Chapter 1

19 2 2
                                    

August 12, 2021 Thursday

Nasa school ako ngayon at last subject na namin ngayon. Kasalukuyang nag le-lesson ang teacher namin at di ako masyadong nakikinig dahil sobrang sakit na talaga ng tiyan ko gustong gusto ko na talagang umuwi para ilabas ang masama kong loob sa banyo.

"Konting lembot nalang uwian na" pabulong kong sabi sa sarili ko dahil 10 minutes nalang uwian na.

After 10 minutes nag ring na rin ang bell at saka pinalabas na kami ng aming teacher at pagkalabas na pagkalabas ko ng room ay kalma lang akong naglakad pababa ng hagdanan hanggang sa gate dahil malamang sa malamang pag inentense ko sarili ko at tumakbo ako malamang bubulwak itong ikinasasama ng aking loob (internally laughing)

Nang ako'y nakalabas na ng gate may naririnig akong tumatawag sakin

"GWENITAAA!!!"

At ito'y nilingon ko

"Jusmeyo marimar ngayon pa talaga kung saan sobrang sakit ng tiyan ko" pabulong kong sabi sa sarili ko.

"Huy Gwenita sama ka? Kain MCDO libre ko ahihihi" sabi ng bestfriend ko.

By the way siya si Anistisha, Anistisha Filosopoe ganda noh siya pala ang best friend ko.

"Tekla ka wrong timing ka di ako makakasama masakit tiyan ko!" sabi ko naman sakanya

"Sige support ilabas mo lahat ng galit mo" sabi niya

Di na ako nag atubli pang sagutin siya dahil sobrang sakit na talaga ng tiyan ko at doon na ako nagmadali umuwi sa bahay namen at umupo na sa trono whew!

Natapos na ang pamumuno ko sa banyo at wala pa ang aking ina at ama kaya kasalukuyan akong pupunta sa garden ng aking lola.

--

TakeuchiSan


The Garden Of TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon