unang kabanata

0 0 0
                                    

6:30 am.

masinop akong nag - aantay sa classroom dahil halos wala pa naman akong kaklase na pumapasok sa room. well, meron.

yung crush ko.

kaso wala siya dito eh, nasa labas kasama yung mga best friends niya. lumabas ako ng classroom at nagpahangin.

bakit ba gustong - gusto kita?

yan yung tanong na pauulit - ulit nagrerehistro sa utak ko.

christopher angelo manansala.

'yan yung pangalan na pauulit - ulit kumakanta sa isip ko kasabay nang tanong kanina.  isang taon ko na rin yung gusto.

maniniwala ba kayong nireject niya na ko last year pero heto ako, umaasa pa din?

hay nako, lamia! sabi nga ni blaster, "wag kang umasa." dapat natututo ka kay tatay silonga!

napabuntong hininga ako at akmang papasok na ng classroom ng biglang may tumapik sa balikat ko.

ay, anak ng teteng!

"ano ba 'yu—" sa pagharap ko, laking gulat ko ng ang tumapik sa akin ay si ris. "r—ris! ikaw pala? bat na naman?"

sinubukan kong maging maayos ang pananalita, pero onti na lang at mabubulol na ako. nakakainis!

"hinay, hinay! mabubulol ka na naman eh," tumawa siya. ang cute mo talaga, nakakainis. "ang lalim kasi ng iniisip mo eh, ako ba iniisip mo?"

nanlaki yung mga mata ko at hinampas siya sa braso. ugh, bwiset ka! "h—hindi naman eh! iniisip ko lang yung assignment natin, duh!"

tumawa ulit siya. "joke lang, ito talaga eh." bago siya pumasok, pi—nat niya ako sa ulo.

akala ko ba friends lang tayo?

pakiramdam ko mababaliw na ako, i need my friends.

siya nga pala, ang pangalan ko ay lamia kristel alonzo, lammy nalang for short.  

akmang papasok na ako for the second time nang may tumawag sa akin; "lammy!"

oh, yung best friend ko!

siya nga pala si ann rodriguez, sabi niya sakin di daw siya friendly pero welp, we're best friends. kumaway ako sa kanya at tinulungan siya sa mga gamit niya.

"heyo, annie—ann, ann! kamusta?" sinamaan niya ako ng tingin pero kaagad tumawa. "ayos lang, at wag mo nga kong tawaging ganyan, di ako friendly."

para lang malaman niyo, super galing magdrawing netong best friend ko! in fact, pareho sila ni ris. ah, jowa ko.

hehe, joke lang. pumasok na kami sa classroom at inilapag ang mga gamit niya, umupo kami pareho sa mga assigned seats namin at nagdaldalan about sa anime.

--

mabilis lumipas ang oras dahil hindi naman kami masyadong nakikinig at break time na. dito, yung isa ko namang kaibigan yung dinaldal ko, si marianne. well, pare—pareho kasi kaming mga certified weebs eh, BUAHAHAHAHAHAHA.

"sooo, kamusta na kayo ng bebe mo?" tanong sa akin ni marianne na ikinangiti ko.

"ayos lang, alam mo ba kanina, pi—nat niya ako? wala lang, kinikilig lang ako. tsaka sobrang cute niya talaga!"

para akong bata na nagkukwento sa kanya. maya - maya pa, may sumulpot; "sinong cute?"

narinig kong natawa sina marianne at ann. ugh, bakit ba kung saan - saan ka nalang sumusulpot, christopher!?

di ka naman siguro kabute, jowa ko.

"bakit ko sasabihin?" ngumiti ako ng nakakaloko sa kanya. "wala lang, ayaw mo edi wag."

paalis na sana siya pero hinila ko siya; "joke lang. ikaw yun. ikaw yung cute, okay ka na?"

nginitian niya ako.

wala na, goodbye philippines.


  

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 07, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

' hoy crush, bakit friends lang tayo!?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon