S A T I S F A C T I O N

12 1 3
                                        

Dedicated to RHEA RACIA WRITES Erah_tional

Nak! Para sayo 'to. Nabilib lang ako sa post mo tungkol sa gossips. May line dito na parang nasa post mo kaya sana wag kang magalit. Para naman 'to sayo kaya SMILE na nak! Labyou ^_^ Proud ako sa ginawa mo. Proud na proud sayo si Nanay. Lablots nak!
---------------------------------------------------------

Hindi ko maintindihan ang mga tao ngayon. Why they always say that Maricar are always in the bar, selling her dignity. Why they always see Maricar's life? Insecurity o wala lang talaga silang magawa. Maybe not maybe yes. Maybe they right maybe they wrong. Palaging may pag pipilian at palaging may karugtong sa mga bagay na iniisip na tama na iyon.

"Alam niyo ba? Si Maricar nakita namin sa bar kagabi may kasamang matandang lalaki" bulong-bulongan sa loob ng classroom namin "Tapos alam niyo pa ba? Yung nanay daw ni Maricar binubugaw siya para lang daw makapag-aral!" Ani Jelly

"Oo nga eh! Nakita ko rin siya noong nakaraan na may kasamang gwapong lalaki di kotse! Sinakay siya!" Tili naman ni Danny

"Bayarang babae talaga siya--- oh! Ayan na si P!" Ani Danny at sabay-sabay kaming tumingin sa pintuan

Nakayuko ito hanggang sa makaupo ito tabi ko.

Gusot-gusot ang damit at napaka luma na. Naawa ako sa kaklase ko, grade 8 palang kami pero ganoon na ang mga kaklase ko kung makapag salita. Tapos ito namang si Maricar parang lola na dahil sa itsura. Tila walang nag-aalaga. 13 anyos palang kami pero kita ko na ang mga sakit sa buhay ni Maricar.

Nagbulong-bulongan ulit ang mga kaklase ko na parang mga bubuyog.

Bigla namang lumapit sa akin si Jelly at Danny

"Rhea, bakit hindi ka umiimik jan?" Tanong ni Danny

Umiling naman ako "Ayoko lang na sayangin ang laway ko sa paninira ng ibang tao" sagot ko "Don't judge other for your own satisfaction, Jelly" seryoso kong ani kay Jelly

Inirapan nila ako't bumalik sa dati nilang grupo. At nagpatuloy sa pagbubulong-bulongan.

Napailing ako ng dumating si Maam at pinagalitan ang mga cleaners na di man lang naglinis.

"Ano ba kasi ang pinag-gagagawa niyo't di man lang kayo naglinis! Sino ang president dito?" Asik ng adviser namin

Nagtaas ng kamay si Jelly. Pinatayo naman ito ni Maam

"Oh? Jelly ikaw pala ang presidente ng room na ito tapos wala ka man lang ginawa?!" Tanong ni Maam

'Busy po sila Maam sa paninira ng ibang tao'

Napayuko ito "K-kasi Maam, ano po..." di nito maituloy ang sasabihin niya

"Kasi ano? Kasi tinatamad kayo, kasi di sila sumusunod sayo? Hindi ganiyan ang presidente Jelly! Kailangan mong maging epektibo sa lahat ng bagay!" Asik Maam "Sit down!" Dagdag ani Maam kay Jelly

Naupo naman ito ng nakayuko

"Please pass your preparation" ani Maam at naupo sa upuan niya

Dali-dali kong nilabas ang preparation ko sa English

Pinapa-search lang kami tungkol sa discrimination at kung ano-ano ang mga types nito.

Tiningnan ko naman si Maricar na walang pinasang preparation. Nagtaka naman ako dahil lagi naman itong meron.

Dali-dali kong kinuha ang isa pang copy na pinirint ko in case lang na mawala yung akin.

Walang imik na pinangalan ko ito ng pangalan ni Maricar at nilapag sa desk niya.

SATISFACTIONWhere stories live. Discover now