Chapter 3

10 0 0
                                    

"Xebastian Bastardo!!" Isang paulit-ulit na sigaw ang gumising sakin na nagmumula sa labas ng kwarto ko.

Agad naman akong bumangon saka kinamot ang ulo dahil sa pagka-irita saka binuksan ang pinto at bumungad sakin si--

Sino ba 'to?!

"Damn! You're too loud, miss? Natutulog ako!"

"Ha! Xe-bas-tian! Ako yung nabuntis mo for fuck's sake!"

0_0

"A-anong nabuntis?! Im goddamn virgen, are you on drugs?! Tsaka pa'no ka nakapasok ha?!" Naiirita kong sagot.

"You're brother let me in. I just had a pregnancy test 35 minutes ago and its positive! At sa pagkakaalam ko, ikaw ang huling lalaki na nakasama ko!"

Damn she's getting into my nerves!

Hanggang sa tinitigan ko ang pagmumukha niya at saka naalala.

Siya yung inuwi ko galing sa bar? No, hinatid ko pa uwi.

"Ikaw yung hinatid ko pa uwi ng bahay mo galing sa bar *tsk*."

"Yeh at ginalaw mo ko!"

"Ba't mo ba pinagpipilitang ginalaw kita? You don't look delectable for me to taste."

"HA! I'm--"

"Shut up. That's a month ago,miss. Imposibleng ako ang huling lalaking nakasama mo. Kaya maaari bang lumabas ka na sa pamamahay ko?!"

Inirapan niya ako saka bumaba ng hagdan. Narinig ko na lang na tumunog ng front door kaya baka umalis na siya.

Dumadalas na ang gan'tong pangyayari. *hay*

Napahilamos ako sa'king mukha saka nagmadaling bumaba ng hagdan at bumungad ang kapatid kong nanunuod ng...

"What the goddamn fuck is that? Are you gay?!" 'di makapaniwalang tanong ko kay Triton.

"What's wrong with watching powerpuff girls, bro? Tsaka, 'yan yung paborito nung nililigawan ko at nakakatangina lang na yun palagi ang topic namin."

"May nililigawan ka? *tsk* kung inuna mo yung pinapagawa sa'yo ni Dad bago 'yang panliligaw mo edi sana natapos ka na. Ligaw-ligaw ka pang nalalaman, parang papatol naman say--"

'di pa nga ako tapos sa aking sinasabi ay bigla na lang akong binato ng unan ni Triton. Hinimas ko ng ilong kong natamaan saka umakyat pabalik ng kwarto at pabagsak na humiga sa kama.

Nakapikit lang ako at inaantok pa. Time check: 3:17 AM.

'Aga-agang nambulabog nung babae haish!'

Naiirita kong sabi sa isipan.

*ting*

Tumunog ang phone ko at kinuha ito. Isang e-mail ang aking natanggap mula sa isang--

Sino 'to?

Sharinggan plokplokplok
July 11, 2019 6:37 PM

Hi, classmate. See u latur.

WTF? Ang jeje naman nito. Seriously? Via E-mail?

Bumangon na ko para maligo at mag-ayos. Pagkatapos ay bumaba na ako para kumain ng almusal. Sa aking pagbaba ay nakita ko ang nakangiting pagmumukha ni Triton.

Matapos kong ma upo sa tapat niya ay takang-taka ko naman itong tiningnan.

"Ba't ka nga pala nandito?" Tanong ko saka kumuha ng kanin at hotdog.

Malaya kasi siyang nakakapasok sa bahay ko at wala naman sakin kung anong gawin niya dito.

"Seriously? 'di ka nag sasawa sa hotdog? Sa loob ng apat na taon kong pagpunta sa bahay mo, hotdog ang lagi mong almusal."

"Kung ayaw mo, edi wag kang kumain." Sabi ko saka tinusok ng tinidor yung hotdog.

"Oo nga pala, Asti. Magkaklase tayo hehe."

"Magkaklase? Seryoso ka? Gago 18 ka na! Pero atleast naisipan mong mag-aral uli." Sagot ko saka tumango-tango at sumubo ng hotdog.

Huminto kasi sa pag-aaral si Triton nung Grade 9 pa lang siya dahil sa mas marami pa daw siyang importanteng aasikasuhin kesa sa pag-aaral.

Nang matapos na kami'y nauna na akong umalis. Susunod na lang daw si Triton. Ilang minuto pa ang nakalipas matapos ang aking pagmamaneho ay nakarating na rin ako sa parking lot ng paaralan.

Bago umalis ng kotse ay tiningnan kong muli ang pangalan at pagmumukha ng papatayin ko ngayong araw.

Batay sa aking pananaliksik. Si Stellar Harisson ay isa sa mga sikat dito sa FU dahil sa isa siyang cheerleader. Si Euston Polvoriska naman ang MVP last year at si Odette Manama ay ang anak ng assistant Vice-Chancellor.

At ang mga magulang nila ang siyang dahilan kung bakit nakakapasok sa ating bansa ang mga ipinagbabawal na gamot.

Ano namang koneksyon nila kay Dad?

Napabuntong hininga na lamang ako saka isinukbit ang bag at naglakad na papunta sa room ko. Sakto naman at wala pa si Miss. Kitang-kita ko naman mula sa pinto si Triton na iritang irita sa babaeng katabi niya.

Wala nang bakanteng upuan at tanging ang katabi na lamang ni Triton ang natira kaya wala na akong magagawa.

Umupo na ako saka nilingon si Triton na kanina pa salubong ang kilay habang patuloy naman ang pag sasalita ng babaeng katabi nito.

"-oh nabasa mo ba kuya yung e-mail ko? Hehehe wala trip ko lang naman kasi 'yon tapos--" Hindi ko na pinagpatuloy na ringgin ang sinasabi nitong babae na siya palang nag send nung e-mail.

Pinagtitinginan na siya ng buong klase pero wala siyang pakialam. Mukhang baguhan siya sa school na 'to.

Ilang minuto pa'y dumating na si miss dala ang isang libro at ang bag nito. Nag si-tayuan kaming lahat saka bumati ng magandang umaga at umupo.

"Ms. Rivas and hmm t-the Bastardo brothers? Please come in front and introduce yourself." Naunang tumayo iyong babaeng wirdo at sumunod si Triton at ako. Pinagtitinginan kami ng mga kaklase namin na para bang gulat na gulat.

'Bastardo? Pa'no nakapasok 'yan dito? Hala.'

'Akala ko bawal ang Bastardo dito? Grabe ang gwapo naman nila.'

Iilan lamanhmg yan sa mga narinig ko. Nanguna nang nagpakilala si Ms. Castillona.

"Hi sa inyong lahat! Goodmorning ma'am! I'm Hecate Rivas. 16 years old. I'm glad to see you all thankyou!" Masayang bati nito na siyang ikina-irita ko. Sumunod na umabante si Triton

"I'm Sin Triton Bastardo. Nice to meet you all." at bumalik ito sa dating pwesto.

'He really hates introducing hisself'

Hindi ako umabante at alang ganang tiningnan ang mga tutok na tutok kong kaklase.

"I'm Xebastian Bastardo." pagkatapos nito'y naglakad na ako papunta sa aking upuan at na-upo. Sumunod naman si Triton at Hecate?

Lumipas ang mga oras at nababagot na ko. Saktong pag alis ng pangatlong teacher na pumasok samin ay lumabas ako at sinabi kay Triton na idahilan na lang ang pag sakit ng ulo ko na hindi naman totoo. Lumabas na ako at dumiretso sa kotse ko.

Bastardo (Xebastian Szeriozo Bastardo)Where stories live. Discover now