Bata pa lang si Ae, naniniwala na siya sa first love never dies kaya grade one palang siya nag confess na siya sa childhood friend niyang si Joe. Joe's mom and Ae's mom are bestfriend kaya siguro palagi silang magkasama, partner sila sa mga school activities like dance contest, quiz bees, spelling bees and more. Pero kahit ganon sila kalapit sa isa't isa never silang naging close as in yung comfortable sila isa't isa. Si Joe kasi hindi siya masyadong nagsasalita hindi rin siya showy like other men pero si Ae isang friendly at bubbly.
Elementary Days...
Grabe sobrang saya ko ngayon kasi sumali ako sa Ballroom Dance sa school namin tapos sabi ng Choreographer namin isama na daw namin yung gusto naming partner para makapag start na kame para sa practice namin. Yung pinsan ko yung sinama ko para maging partner ko pero pinalitan siya bilang partner ko kase mas matangkad daw ako kesa sa kanya kaya ang naging partner ko ay walang iba kundi si Joe. OHMYGOD! simula nung umamin ako sa kanya na may crush ako sa kanya ngayon lang ulit kame magkaharap, di na kase ako sumasama kay mama pag pupunta sa kila Tita Lei. Si Tita Lei ang mama ni Joe. I'm nervous at the same time super excited kase makakaholding hands ko siya. KYAAAAA!
Start na ng practise namin bago pa mahawakan ni Joe yung kamay ko pinunas ko muna sa panyo ko kase sobrang namamawis dahil sa kaba. Nung nagdikit na yung kamay naming dalawa feeling ko na ground ako! MyGod! Ano yun? Bakit ganon yung feeling? Nung nagsasayaw na kame feeling ko nasa Cloud nine ako. Feeling ko ako si Cinderella na kasayaw yung prince charming niya.
Everyday after class yung practice namin at dumating na yung araw na magsasayaw na kame sa stage sobrang kinakabahan ako kase baka magkamali ako oh baka may mangyaring di maganda pero sobrang ganda pala ng mangyayari, after namin sumayaw pababa na kami ng stage medyo natapilok ako dahil sa suot kong sandals akala ko makikipag lips to lips ako sa step yung hagdan biglang hinila ni Joe yung braso ko at dahil dun bigla akong mapayakap sa kanya, nung nasa balikat na niya yung mukha ko, sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko feeling ko pati si Joe naramdaman yun tapos ang bango bango niya kahit pawis siya. Nung kumalas ako sa yakap niya di ko alam kung paano ako magpapasalamat ni hindi ko maibuka yung bibig ko. Natauhan lang ako nung sinabe niya sa aking "Well thank you for me and you're welcome for you" sabay walk out! Haist! Ang Shunga mo Ae.
After nung Dance na yun never na ulit kame nagkakasama ni Joe well except kung sinasama siya ni Tita Lei sa bahay namin di na kase ako pumunta sa kanila feeling ko kase ilang siya sa akin, ayoko naman siyang mapressure sa pagamin ko sa kanya noon, ayokong magustuhan niya lang ako in return kase anak ako ng bff ng mama niya kaya medyo dumistasya nalang ako.
High School Days...
Nagka boyfriend ako but I still love him... Nagka girlfriend siya but I still love him. Lahat ng naging GF niya naging classmate and friend ko. Walang nakakaalam sa school namin na magkakilala kaming dalawa except sa BFF kong classmate ko since Elementary. Tinitignan ko siya sa malayo ayos na ako dun, siguro nasanay na rin ako na hanggang dito nalang talaga kame, One sided love kumbaga pero di ko alam kung maniniwala ako sa narinig kong paguusap ng dalawang bestfriend ni Joe sa isang classroom. "Pre kilala mo ba yung Ae sa kabilang section?" "Sino yung first love ni Joe?" "Oo, yung naikwento niya satin dati" "Oh anong meron sa babaeng yun?" "Maganda naman yun bakit kaya hindi niligawan ni Joe no?" "Ang sabe niya lang may Jowa na daw yun kaya ang mga sinusyota netong bestfriend natin ay yung mga may connection kay Ae para kahit papano daw nagkikita sila." Hindi ko alam kung maniniwala ako oh isa lang yun sa mga kalokohan ng mga to. Maloko kase yung dalawang Bestfriend ni Joe kaya hindi ko alam kung bakit natatagalan niya tong dalawang to. Mahal ko siya oo pero ayokong umasa, ayokong mag assume kasi masakit.
Naging Mr. Intramurals siya sa school namin laging sinasabi ng mga classmate kong babae na ang gwapo gwapo daw ni Joe, crush na crush daw nila hindi daw bagay sa kanya ang Mr. Intramurals lang dapat daw ay Campus Heartthrob. Nagulat ako nung tinanong ako ng isa kong classmate, "Ae, bakit parang di ka affected dun sa karisma ni Mr. Intrams? Di mo ba siya crush?" "Hindi, hindi ko siya crush." Mahal ko siya, mahal na mahal, parang gusto kong sabihin yun sa kanila.
Nung graduation namin babatiin ko siya, pupunta sana ako kung nasaan ang section nila pero hindi pa ako nakakarating dun ay nasalubong ko na siya, parang nagulat pa siya at nakita niya ako. "Ahm, Joe congratulations nga pala" sabe ko. "A-Ahm, oo salamat, sayo rin congratulations" sabe niya tapos biglang inabot niya yung kamay niya sa akin na para bang nakikipag shake hands. Inabot ko agad yun, nung nagdikit na yung kamay namin, nandun parin yung spark na kahit kelan ay hindi ko naramdaman sa naging bf ko. Nung kukunin ko na sana yung kamay ko bigla niya akong hinila at niyakap ng napaka higpit at sinabing "Im sorry" after niyang sabihin yun ay tumakbo siya at hindi ko na habol pa.
Present Day...
After 5 years sariwa pa sa akin ang lahat, at yung "Im sorry" na sinabe niya sa akin hindi ko alam kung para saan yun, isang palaisipan parin sa akin yun. Siguro para yun sa confession ko sa kanya dati. 5 years na rin kaming hindi nagkikita even facebook ay hindi ko siya friend, sa mama nalang niya ako nakikibalita, sa mga pictures ko nalang siya nakikita at balita ko gf niya ngayon yung friend ko nung high school. I'm happy for them kahit walang pinatunguhan yung confession ko wala akong pinagsisisihan dun, atleast I knew that First love never dies exist!
THE END!
A/N: kayo na pong humusga kung kanino pong love story ito, kung sa akin oh sa ibang tao basta this is based on true story. thanks for reading. This is my first work so thank you very very much!
Sorry po kung hindi masyadong maganda. :( first story ko po ito eh!