D1

4 1 0
                                    

"Ma,hindi nalang kasi ako aalis.Magtatrabaho nalang ako para makapag aral."Kung binilang ko siguro kung ilang beses kong kinulit si mama na huwag na akong lumuwas ng maynila ay baka umabot na ng sampung beses.

"kung pupwede lang sana, paniguradong hindi ko makakayanan ang tuition fee mo anak hindi rin naman makakapagbigay ang papa mo dahil hanggang ngayon tinutugis pa rin ng pulis. Mas gaganda ang buhay mo sa tita Cindy mo doon makakapag aral ka at magiging maayos ka."Si mama habang nagingilid ang luhang nakatitig sa akin."Wag mo sana anak isipin na itinataboy kita,Mahirap din ito para sa akin. Tatawag nalang ako sayo magiingat ka sa byahe."parang hinaplos naman ang puso ko sa sinabing yon ni mama. Kung ako ang papipiliin ay hindi ko talaga sya iiwan hindi ako papayag na umalis sa tabi nya. Pero wala akong magagawa wala pa ako sa sapat na edad para makakuha ng magandang trabaho.

"Naiintindihan kita,Ma.Magiingat ka palagi sobrang mamimiss kita."Niyakap ko ng mahigpit si mama kasabay ng pagtulo ng luha ko.Ito yung kinakatakutan ko noon na yung dumating sa punto na kaylangan ko ng humiwalay kay mama.

"Oh ayan na yung bus,Anak."Si mama na kumalas sa yakap ko.Tumingin naman ako sa bus na hindi kalayuan sa kinatatayuan namin ni mama.

Masakit man sa kalooban kailangan kong tanggapin.Nanginginig pa ang tuhod ko ng humakbang ako sa unang baitang ng bus buti na lamang ay naka hawak ako agad nilingon ko si mama ngunit ngumiti lamang ito ng malukot at bahagyang kumaway. Mamimiss kita mama.

Inilibot ko ang mata ko sa loob ng bus para maghanap ng bakanteng upuan buti nalamang at hindi puno ang bus na nasakyan ko.Nang makaupo ay agad akong sumandal sa bintana.

Medyo hindi maganda ang araw ngayon bahagyang umaambon at makulimlim ang langit. Parang nanandya yung panahon ah.

Kinailangan kong lumuwas ng manila para mag aral. Nabaon kasi ang pamilya namin matapos malulong ni papa sa sugal at drugs. Mabilis bumagsak ang pamilya namin. Akala ko dati ay wala ng gaganda pa sa buhay na mayroon ako noon. Akala ko noon na ang sukdulan ng buhay ko. Pero lahat nagbago na yung dating masigla at buo naming pamilya ay biglang nasira.

Limang buwan ng magsimula kaming mawalan ng kontak kay papa ngunit hindi naman kami nahirapan makahanap ng impormasyon kung ano ang kinalalagyan nya.Dahil matunog ang pangalan ni papa sa baranggay namin dati kasing kapitan si papa.

Naalala ko pa non nung hindi pa nagbabago si papa nung panahong masigla, masiyahin at mabuti pa rin siya.Lagi nyang sinasabi sakin noon na magtapos ako ng nurse dahil bagay daw sa akin ang puting uniform ng nurse natutuwa naman ako dahil pangarap ko rin iyon.

Nilamon ng droga at pagkaadik sa sugal si papa.Bumagsak ang sakahan namin sa probinsya natanggal din sya sa pwesto dahil umabot na sa punto na pati pera ng bayan ay naiibili na nya ng droga.Hindi ko alam kung anong problema nya at bakit nakuha nyang gumamit ng ganoong bagay.

Hindi ko alam na naluha na pala ako dahil sa dami ng iniisip.Pinahid ko ang luha ngunit nabaliwala lamang din dahil sa panibagong bagsak nanaman ng luha ang bumasa sa pisngi ko.Ipinikit ko na lamang ang mata ko para makatulog.

"Fuck,i love you so much,Janella"Bulong ng isang hindi pamilyar na lalaki na kasalukuyang nakayakap sa akin mula sa likuran.Hindi ko magawang lingunin ang mukha nya hindi ko magawang makagalaw. Bakit ganito bangungot ba ito?

Pero ang hindi ko alam kung bakit ganito yung pakiramdam ko. Bakit feeling ko ligtas ako sa yakap ng estranghero na to bakit ganito? Unti unti akong iniikot ng estranghero paharap sa kanya pero..

"Miss,miss Malanday, Valenzuela nato. "Napabalikwas ako sa paggising sa akin ng konduktor. Ano ba yan pabitin ka kuya ah? kasama ko jowa ko sa panaginip eh.Panira ganon? Charot lang.

The Day Of DestinyWhere stories live. Discover now