si Liz lang naman ang epal eh.

"May epal kasi na mapapel sa paligid." Feeling bestfriend naman kasi ang babaeng to.

"Alter! Liz, sumabay kana sa amin." WHAT?!

"No.! Ang babaeng 'yan?! Never! Fllay, isama mo na kahit aso wag lang ang mapapel na babaeng 'yan."

"Over na Alter ah! Papel talaga?" inis na yan eh ^__^

"Teka nga! Alter ano ba ang ikinaiinis mo kay Liz ha? Ikaw naman Liz bakit ka naman nakikipagtalo kay Alter ha?" naguguluhang tanong ni Fllay sa aming dalawa.

"Ayaw kasi niyang maagaw kita bilang best friend dear." eh ano naman kung ayaw ko? Ako lang best friend ni Fllay mula noon. Selfish na kung selfish.

"Aisssh... Tayo na nga. Mga isip bata." ano daw? O_O???

"Hindi ako isip bata Fllay ah. Si Liz lang nagsabi nun, hindi ako." ako isip bata? Hindi kaya.

"Deny factor pre?" si Liz sabay isang malakas na tawa.

"Psshh... Sumakay ka nalang pwede?" kainis eh.

"Alter, may pupuntahan ba ulit tayo mamaya? Para naman maayos ko ang oras ko." meron ba? *__*

"Meron." sabi ko sabay ngiti ng napakalapad. Siya nalang pala ang isasama ko sa party. Wala namang masama eh, alam naman ng mga kaibigan ko ang tungkol sa plano ko at alam din naman nila na best friend ko si Fllay kaya solve na problema ko ^__^

"Saan?"

"Sa Arts Resort."

"What?! Pwedeng sumama?" si Liz na mukhang sobra pang excited eh.

"Hindi!" agad kong sabi. haha., halatang nainis ko.

"Huh? Ano bang meron sa Arts Resort Alter?" si Fllay na mukhang hindi manlang na excite. Anong meron? Hindi ba nito alam ang resort?

"Magpopropose si Ed sa nobya nya." sabi ko pero syempre kating kati ang dila kong itanong kaya itinanong ko na ang gusto kong itanong. "Fllay, alam mo ba kung ano ang Arts Resort?"

"Hehe.., ang totoo? Hindi. Sorry naman xD" sabi na eh =__="

"Okay lang yan bes, mamaya malalaman mo rin bakit patay na patay akong sumama kahit ayaw ng loko mong best friend :)" ako pa talaga ang loko ah? Siya nga tong epal eh.

"Hehe.., sige bes... Wala naman kasi akong hilig lumarga kung saan saan eh."

"Hindi ka rin chismosa tulad ng iba diyan kaya nga kita best friend eh." pagpaparinig ko kay Liz.

"Hoy! Alter, mula talaga ng naging malapit ako kay Fllay hindi kana tumigil sa pangiinis sakin ah. Problema mo ah?" natawa naman ako sa mukha itsura nya. Kahit nagdadrive ako natawa ako ng sobra kaya mas lalo atang nainis sakin kaya ayon at natulog nalang. wahahahaha I won. Yes!

"Alter.." si Fllay na tila nagaalangang magsabi o magtanong sakin.

"Yes?" ^_^
 
"Hehe.. Wala. Nakalimutan ko na." O_O may ganun?

Pagkatapos ng mahabang katahimikan ay lalo pang humaba. Paanong hindi eh nakatulog din si Fllay eh =___= pero ng lingunin ko siya ang ganda niya tingnan, parang fresh na mala anghel ang mukha. Nagulat nalang ako ng may magsalita.

"Hanggang ngayon parin ba patingin tingin ka lang?" tssss..ang epal. =__=

"Masama ba ang mapatingin ha?"

"May gusto ka nga siguro talaga kay bes eh.." hanggang ngayon ba naman ganyan parin paniniwala ng babaeng to? Ang totoo kaya kami hindi magkasundo nito kasi nung makita nya akong nakatingin sa mukha ni Fllay na natutulog ay ipinilit na nyang may gusto ako sa best friend ko. Kung may gusto ako kay Fllay siguradong matagal ko nang niligawan yan eh. Pero wala nga akong gusto.

"Bahala ka sa kung ano gusto mong isipin. Matulog ka nalang nga ulit."

"Mas maganda siya pag gabi nang patulog at pag umaga na bagong gising." Hindi ba talaga titigil to? Magsasalita na sana ako ulit pero ayun at nkapikit na ulit at tulog na. Kaya nman pala ganun ang boses ng babeng epal eh. Inaantok pa pala tapos nakiepal pa kanina sa simpleng pagkatingin ko kay Fllay.


****************************************************************************************************************
****************************************************************************************************************


update.. update lang ^__^
hehe., walang magawa eh...

My LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon