#Chapter 8

339 13 0
                                    

Chapter 8 - Beats

Alas syete palang ng umaga ay gising na kaming lahat dahil nakakahiya naman kung mag papatanghali kami, lalo na ako. Nasa dining area na kami at hinihintay si Tita Chie dahil sabi ng maid niya pababa na raw ito. Tahimik lang kaming tatlo sa lamesa kaya naman 'di ko maiwasang maalala yung nangyari kaninang madaling araw.

Pagbalik namin ni Lenard sa kwarto kagabi tulog na si Dhan sa couch, na nakalagay sa paahan ng kama. Sa kama ako natulog samantalang si Lenard naman sa may sofa. Madaling araw nagising ako at buwan lang ang nagbibigay ng liwanag sa buong kwarto. Napatingin ako sa may bintana kasi mayroong anino doon at nakita ko si Dhan na nakatayo at may kausap sa cellphone. Pumikit ako kasi baka makita niya akong gising.

"Hmmm. Yes." -halata ko sa boses niya na bagong gising lang siya.
"Okay. Okay. I love you too." -halos mapaos siya ng sabihin yun at para din akong binuhusan ng tubig dahil doon.
"Okay bye Lyka." -pagkasabi niya nun naramdaman ko naman na humiga na siya at natulog ulit.

Buong madaling araw kong inisip yun, in fact, 'di na ako nakatulog kaya maaga palang talaga gising ako. So sila na nga ni Lyka.

"Good morning!" -nagulat ako sa biglang pagdating ni Tita Chie, tumayo kaming tatlo at nag bigay galang sakanya.

"Good morning po!" -bati namin.

"Oh bat may pagtayo pa? Para namang ang diyosa ko masyado e." -biro niya at napatawa kami doon. Sobrang elegante ng suot niya ngayon at amoy na amoy yung perfume sa buong paligid. Isang pormal na pang office ang suot niya at high heels na umabot pa ata sa 3 inches. Sakto lang din ang kolorete niya sa mukha at mga alahas niya.

"Tita Chie saan po lakad niyo ngayon?" -sambit ni Lenard.

"Oh good question Mr. Alvarez, I have a meeting with a client na balak bilhin ang bahay na ito upang gawing hotel." -sambit nito.
"Serve the food." -baling nito sa mga maids sa paligid at agad naman kumilos ang mga ito.

"S-so ibebenta niyo na po talaga ito?" -'di ko maitago ang lungkot sa boses ko. Hindi man ako lumaki sa lugar na 'to but yung tagal nito at sentimental value na baka mawala at 'di ma preserve ng bibili dahil obviously marami talagang mababago, it's a hotel.

"Yes dear. Napagusapan na namin ni Georgia and we make sure naman na yung buyer ay makakapagkatiwalaan and beside bibilhin naman sa tamang presyo, though yes wala talagang makakapantay na presyo sa mga ala ala na nabuo dito but who'll manage this house after us? Wala akong anak same with Georgia. I want to explore the world too, maikli nalang ang pisi ng buhay ko at malay natin doon pa ako makatagpo ng kabiyak diba!" -pagkasambit niya noon ay tumawa siya kaya medyo umokay naman ako lalo na sa sinabi niya trusted naman daw ang buyer.

Nilapag na yung mga pagkain sa harap namin. May salads, bacon, hotdog, patties and 'di ko alam yung ibang veggie.

"Ohhh! Thank you Lord!" -cheer ni Lenard sa tabi ko dahil sa dami ng pagkain. Like seriously? Apat lang kami dito pero pang sampu hanggang kinse ang pagkain na ito.

"Syempre bubusugin ko kayo! Later na ang inyong conference night party so better prepare yourself." -sabi ni Tita Chie. Salad lang kinakain niya.

"Night party?" -tanong ko.

"Oh yes! I forgot! I have the whole schedule of the conference I'll send it nalang to your emails and don't worry sa susuotin niyo dahil naihanda ko na iyon I'll just let the maid bring it sa kwarto niyo lalo na yung sayo Cath!" -halata yung excitement sa mga salita ni Tita Chie at ako naguguluhan parin.

Kumain na lamang ako at napatingin kay Dhan sa harap ko. Si Tita Chie ang nasa kabisera kami ni Lenard sa right side niya at si Dhan sa harap ko.

Nakatingin din siya saakin and para akong nadurog dahil doon. So she got you already Mr. Ashton. Bumalik na lamang ako sa pagkain kesa sa isipin pa yun pero oo, masakit but I'm enduring it.

The Past Revenge (Monstrous × Mutinous #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon