Chapter 1

62 8 0
                                    

"Welcome to Fortebuel Universtity. I am Saytana Fevuer the--"

Hindi ko na pinakinggan ang welcoming speech ng chancelor at naglakad nalang papalabas ng indoor arena saka sumakay ng elevator papunta sa parking lot para imaneho ang aking sasakyan sa main building ng unibersidad.

Pa-simple naman akong naglakad papasok ng guidance office kung nasaan ang mga monitors ng CCTV. Pag silip ko sa pinto ay may iisang nag babantay at tutok na tutok sa malaking monitor. Nakatalikod siya ngayon kaya madali ko itong mapapatumba.

Gamit ang panyo na mayroong chloroform ay itinakip ko ito sa ilong at bibig ng lalaki. Nagpupumiglas pa nga ito pero 'di kalaunan ay nanghina na rin at bumagsak sa sahig. Pagkatapos ay ibinulsa ko na ang panyo at tinanggal ang power source.

Agaran naman akong umalis ng office at bumalik muli sa parking lot para ilipat ang mga dala kong iba't-ibang klase ng droga sa kotse na katabi ko.

Mabilis ko namang nabuksan ang pinto sa backseat. Nagsuot muna ako ng gloves at mabilis na inilipat ang mga droga sa kanyang Bentley Continental GT.

Nakakalungot isipin na napakaburara niya sa gamit. Hindi kasi ako nahirapan sa pagkuha ng susi mula sa bag niya. Hindi man lamang nito naisipan na ilagay ito sa bulsa pero dahil nga sa burara siya ay alam kong mawawala niya rin ito. Kanina, habang nagsisiksikan na kami papasok ng indoor arena ay mabilis kong kinuha ang susi mula sa bulsa ng bag nito.

Minaneho ko ang sasakyan papalabas ng unibersidad at naghanap ng mapa-park-ingan na malapit sa checkpoint. Sinigurado ko naman na walang makakapansin saakin. Habang abala ang mga pulis sa pag sisiyasat ng iba pang sasakyan ay itinabi ko ang kotse sa gilid ng isang hotdog stand sa mismong tapat ng 'No Parking' sign. Ilang metro ang layo sa checkpoint.

Lumabas naman ako ng kotse at naglakad sa waiting shed na malapit saka tinawagan ang napakagaling kong kapatid na si Triton.

Mabilis namang nakarating ang kapatid ko at ini-uwi niya ako sa aking bahay.

Pagkapasok na pagkapasok namin ay naupo ako sa couch at ipinikit ang mga mata.

"Hindi mo man lang sinigurado kung gumana nga ba ang plano mo." wika ni Triton. Idinilat ko ang aking mga mata at nakitang hawak nito ang bote ng Alfonso XIII.

"Hindi ko 'yon pinagplanuhan. Sinisiguro kong masisira ang pangalan ng pamilya niya." Lumapit naman sa'kin si Triton para bigyan ako ng isang baso ng alak.

"Edi ikaw na magaling. Nga pala, dad will visit YOUR house this week. Hindi mo naman ata hahayaang makita ang lapida ni Zenayda sa bakuran mo." Pagdidiin nito.

"Zenayda. Our mother. MY mother."

"That you killed." Walang anu-ano't tinapon ko ang hawak na baso.

"Get the hell out of here, Triton."

"You should call me ku--"

"Out. Now."

Naglakad ito papalabas bitbit ang bote ng alak. Minasahe ko naman ang batok ko saka tinawag ang katulog para linisin ang kalat.

Naglakad ako papunta sa bakuran ng bahay at kumuha ng pala para tanggalin ang lapida ni mama. Tinakpan ko naman ito ng mga paso para 'di mahalata ni Dad kung sakali man na pumunta siya dito.

Napa buntong hininga ako at pumasok ng bahay para kumain.

Triton calling...

Agad kong sinagot ang tawag pero hindi man lamang nagsalita ng kahit ano si Triton.

"Should I say hello before you speak?!" Naiirita kong sabi na naging dahilan ng pagsasalita niya.

"Kalma nga, galit agad eh parang tanga. Open your TV bastard."

In-end ko ang call at ginawa ang sinabi niya. Balita. Isang balita patungkol sa pag huli sa anak ng mga Matsujillo na si Torjan Matsujillo.

