Chapter 3- Ala-ala

21 1 0
                                        

Mark's Point Of View

Naglalakad lakad ako patungo sa dorm ko nang may narinig akong sigawan ng mga babae.

"Myghaaadddd Xander! You're back!"

"Kyaaaahhh! Xander! Papic!"

"You came!"

Yan ang mga sigaw at mga salitang binanggit ng mga babaeng narinig ko. Si Xander? Nakabalik na? Pumunta ako sa sulok at nagtago para silipin kung talagang totoong bumalik na siya. At totoo nga nakabalik na siya. Sumama ang aking tingin nang Makita ang buong mukha niya. Siya parin nga yung Xander na nakilala ko... Naalala ko nanaman ang nangyari 2 years ago. Napa iling nalang ako at mas lalong napuno ng galit ang isip ko nang makitang hatakin ni Clara si Xander. Sinundan ko lang sila ng masamang tingin. Sa kasamaang palad, nakita ako ni Clara kaya agad akong umalis sa pwesto ko at napagpasyahan nalang na pumunta sa Elemeshas garden at umupo sa isa sa bench dito. Inisip ko ang nakaraan. Mali toh. Ayaw ko nang maulit pa ang nakaraan.

Ang nakaraan na kung saan ayaw ko nang balikan. Naalala ko pa nung mga bata kami nila Kristal, niligawan ko na siya.

Flashback

Naritoako ngayon at naghihintay kay Kris sa park. Lilibre ko siya ng ice cream dahilalam ko nay un yung favorite niya. 1st year high school na ako atbakasyon na din. Ilang saglit pa ay dumating na siya. Napalundag ako sa tuwa. 

"Hi Marky!" ang bati niya sakin. Ang cute naman niya! Ngayon na kasi ako aaminsa nararamdaman ko para sa kanya pero di ako nangangambang mareject kasi alamkong ganun din ang mararamdaman niya. 

"Hi Kris!" ang sabi ko at hinawakan angkanyang kamay. Napangiti naman ako ngayon nang Makita ang pagmula ng kanyangmukha. Ang cute niya talaga! 

"Tara! Bili tayo ng ice cream!" ang excited kongsabi. 

"Sige!" ang patalon talon niyang sagot. Ang saya ng araw nato. Pagkataposnamig bumili ay inubos muna naming yung ice cream at naghabulan sa park. 

"Habulin moko!" ang sabi ko at tumatakbo. Hinabol naman niya ako. Naalala ko sakanya si Clara. Yung kababata ko na ngayon ay nasa ibang mundo na.nakakalungkot ngalang hindi na ako nakapagpaalam ng maayos. Naibalik ako sarealidad nang mataya ako ni Kris. 

"Hay! Andaya!" ang sabi ko at huminto sapagtatakbo. Hayysttttt. 

"Uy? Ayaw mo na?" ang hingal na tanong sakin ni Kris. 

"Ayaw ko na pahinga muna tayo" ang sabi ko. "Pahinga lang walang tayo." Angsabi niya na siyang ikinatawa ko. Umupo na kami sa bench. Ang hangin naman ngpaligid. Nagkwentuhan muna kami ng ilang saglit at nagtaya tayaan ulit. 

"Hahaha! Habol!" ang pang aasar ko sa kanya. Ang cute niya talaga! 

"Ihh! Markynaman!" ang sabi niya at huminto na ako dahilan upang mabangga siya sakin atsabay kaming bumagsak sa lupa. Nagkatinginan kaming dalawa sabay tayo. 

"Ikawkasi eh! Hihinto ka alam mong hinahabol kita! Shk!" ang sabi ni Kris at tumayosabay pagpag sa damit niya. Napangiti akong muli nang makitang mulang mula na talaga siya. Pinaupo ko na siya. Mga ilang minuto pa ang lumipas bago ako magsalita. 

"Ahm Kris?" ang tanong ko sa kanya. 

"Hmm?" ang tanong niya pabalik. Napahinga ako ng malalalim. Ito na... 

"Kris gusto kita. Hindi nalang pala gusto. Sa tingin ko, m-mahal na kita. Hindi naman sigurong masamang magtanong kung pwede na ba kitang ligawan?" ang dirediretso kong sabi sa kanya na siyang ikinagulat niya. 

Elemeshas AcademyWhere stories live. Discover now