Namjoon’s POV
Takteng buhay to. Para akong nakikipamarathon kay Minah ang bilis tumakbo!
“MINAH!!!”
Pero imbis na tumigil siya mas lalo pa niyang binilisan ang pagtakbo hanggang sa nadapa siya at dun ko na siya naabutan
“Minah bakit ka ba tumakbo ha?” tanong ko sa kanya pero nanatili siyang nakaluhod
“parepareho lang kayo” bulong niya at hikbi na ang narinig ko
“Minah mali naman yung iniisip mo e”
“APAT NA ARAW PA LANG! SANA NAMAN PINATAGAL MO NG ISANG LINGGO!” sabi niya at pinaghahampas yung sahig
“tumayo ka na diyan baka balisawsawin ka”
“alam mong masagwa para sa isang lalaking walang asawa ang makipagholding hands sa babaeng may asawa na diba?” para akong pinaghampasan ng langit at lupa nagawa niyang ibalik sa akin yung tanong ko dati
“Minah we could cut this if you want to” sabi ko at dun napatingin na siya bilib yan sa English ko
“ganun lang yun? Hahaha! Neck neck mo! Cut ka diyan! Crop yun!” sabi niya at tumayo na saka naglakad kahit iika ika siya. Aww mali na naman?
“hindi ka pa makikipagbreak?”tanong ko at ngumiti siya
“syempre ano ako? Tanga? Bakit ako makikipagbreak kung nageenjoy ako?” sabi niya at pinahiran yung mga luha niya
“bumalik ka na dun at kumabit kay Aki pero at the end of the day boyfriend pa rin kita”
Kingina ka Namjoon ginising mo ang malditang Minah
Kinagabihan tumingin ako sa bintana ko at nakita ko si Minah na nakahiga sa kama at pinupunasan siya ni Nana sakto naman ng mapatingin ako kay Nana ang sama ng tingin sa akin kaya sinara ko agad yung kurtina ko.
Nagkasakit siya.
Pagkaisip ko nun napabalikwas ako ng bangon at agad nagbihis
“o anak san punta mo gabi na” sabi ni Mama
“Diyan lang po magpapahangin” sabi ko at tumango lang siya at dumiretso na ako sa bahay ni Minah
Pakatok pa lang ako ng biglang bumukas ang pinto
“pakitapon ito saka ka pumasok sa loob magtutuos tayo” sabi ni Nana saka hinagis sa akin yung trashbag. Tuos? Kingina umuwi na kaya ako?
“subukan mong umuwi chochop chopin kita saka iluluto” sabi niya at pinakita ang kutsilyo niya
“sabi ko nga po papasok na po ako e” sabi ko at pumasok sa loob
“umupo ka at ilagay mo yang kamay mo sa mesa” sabi niya
“kamusta po si Minah?” tanong ko sa kanya at mas lalong sumama ang tingin niya
“bakit mo niligawan ang alaga ko?”
“kasi po gusto ko si—NANA!!!!!!” hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla niyang iitakin yung kamay ko
“maling sagot putol ang kamay mo wala akong pakialam kung makulong ako. HALA kamay sa mesa!!!” sabi niya at nilagay ko ulit ang kamay ko sa mesa
YOU ARE READING
Badjao Moments
Conto" Baka naman we can work this in? tanong ko sa kanya pero napafacepalm lang siya "Namjoon. Out" pagkasabi niya nun halos bumagsak ang braso ko sa lupa at katulad ng sabi niya lumabas ako ng bahay niya " papapaliwanag ko kay minah "bobo ka! tinatam...