Napangisi naman ako nang mag ring ang phone ko.

Inaasahan ko ang pag tawag mo.

Aurdin calling...

"You did a great job, Xebastian. Siguraduhin mong walang sabit ang ini-utos ko." Walang emosyon nitong sabi.

"Yes, dad."

Ibinaba na niya ang tawag at napapikit na lamang ako.

Nag ring uli ang phone ko at irita kong tiningnan kung sino ang tumatawag.

Triton calling...

Sinagot ko ito at alam kong magkasalubong na ang kilay ko ngayon.

"There will be a family gathering LATER. 6:30 PM at Peninsula Manila's Escolta. You should be early bastard. Alam mo naman si lolo ang--"

Ibinaba ko na ang tawag at umakyat papunta sa kwarto para maghanap ng ma-i-susuot. Kahit na maaari naman akong mag suot ng casual attire ay hindi ito papayagan ni Dad. Dapat mag mukha akong pormal lalo pa't dadalo ang pamilya ng mga Bastardo.

Nang makahanap ako ay plinantsa ko ito at inayos. Wala akong tiwala sa kung sino man sa mga katulog ko dito sa bahay dahil noong inutusan ko sila'y nasunog ito.

Ako na rin ang nag hugas ng pinggan pagkatapos kong kumain dahil hindi ko tipo ang pamamaraan ng paghuhugas ng mga katulong ko.

Pagkatapos ay inutusan ko ang katulong ko na linisin ang Ferrari 458 Italia kong kotse na ginagamit ko lang sa t'wing may ganitong okasyon. Inutusan ko rin ang isa sa kanila na gisingin ako saktong 6 ng gabi.
Hindi matutuwa si Dad kung inaantok ako habang nakikinig sa mahabang diskusyon ng mga Bastardo.

--

Isang katok sa pinto ang gumising saakin kaya tiningnan ko ang orasan. Saktong 6 nga. Bumangon na ako para maligo at mag ayos.

Sa aking pagbaba ay inabangan ko ang pag pupuri sa akin ni Nany. Ang tumulong sa pag alaga sa akin simula noong bata pa lamang ako. Ngunit, wala akong narinig saka ko naalala na pinatay pala ito ni Dad last week at ipinatapon kung saan ang bangkay pero nahanap ko rin ito at nabigyan ng maayos na libing.

Lumabas na ako at sumakay sa aking kotse. Akma ko nang i-sstart ang makina nang bumukas ang gate sa 'di kalayuan kaya nagsalubong ang kilay ko sa pagtataka.

Bumungad saakin ang papalapit na sasakyan ko na iniwan ko sa unibersidad na si Triton ang siyang nagmamaneho.

Bumaba siya mula sa sasakyan kaya ibinaba ko ang bintana ng kotse ko at hindi siya nilingon.

"One of dad's men killed Zaijan." Nilingon ko si Triton at biglaang binuksan ang pinto ng kotse kaya natumba ito.

Agad naman itong tumayo nang nakangisi. Hiniram niya kasi si Zaijan, ang aso ko kaninang umaga.

"I was just kidding bastard. Susundan nalang kita kasi di ko naman alam kung nasaan yung restaurant."

"Damn, Triton. Don't use any of my cars." Pumasok na ako sa kotse ko at rinig na rinig ko pa rin ang nakakarindi niyang ngisi saka ipinasok ang ulo sa bintana kaya kakaunti lamang ang pagitan ng mukha ko sa kanya.

"No one's at home, Xebastian. I don't want to commute! Tsaka walang dumadaan na sasakyan o kung ano man dito sa lugar mo!" Pagmamaktol nito.

"Then, walk." Simple kong sabi at itinaas ang bintana kaya agad naman niyang inilabas ang ulo nang naka-ngiwi.

Binuksan ko uli ang bintana at itinapon sa kanya ang susi ng Aston Martin V12 Vantage S. Kitang-kita ko ang malawak niyang pag ngiti.

Tsk, such a stupid kid.

Sinarado ko na ang bintana ng aking sasakyan at binilisan ang pagmamaneho. Kitang-kita ko naman sa side mirror kung gaano siya nagmadali na sumakay ng kotse ko.

Bastardo (Xebastian Szeriozo Bastardo)Where stories live. Discover now