Marami-rami ang nandito sa basketball court ng unibersidad. Karamihan ay babae. Wala pa ang mga cheerleaders at ang mga basketball players. Sa pagkakaalam ko ay ilang minuto pa bago sila dumating.
Simple lang naman ang plano ko. Pagkadating nila'y didiretso ako sa locker room ng mga ito at lalagyan ng muriatic acid ang mga inumin ng aking mga biktima.
Sa pagkakaalam ko'y walang CCTV sa locker room. Magkahiwalay ang locker room ng mga cheerleaders at basketball players. Ilang minuto pa'y nagsilabasan na sila kaya naman nagsitayuan na ang mga nanunuod, tumayo na rin ako at pasimpleng naglakad paalis ng bleachers.
Naglakad ako papasok ng locker room ng cheerleaders at madali ko namang nahanap ang locker ni Stellar dahil kada locker ay mayroong pangalan na nakalagay.
Pad lock lamang ang gamit kaya madali ko itong nabuksan dahil marunong akong mag lock picking. Mayroong kalahating bawas na Gatorade at 'yon ang aking nilagyan ng muriatic acid. Pagkatapos ay umalis na ako roon at pasimpleng pumasok sa lockee ng mga basketball players at gaya ng ginawa ko sa inumin ni Stellar ay 'yon din ang aking ginawa sa gatorade ni Euston.
Pagkatapos ay sinilip ko ang pinto kung may tao bang makakapansin sa aking pag labas. Nang mapansin kong wala ay naglakad na ako paalis at dumiretso sa pinakamalapit na Food Mart ng unibersidad.
Nang makabili na ako ng pagkain ay kinuha ko ang phone ko para tawagan si Triton.
Triton ringing...
"Asan ka na?! Nak ng! Ang tagal mo amp! Kanina pa dada nang dada 'tong Riva--aray!!" Nailayo ko sa aking tenga ang phone ko matapos sumigaw ni Triton.
"Nasa Food Mart ako, yung malapit sa court."
"Ah sige--hindi! Hindi ka sasama!"
In-end call ko na ang tawag at saka binuksan ang messenger. Lumawak ang ngiti sa aking mukha nang makitang binati niya ako ng magandang umaga. Mga ganitong oras talaga siya nagigising dahil sa t'wing hapon ang pasok niya.
Hindi na akong nag atubili na tawagan siya. Matapos ang dalawang ring ay sinagot niya na ito.
"Asti!" Napangiti ako sa boses niya.
"You've been busy this past few days hmp."
Napangisi naman ako sa sinabi niya. "Wag ka nang magtampo. Babawi naman ako. Sadyang marami lang talagang pinapagawa si Dad."
"Okay okay. I understand naman. Oo nga pala! I didn't received any calls or texts from you ha? Dalawang araw 'yon!"
"I wanted to find some time for you. Wag ka lang magtampo. Ang kaso nga ay ang dami kong ginagawa."
"Oh may naalala pala ko! My mom said that you should have dinner with us tomorrow!"
"Hmm tomorrow? I'll try, baby."
"Pumunta kaaa! Ito parang tanga naman eh."
"Babe? I can imagine that you're pouting right now." I bit my lower lip with thought.
"Hmm so?"
"I miss your kisses but I miss you even more." I smiled.
Hindi siya nakapagsalita ng ilang segundo.
"Ano ba?!! I love you, Asti!"
"I love you too, Hyacinth. You better eat your breakfast, Baby. Don't skip meals, okay? Take care of yourself. Ayokong may nangyayari sa'yong hindi ko gusto."
"'bout that, uhmm Asti... There's this someone that always foll--"
"Si Dad??" Naibaba ko bigla ang phone ko nang bigla kong marinig ang boses ni Triton mula sa aking likuran.
YOU ARE READING
Bastardo (Xebastian Szeriozo Bastardo)
General FictionI was born with a blood of a Bastardo. Wrath and pride are the ones who strengthens them. I'm the one who contradicts my destiny.