CHAPTER 7

17 4 0
                                    

LANCE

*kindly play the song on top while reading. Thank you!

And in this crazy life
And through these crazy times
It's you, it's you
You make me sing
You're every line
You're every word
You're everything

*knock knock!

I was playing my guitar and singing nang biglang may kumatok sa kwarto ko. I opened it and saw my little sister, Venice. 

"Why baby?" i asked. Mukhang may gusto nanaman ipabili ang kapatid ko. She's smiling shyly and nagpapacute hehe.

"Mm kuya can you buy me an ice cream? Pleeaaaaaaassseeeee?" saad niya habang nagpapacute saakin. Hayy here she goes again. Paano ko matatanggihan kung ganito kacute ang sister ko...

"Kuyaaaaa sigi na pleashh," Aba at nagpout na hehe

"Nako oo naa. Give kuya a kiss muna before I'll buy you an ice cream," Pangongondisyon ko. She kissed me on my cheeks saka ngumiti ng napakalawak.

"Thank you kuyaa!" saad niya at lumabas sa kwarto ko habang naghahum. Nako ang baby sister ko. I hope she won't grow too fast. Wala na akong baby nun hehe. She's just the sweetest.

Nagshower muna ako saglit bago lumabas ng bahay para bumili ng ice cream. Medyo makulimlim kaya kumuha na ako ng payong baka sakaling umulan. 

Pagkarating ko sa convenience store, bumili ako ng isang pint ng ice cream na strawberry flavor, favorite ni Venice. Kumuha na rin ako ng Vanilla flavored para saakin.

Babayaran ko na sana ang aking pinamili nang may nakita akong strawberries sa may fruits section. Naalala ko paborito iyon ni Baby Bunny.




Flashback...

Grade 1 na ako! Dali dali akong bumaba sa sasakyan pagkarating namin sa school. Excited ako kasi siyempre grade 1 na ako! hehe. 

"Lance huwag kang tumakbo at baka madapa ka!" saad ni yaya. Si yaya naman napaka-oa. Big boy na kaya ako! Look may muscles na nga ako. Binelatan ko si yaya at patuloy na tumakbo sa room. 

"Hay nako kang bata ka. Kahit kailan napakaligalig!" inis na si yaya hehe pero she's the best yaya for me!

Umupo na ako and napili kong pumwesto sa may gitna. Sa pangatlong row. Ay column pala. Aish ewan ko basta gitna na hehe. Matapos ang ilang oras na nagturo yung teacher namin, recess na! Hihi i'm excited na sa food ko! May cookies, sandwich and orange juice! 

Habang kumakain ako, nakita ko yung babae na cute sa harapan ko. Nakapigtail yung hair niya tapos ngingiti-ngiting inilabas yung baon niya. Woww strawberries! Gusto ko humingi kasi marami naman yung baon niya hehe. Tinapik ko yung balikat niya and lumingon naman siya.

"Hi! Ako nga pala si Lance! I'm seven years old! I live in...." hindi ko pa natatapos yung sinasabi ko ng bigla akong tinalikuran. Ay ang sungit -_-! Tinapik-tapik ko ulit at sa di inaasahan, natapon yung strawberries niya. Hala patay!

"Bat ba kasi ang kulit mo! Yung favorite stwawbewies ko wala na!" umiiyak niyang sabi at umupo habang kinukuha yung strawberries niya na nahulog. Hindi na pwedeng kainin kasi sliced yung strawberries niya saka nadumihan na.

Chasing WatersWhere stories live. Discover now