D2

2 1 0
                                    


DAY 2
JANELLA'S POV

Pagkatapos kong kumain kagabi nilinis ko nalang ang pinagkainan namin. Sabi nga ni tita ay wag ko na raw linisin sya na lamang daw ang gagawa pero hindi na ako pumayag dahil nakakahiya nga nakikitira na nga lang ako magbubuhay prinsesa paba ako?. Naikwento ko rin kay tita ang tungkol kay headband boy at napagalaman kong Joross ang pangalan nya. Pangalan palang naghuhumiyaw na ng kabarumbaduhan.
Kaya siguro ganoon yung fashion style nya. Mahilig pa sa babae.

Sya daw ang pinaka gwapo sa village pinagkakaguluhan pa daw sa highschool at Senior na daw,varsity player,tapos mayaman daw yan lang naman ang mga nahakot kong inpormasyon kay tita.

Ngayon ang araw ng Erollan sa School na papasukan ko kaya naman maaga palang gumayak na ako dahil alam kong madaming tao don mamaya.

"Janella,hindi kapa ba tapos diyan tatanghaliin kana. "Pang tatlo ng sigaw ni tita mula sa kwarto ko ramdam ko na rin ang konting iritasyon sa kanya.

"Opo tita magbibihis nalang po! "Sigaw ko naman sabay suot ng floral dress na dala ko halos lahat ng dala ko ay bestida. Ganito kasi ang type ni mama para sa akin. Kaya napipilitan akong isuot.

Suot ang floral dress at sandals ay lumabas ako ng kwarto akma sanang kakatok ulit si tita pero nakalabas na ako. Bahagya pa kaming natawa.

"Ang ganda mo talaga,Janella,Ilan taon kana ulit?" tanong nito sakin sabay haplos sa buhok ko.

"16 palang po tita"Nangingiti kong sagot sabay plantsa sa laylayan ng bestida ko.

"Dalagang dalaga kana dati ay bubuwit kapa nung nagawi ka dito pero ngayon malapit mo ng abutan ang tangkad ko,panahon nga naman mabilis lumipas."Bumuntong hininga pa si tita habang patuloy sa paghaplos sa huhok ko. "Oh sha halika na at tatanghaliin na tayo"Tumango lamang ako kay tita at nauna ng lumakad.

Medyo nahirapan pa kami ni tita sa pagsakay ng jeep medyo hasle kasi masama pa rin ang timpla ng panahon.
Pagdating sa school wala akong ibang naramdaman kung hindi ang pagkamangha. Napakaganda kasi ng school na to liek for real dito ako mag aaral mukang mahal ang tuition dito.

"Tita mukang mahal po ang tuition dito nakakahiya po sa inyo."Bahagya pa akong napayuko dahi sa kahihiyan.

"Ano kaba, Janella, kapatid ko ang papa mo at anak ka nya natural lamang na tulungan kita at isa pa mas maganda ang eskwelahan na ito advance at magagaling magturo ang mga teacher."Paliwanag ni tita napatungo na lamang ako at sumunod sa paglalakad.

Sobrang ganda ng school ang daming tao at studyante pero hindi ko sila pinansin dahil sa pagkamangha.Sa probinsya kasi ay maliit lamang ang highschool namin doon.Hehe.

Nagpalista muna ako at nagpaalam kay tita na lilibot muna sa loob ng school hehe ang ganda kasi talaga. Tutal kausap naman ni tita yung teacher don kanina kaya napagpasyahan kong lumibot op kasi ako don hahaha.

Habang naglalakad ako sa hallway namataan ko ang pamilyar na hikaw at headband. Si headband boy este Joross kasama ang mga kaybigan nya.Tapos nandon din si Chinito boy hehe.Makakasalubong ko sila lilihis na sana ako ng..

"Oh, hi uhm.. "Si Chinito boy

"Janella"Ngumiti pa ako ng matamis sa kanya sabay kaway ng kaunti. "Uhmmm? "Medyo awkward

"Niko"Si Chinito boy A. K. A Niko

"Ako hindi mo ba ako kikilalanin?"Bahagyang patawa pang sambit ni Headbandboy na nasalikuran. Nakapamulsa sya at walang babaeng nakalingkis sa kanya ngayon.Napakapit sa strap ng shoulder bag ko. Ano sasabihin ko? Kilala ko ba sya?.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 11, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Day Of DestinyWhere stories live. Discover now