#Chapter 9

343 9 0
                                    

Chapter 9 - Heart

Halos masilaw ako sa liwanag na dulot ng napakaraming ilaw sa labas ng mansyong pinasukan ng sasakyan namin.

"We're here." Sambit ni Tita Chie. Sa sobrang mangha ko halos ilapit ko na ang mukha ko sa bintana. Mas malaki pa ang lupain nito kesa sa lupain nina Tita Chie. Sobrang daming sasakyan ang nakaparada sa labas at katulad ng mansyon may fountain din ito sa bukana. Kulay puti ang pintura ng mansyon na iyon na isinisigaw ang sining pagdating sa arkitektura ng mga Griyego. Napapaisip tuloy ako kung kelan ba ito ginawa o matagal na rin katulad ng hacienda Montevilla.

Napatingin ako sa gilid ko at nanlaki ang mata ko nang marealize na si Dhan pala yun, at halos idikit ko na sarili ko sakanya para masilayan lang kung ano ang nasa labas.

"It's okay." -with his usual tone. Bumaba siya at inalalayan ako. Lumapit naman si Lenard at inabot ang kamay niya saakin. Noong una 'di ko siya magets but then I remembered na siya nga pala ang partner ko.

Bumitaw na ako kay Dhan at sumama kay Lenard.

"Thank you." -sambit ko at nauna na kaming mag lakad. The venue was very expensive! Sa labas palang may mga medias na and the red carpet is shouting for fame!

'Di ko ma imagine ng dahil sa pag checheerdance ko ay mararansan kong lumakad sa red carpet with matching flash of cameras ang lakas maka Hollywood walk!

Nauuna si Tita Chie saamin and pagpasok palang namin nakipag beso na agad siya sa mga ilang kakilala.

"Oh this is Lenard and Catherine from my sister's school, Berg High." -nilahad nila ang kamay saakin at ganoon din ang ginawa ko. I felt a lil nervous. Hindi ako magaling sa socialization. Nang makaalis na kami doon ni Lenard kaagad din kaming lumapit sa isang bakanteng couch.

Parang bar like ang theme ng party na ito.

"Lenard, kinakabahan ako." -bulong ko sakanya dahil maingay ang paligid namin.

"Don't be, dapat masanay ka na." -tumango nalang ako sa sinabi niya habang nanunuod ng ibang tao na nakikipag socialize sa paligid.

The stage was full of crystal, lahat ng ayos ay sobrang gara. Magkano naman kaya ang nagastos ng organizer dito?

"Wine?" -lapit ng isang waiter saamin na halos kaedaran lang din namin. Nag tagal ang tingin niya saakin pero nawala iyon ng napatigin ako sa likod ko. Lenard just kay his arms beside me.

"Yes please." -sabi ni Lenard na parang sinasabing umalis na siya lumapit saaking tenga si Lenard habang nakaakbay parin.

"That guy is eyeing you." -bulong niya.

"Bakit parang sanay na sanay ka na sa ganito?" -tanong ko.

"I've been handling our business since 7th grade kaya sanay ako sa mga ganito. I even attended parties, clubbing just to close some deals." -sagot niya.

"Whoa! Ang bata mo pa para dyan. Don't stress yourself too much." -sabi ko.

"Nah, it's too late. Panganay ako at saakin ibinigay ni Mom ang mga ito. Our Dad is a business tycon, marami siyang hinahawakan at isa na ang hotel management ibinigay niya iyon saakin at dapat kung alagan Cath." -sinabi niya yun. I've never seen Lenard this mature. Ang pagkakakilala ko sakanya ay isang typical na teenager na mahilig mag volleyball at jolly sa loob ng school. We should not judge others by what we've seen talaga, we never knew their stories.
"I need to make my Daddy's proud." -pabulong iyon pero narinig ko. I just didn't react.

"LendRine!" -it's too late. The journalism team of our school just arrived and yes nakuhanan kami ng picture ni Lenard sa ganito pwesto! Wth! Halos mapalayo ako kay Lenard at ganon din ako sakanya.

The Past Revenge (Monstrous × Mutinous #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon