PAGLABAG SA KARAPATANG PANTAO

30 1 0
                                    

PAGLABAG SA KARAPATANG
PANTAO

--
Written by Kuya Jaz
Requested by Tantan Hindenburg
--

Iuupo ko muna ang aking katawan,
Hihinga ng malalim saka tatawa.
Ititigil muna ang aking kalokohan
Dahil katotohanan na ang aking paksa.

Katampalasanan ang umiral sa bayan,
Kaliluhan ang namutawi sa utak.
Sino nga ba sa atin ang may karapatan,
Sino ang sayo'y marahas na nagtulak?

Kasakiman.

Kahit na ang karapatan ay pinagbawal,
Aanhin ng ating bansa ang maraming kawal?
Iginapos ang aking mga palad sa bakal,
Inakusahan ng karamihan at sinakal.

Nakita mo ba?

Ang mga pangahas na umagaw ng buhay,
Ng sangkatauhang Siya ang may lalang?
Pilit hinahanap ang aking paghinga
Na pinagkait ng sarili kong ina.

Narinig mo na.

Narinig na ba ang sigaw ng mga sanggol
Na dapat ay pag-asa na ng ating bayan?
Marahil sila ay nagtaka at nalito,
Bakit kaya ang mundo'y nagkaganito?

Nag-isip ako.

Inisip ko nang inisip ang bawat iisipin
Na dapat ay hindi sa isip lang nakatira.
Ang inisip ng isang alam kong iniisip na rin
ng madla, ano nga ba ang naisip ko?

Ang karapatang mabuhay ay pinagkait
Ng sariling ina pati na rin ng ama.
Nasa sinapupunan pa lang may plano na.
Hindi pa handa kaya siya ay pinaglaglag nga.

Sigaw ng sanggol ang aking narinig
Sa gabing ito na kay dilim.
Paano mo nagagawang mahimbing
Kung ang munting anghel ay kinitil?

Hindi lang yan ang isyu ng paglabag.
Narito rin ang karapatang maging
Maligaya.
Materyal o di-materyal ikaw ay liligaya.

Tumungtong sa elementarya ngayon ay nasa sekondarya.
Tinamad mag-aral kaya sinubukan si kumpareng shabu.

Lumipas ang isang dekada,
Siya ngayon ay humihimas ng rehas.

Rehas na maraming kamay na ang nakahawak.

Ang karapatan mong lumigaya, ikaw mismo ang nagdaya.
Ang inaakalang masayang mithiin,
Ngayon siya na ay kulay itim na bituin.

Ikatlong karapatang pantao ay ang umibig.
Napakabata pa, sa edad na kinse ay biglang tumibok.
Nangatwirang siya ay pinagbawalan pero ito ay baluktot.
Hindi ba dapat ay aral muna bago landi?

Mayaman ka at mahirap ako,
Hindi kita mabubuhay kaya tinulak ako.
Sa mata ng lahat ako ay masama.
Sa mata ng lahat ako ay walang mararating.

Ang masaya sanang kinabukasan
Napagtanto kong panaginip lamang.

Kaya nga hindi nawawala ang linggatong na ito sa ating bayan dahil sa mga taong hindi batid ang bawat karapatan.

Tatapusin ko ang pabigkas na tula sa
Pagbati ng malungkot na araw.
Kumusta ang pusong sugatan,
Naghilom na ba?

#PenforthePhilippines

Unspoken Reality.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon