Prologo

3 1 2
                                    

Takte! Akala ko ba malinis na? Bakit ganto ang dami pang alikabok? Tapos yung dingding sira-sira pa? Ano ba yan!.

Takte ka rin! Kung sana sumama ka para maglinis dito edi sana hindi ka nag rereklamo nang ganyan diba?.

Edi ba sabi nang marami akong ginagawa nung araw na yun kaya hindi ako makakasama. Sabi ko naman na ireschedule na lang para lahat tayo kasama sa paglilinis eh ayaw mo naman! Kasi sabi mo tatamarin ka sa mga susunod na araw.

Hoy! Wala ako--

Tama na pwede? Hindi natin malilinis itong apartment kung mag sisisihan lang kayo. Kaya pwede umpisahan na lang natin para matapus na? Ano pwede ba yun?

Paano naman tayo maglilinis? Wala naman tayong dala na cleaning materials?

Anong wala? Diba sabi mo ikaw na magdadala kasi hindi naman ganun karami ang dadalhin niyo? Anong nangyari bakit wala kayong dala? At mas marami pa kayong dala kesa samin?

Duh! Dalawa kaya kami kaya marami kaming dala. Tsaka sabi mo sa GC ikaw na ang magdadala kaya hindi kami nag dala. Diba nabasa mo rin yun?

Oo nabasa ko yun kaya nga dinagdagan na namin yung mga dala naming gamit eh.

Takte boi! Wala akong sinasabi! Saan mo naman nabasa yan ha--

Oy meron magdada--

Wag mokong pinuputol nag sasalita pa ako. Yun nga wala akong sinasabing ganyan. Kung may sinabi ako edi sana may dala ako ngayon diba. Duh!

Ano ba yan! Akala ko ba maglilinis na tayo? Bakit nag aaway na rin kayo diyan? Tara na magsimula na tayo para maaga tayo matapos.

Eh paano nga tayo maglilinis wala ngang panlinis?

Jusme! Problema ba yun? Edi manghiram sa kapitbahay. Mapapagastos lang tayo pag bumili pa tayo ng gamit.

Edi ikaw ang manghiram naglinis na ako dito eh.

MAGLILINIS BA TAYO NGAYON KUNG NAGLINIS KANA?

Easy lang. Hindi na talaga tayo matatapos niyan.

Para walang ayaw, tayong lahat ang manghihiram.

Oh yun naman pala eh tara na manghiram na tayo. Nagugutom na ako eh hahahaha.

Okay ganto. Sandee and Sahee kayo ang bahala manghiran ng walis tingting, dustpan, at walis tambo. Kayo naman Mayumi and Jizele kayo ang bahala sa timba mga dala ang hiramin niyo para matapos tayo agad, tapos tabo, and martilyo para sa dingding. Tapos kami naman ni Jenee kami ang bibili ng mga sabon, pako at kung ano ano pa. So tara para matapos na talaga tayo.

Wait lang! Parang ang unfair naman ata? Kayong dalawa hindi mahihiya manghiram hindi naman ata tama yun?

Bakit alam mo ba kung anong klase ng pako ang bibilhin? At alam mo ba kung pano humungi ng tawad sa palengke para sa uulamin natin? Sige kung alam mo palit na lang tayo. Madali akong kausap alam niyo yan.

Hindi na joke lang eh heheheheh.

Wala tayong panahon magjoke boi. Kaya bilisan na natin para matapos na tayo bago maglunch.

Okay let's go!

Pakapalan na ng mukha ito!

Our Life In ManilaWhere stories live. Discover now