August 12, 2021 Thursday
Di ko maiwasang mamangha sa garden ng aking lola organized na organized ang mga nakapaligid dito, napakalinis at walang makikitang bakas ng kadumihan. Napakapayapa at nakaka relax ng mata at isip ang garden ni lola at para sakin masasabi kong paraiso itong garden.
Naisip ko din na ayain ko kaya ang bestfriend ko na pumunta dito lalo na't pag may problema siyang kinakaharap dahil paniguradong sasariwain ng garden ang isip nito. Tuwing may problema ako dito lagi ako pumupunta para sariwain ang isip ko para di ako ma stress kasi nakakabawas ng beauty yon noh!
Biglang may dumating sa garden at paniguradong si lola iyon.
"O apo mukhang mahal na mahal mo ata itong garden ko" sabi ni lola
"Opo lola parang gusto ko na nga po ditong mag overnight eh hehe" sabi ko
"Hay naku apo basta pag ako ay nawala na dito sa mundo ay gusto ko sanang ikaw ang magbantay at mag alaga ng aking garden" sabi ng lola ko at ngumiti siya ng medyo mapait.
"Lola naman, lola mabubuhay ka pa ng matagal wag mo pong sasabihin yan kailangan pa po kita, gusto ko pa pong makita itong garden niyo ikaw at iyong garden lang po ang nagpapagaan sakin ng damdamin pag may sobrang bigat na problema ang dumadating sakin." madrama kong sabi at saka ko siya niyakap.
Nandito padin kami ni lola sa garden. Sabay namin pinagmamasdan ang kanyang garden at haluan na din ng masayang kwentuhan. Maya maya'y nagpaalam na din ako.
Magagabi na ng dumating si mama galing grocery at palengke dahil magluluto siya ng special na ulam ngayong gabi.
"Ma mano po, tulungan ko na rin po kayo." sabi ko
"Ay sige itong mga bitbit ko pakidala nalang sa kusina." sabi ni mama na may kasamang ngiti sa labi niya.
Nang mailapag ko na ang mga pinamili ni mama sa kusina ay tumungo muna ako sa kwarto ko at pinapatuloy ko yung panonood ko ng anime sa cellphone ko.
Saktong natapos ang pinapanood ko nang ako ay tinawag ni mama para kumain na at sakto din dunating si papa galing sa trabaho. Wow coincidence.
"Ay pa mano po"
At nagtungo si papa sa kwarto para magbihis, maya maya ay natapos din magbihis at pumwesto na sa hapagkainan at sabay sabay kaming nanalangin at kumain, pagkatapos ay umakyat na ako sa kwarto ko at since wala namang pina assignment ay matutulog na ako.
--
TakeuchiSan
BINABASA MO ANG
The Garden Of Time
FantasyThere's a girl named Gwen na gustong pansamantalang makatakas sa mapait na realidad kaya ang kanyang ginagawa ay nag pupunta at nililibang niya ang kanyang sarili sa garden ng kanyang pinakamamahal na lola. Isang araw pumanaw ang kanyang pinakamamah...