Chapter 1- Xander Jowell Roxelle

35 2 1
                                    

Author's note: sorry po sa mga unang nakabasa ng story. pinalitan ko po ang takbo ng buong storyaaa yun lamang at maraming saamaaattt


Clara's Point of View

Nasa labas ako ng dorm ko nang bigla nalang hilain ni Liana Mauricio Willson ang aking braso na siyang ikinatakbo ko.

"Oy! Lia! Teka! Teka! Hinay hinay lang naman ah!" Ang sigaw kong hinihingal na dahil kanina pa kami tumatakbo.

"Dalian mo Clara! May kailangan kang makita!" ang sigaw niya saking hatak hatak padin ang braso ko.

"Teka! Anong kailangang Makita?" tanong ko at ibinitaw ang pagkakahawak niya sa aking braso.

"May inaaway nanaman si Mark, Clara!" ang pag aalalang sagot niya sakin... hayysssttt kailan ba naman matatapos ang kaguluhang ginagawa niya? Araw araw nayan ah!

"Oh anong gagawin ko? Bahala na siya sa buhay niya... lagi nalang ako ang tinatawag nila pag may inaaway sya tapos ikaw naman ngayon? Sawa na ako sa ugali niya!" pa-cross arms kong sabi. Ayaw ko na! araw araw nayan! Sobra na siya!

"Sigurado akong di ka mapapakali pag sinabi ko kung sino ang hawak niya ngayon!" ang seryoso niyang sabi sakin. Hinarap ko siya ng maayos dahil kung kani-kanino lang ako nakatingin kanina.

"Hah? Sino?" ang curious kong tanong.

"Si Beth! Clara yung kapatid mo! Siya yung hawak hawak ngayon ni Mark!" nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang pangalan ng kapatid ko.

"ANO?!"napahagulgol ako sa takbo.

Hindi! Hindi pwede toh! Pwede naming iba wag lang yung kapatid ko! Napabilis pa ang takbo ko nang mapagtanto kong patungo sa cafeteria ang tinatahak naming daan. Napahinto nalang kami sa pagtakbo nang Makita na ang pangyayaring nasa harapan naming ngayon. Ang daming estudyante na lahat ng suot nila ay pangpasyal na damit dahil last day na ng bakasyon naming bago pumasok sa aming school.

"Kuya! Tama na please! Wala siyang kasalann dito! Wag mo na siyang idamay! Magagalit sayo si ate Clara!" ang sigaw ng kapatid ni Mark na si Matthew. Hindi ko na mapigilang sumingit kahit na nagkukumpulan na ang mga tao dito. Ano bang nangyari bat nadamay ang kapatid ko?

"Hoy! Mark Cesaire! Kung hindi mo bibitawan ang kapatid ko, alam mo na ang mangyayari!" hindi ko na napigilan ang sarili kong mailabas ang isa sa tatlo kong kapangyarihan. Ang apoy... tumingin siya sakin at ngumisi.

"You are going to taste my anger if you won't let her go..."ang sabi kong seryoso ang tingin kay Mark na siyang ikinawalang emosyon ng kanyang mukha... Binitawan niya si Beth na hinawakan naman ni Matthew. Lumapit siya sakin.

" 'Wag kang mag alala 'Ry' hindi naman dapat siya damay dito ehh... Hinawakan ko lang siya kasi gusto kong pumunta ka dito at Makita yang mukhang Ana sa Frozen movie mong mukha." Ang sabi niya at ngumiti sakin na siyang ikina inis ko... Ano daw?? Bumalik nalang ako sa realidad nang pisilin niya yung pisngi ko. Na siyang ikinawala ng apoy sa aking kamay.

"Hindi kita titigilan, Clary..."Umalis na siya. Clary nanaman?! Pang ilang beses na niya akong tawaging Clary at Ry?

"Argh! Mark! Di pa ako tapos sayo!"ang inis kong sabi. Nilapitan ko ang kapatid ko na kasama na ngayon si Lia, France, at Mathew na nakangiti sakin.

"Oh anong nginingiti-ngiti niyo diyan? Hah?"ang taas kilay kog tanong. Tumawa sila bigla.

"Ate Clary pala ah? Kalian ka pa tinawag na ganun ni kuya ate?" ang sabi ni Matthew na gusto pang tumawa ulit pero nagpipigil lang... Tumawa na sila. What's wrong with you 4? Anong meron sa mga tao na mga to? May hindi pa ba ako nalalaman? Umiling nalang ako na siyang ikinatigil ng tawa nila.

Elemeshas AcademyWhere stories live. Discover now