| ILANG TAONG PAGHILOM |
– Kuya JazNais kong simulan ang talatang ito
Sa pagbati ng malungkot na araw.
Umayos ka na ng upo at baka iyan
Ay biglang maging kapatagan.Ang ikatlong talata ay aking
Ilalahad ang dahilan kung bakit.
Kung bakit at ilang taon ang
Aking kinailangan para maghilom.Unang taon ko ako'y aktibo
Halos lahat ng lugar ay tinakbo,
Marating lang ang psuo mo.
Ang pusong sintigas ng bato.Tatawa muna sa ikalawang taon.
Nalaman na alala'y sa lupa'y binaon.
Pagkatagal-tagal kitang minahal
Pero, bakit nasakal nang nasakal?Halos mabilaukan nang malaman
Ang katotohanang ika'y may mahal.
Malapit na sanang maabot ang langit
Pero biglang hinigit pababa ang binti.Umabot, inabutan ng limang taon
Ang sarap humakbang saka tumalon.
Inisip, nag-isip ng bagong plano,
Plano para sa pagbabago.Naging walong taon at ika'y limot na,
Naranasan ang ma-block sa chat
At i-unfriend sa social media.
Ang saya mo siguro, ano?Isa, dalawa, sampu.
Nakalimutan ko yung iba.
Sila yung mga taong kinalimutan
Rin ang pangalan ko.Matapos pasayahin, damayan ay iiwan.
Anong silbi ng salitang kaibigan
Kung ikaw ay lilisan?
Kaibigan nga ba o kinaibigan na?Ang tunay na paghilom ay hindi
Madaling makamtan kung ang
Mga alaala ay mahigpit pang
Nakakapit sa inyong dalawa.Walong taong paghilom.
Walong taon akong nakulong sa
Rehas ng pag-ibig, kalokohan pala.
Kalokohan pala ang lahat.Ang walong taon na ito
Ay sumisimbilo ng katapangan
Nga ba?
Natakot nang umibig.Ilang taong paghilom
Ang inabot mo para
Ikaw ay lumaya mula
Sa kadiliman ng pag-ibig?#MANUNULATKAMI

BINABASA MO ANG
Unspoken Reality.
PoesíaSociety nowadays is actually unfair. Let me open your eyes trough literature. - Kuya Jaz