Picture 1: Coldie Meets Myasungit

5 0 0
                                    

"Maria Ysabelle Antonio!" Malakas na sigaw ng nanay ko sa akin.

Ahhh! Inaantok pa ako eh! Anong oras na ba? Tumingin ako sa phone ko. Eh kaaga-aga pa! 10am palang naman. Tinalukbong ko ung kumot ko, at pinatong ung isa pang unan sa mukha ko at natulog ulit.

"MYA (pronounced as Mi-ya) !!! Isa pang sigaw ko ng pangalan mo dito at hindi ka pa rin bumabangon ihahampas ko sayo tong kawali!" Sigaw pa niya. AISH!

Umupo na ako sa higaan ko. Pero pumipikit-pikit pa rin ang mga mata ko.

Ganda ng panaginip ko. Ung boyfriend ko at ako, nasa isang kingdom. Masaya, perfect at walang problema. Pero dahil sa pagsigaw ng maingay kong ina, biglang may sumulpot na lalaki, isang knight namin at ulit-ulit na sinisigaw ang pangalan ko.

Tapos nasa kissing scene pa yun. Aish! Bitin! Cliffhanger na panaginip, buti naaalala ko pa. Pero, sabi ni tita ko dati, kapag natandaan mo daw ung panaginip mo, half true daw yun. OMG!

" Vince!! Pumasok ka nga sa kwarto ni Mya, ayaw bumangon eh."

"Ah..okay lang po?"

"Oo naman."

"Sige po."

Sa oras na narinig ko na tataas dito si Vince, ang boyfriend ko na uto-uto sa nanay ko pero mabait naman, bumangon na ako at agad na tumakbo sa CR. Kahit na may relasyon kami, nakakahiya pa rin naman diba?

At kelan pa nakapasok yun?! Aish! Sunday pala. Bibisita kami sa orphanage na dinadalaw namin lagi.

Nagtoothbrush at naligo na ako, buti na lang may damit ako lagi sa closet dito sa CR.

Inikot ko na lang muna ung towel sa buhok ko, nasa kwarto ung suklay ko.

"Ah, Mya!" Sigaw ni Vince "Akala ko kung saan ka nagpunta, sabi kasi ni tita ayaw mo daw bumangon kaya pumasok ako ah. Sorry." Napayuko siya. Awww. So cute!

"Ah, ano, hindi. Okay lang. Narinig ko kaya kayo ng ina kong yun na inutusan ka. Aish, sorry. Nag-alala ka pa. Though, parang ang OA, nandito kaya ako sa bahay." Sabi ko, kaya lumapit siya sa akin at yumakap.

"No matter where you are, I always wanna keep you safe. Accidents don't happen only outside, you know.

And you don't know when you'll be hurt"

Niyakap ko din naman siya habang sinasabi niya yoon. Pero dahil nakita ko ang nanay ko na vinivideo kami, naitulak ko siya. Nakakahiya!

Agad akong tumakbo papunta sa nanay ko. Hindi porque't nanay ang tawag ko, mahirap or adopted ako. Heck no! Kakairita lang siyang tawaging mommy.

Tumakbo naman siya papunta sa may telephone sa sala namin. Ahhhh! Nooo! Tatawagan niya si daddy. Nasabi ko na ba? Si mommy, oh ayan ah!, ang pumayag kay Vince. Si daddy, asa naman ako!

Tumigil ako sa paghabol. Di ko siya pwedeng habulin, patay ako kay daddy. Di ko rin naman pwedeng hayaan un, baka ipost sa youtube. Lagot na. Wait, ganda ng line ni Vince kanina ah. Pwedeng pang-GM. Isave ko muna sa memo ko sa phone.

And..save.

Waah! Ano na? Hahayaan ko ba? O hindi? This is my greatest decision that I will never regret in my life. Hahayaan ko na lang. Kaysa malaman ni daddy na ganito. Wala namang assurance na ipopost ni mommy, ayan ulit ah, un eh.

Pumasok na ulit ako sa kwarto ko at nagsuklay, nagpowder na rin ako. Powder lang, highschooler lang po ako. Fourth year.

Ready to go na!

Nasa labas na kami at papaalis na ng sumigaw si mommy. "Nako, Vince, huwag muna kayo mag-aadopt o gagawa ah. Bata pa yan. In heart, mind and body." Naks nag-english! Ahh...wait...ah....bata in heart, mind, and body? Ano ibigsabihin niya nun? In heart and mind...childish. In body.... napatingin na lang ako sa...yaaahhh! No comment na lang!

Susugod pa ako sa nanay kong iyon pero pinapasok na ako sa sasakayan ni Vince. Ilang taon na siya? 17. Okay lang, pwede na yan! Pinayagan na siya ng daddy niya.

***Orphanage (Nine's Orphanage)***

"Ate Mwya! Kuya Vwince!" Pagkasigaw ni Quendra (Ken-dra), napalingon din lahat ng bata sa amin. Tinigil nila ang lahat ng nilalaro nila at tumakbo papunta sa amin. Oo nga pala, may dala kaming pagkain at laruan sa kanila. Di naman sila karamihan, nasa twentyfive lang sila. Ung mga nasa 10 and above kasi nasa ibang lugar pinapatira. Kaya Nine's Orphanage pangalan nito, hanggang nine years old lang.

Pero pagkatakbo nung mga bata papunta sa amin, tsaka ko lang nakita na may lalaki palang nakikipaglaro sa kanila na sobrang seryoso ng itsura. Umalis na siya doon at umupo sa tabi, kinuha ang phone niya at doon nagkalikot o kung ano man.

Si Ma'am Riza, ung tagabantay nila dito ay lumapit sa akin. "Si Matthew Renz yan." Sabi niya. Hindi ko naman tinatanong ah. Baka phychic itong si Ma'am Riza! Jk.

"Matagal na po ba siyang dumadalaw dito?" Tanong ko. Umiling naman siya. "Isang buwan palang. Pero, araw-araw."

Araw-araw? "Bakit po araw-araw?"

Ngumiti siya. "Masyadong personal."

Napansin yata ako ni Matthew na kanina pa ako nakatingin sa kaniya, kaya lumingon siya. Noong nagtama ang tingin namin, sinamaan niya ung tingin niya. Anong ginawa ko dun? Hmph! Inirapan ko siya.

Umalis na siya pagkatapos nun. Kami, nagpatuloy lang sa pagpapakain sa kanila at pamimigay.

Sana sunday na lang lagi, para masaya. Bukas Monday na. Hatest day ever.

---

And once again, I don't have any readers. But kung meron man, yay! Thank you very much!

♥Vote

♥Comment

♥Share (share to your friends lang. Baka sabihin niyo, 'ano to? Facebook?')

Please. Please! Iluvyou, minna.

Maikli, first chapter plang naman eh. Kapag may mga magvote, hahabaan ko. Promise! (Promise, parang baliw ako dito wala namang magbabasa, gagawa pa ako ng promise promise..pero if ever lang naman.)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 14, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

It was back then *Tagalog*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon