Chapter 1

19.3K 267 25
                                    

"BOBO!, ang dali dali lang ng instructions ko pero hindi mo pa din nakuha? I already gave you a warning pero umulit ka nanaman!" napapikit ang mga empleyado sa labas ng opisina, kakaumpisa pa lamang ng trbaho pero halos lahat aligaga dahil sa boses na umaalingawngaw sa buong floor

kung tutuusin hindi na ito bago, sanay na sila sa ugali ng kanilang boss

"sir, pasensya na po.. hindi na po mauulit" tila nanginginig sa takot na sabi ng empleyado na kaharap niya ngayon

"at talagang hindi na mauulit, because you are fired!"

"Mr.Tavero wag naman po, magiingat na po ako sa susunod"

"wag na, di ko na hahayaan na mawala uli ang isang project dahil sa kapabayaan ng isang katulad mo kaya kung ako sayo kunin mo na lahat ng gamit mo at umalis ka na dito sa kumpanya ko"
madiin niyang sabi bago tinalikuran ito, agad namang lumuhod ang lalake tila nagmamakaawa sa harap niya

"Mr. Tavera please, wag naman po kailangan ako ng trabaho"

"kaya maghanap ka na!" walang pagaalinlangan niyang hinawi ang pagkakahawak sa kanya nito "Marcus! alisin mo to sa harap ko kung ayaw pa din, paakyatin mo ang security at ipakaladkad mo to wala akong pakealam"

"sir please" pagmamakaawa uli ng lalake pero naging bingi siya

"Marcus!"

"sir" agad lumapit ang secretary niyang si marcus at pinatayo ang empleyado "Mr.Chaves, tara na po" pinakiusapan niya ito "tara na po para wala ng gulo"

"Napakasama mo!! napakalupit mo sa mga empleyado mo! pakiramdam mo diyos ka! pero sa totoo lang isa kang demonyo! makakarma ka din! sinisumpa ko makakarma ka!" sigaw sa kanya ni mr.chaves kaya napangiti nalang siya,

hindi na bago ito sa kanya, he's receiving a lot of death threats from a lot of people, powerfull people at ni isa walang nagtagumpay kaya natatawa nalang siya sa mga sinasabi ng mga maliliit na tao na walang kapangyarihan katulad ni Mr. Chaves

wala siyang pakealam kahit kung ano ano pang pangalan ang itawag sa kanya, he deserves to be rude kung gugustuhin niya dahil hindi naman niya narating ang posisyon niya ngayon ng dahil lang sa awa,kailangan niyang maging demonyo para sa mga kalaban niya na patuloy siyang binabagsak.

kailangan niyang maging mahigpit lalo na kapag tungkol na sa companya ang pinaguusapan, a milyon dollar project, iyon lang naman ang pinabayaan ni mr.chaves, natalo sila sa auction at nakuha ng kalabang kumpanya ang project na iyon dahil lang sa kapabayaan . kaya hindi na niya hahayaan na maulit pa iyon

pinindot niya ang intercom at muling tinawag si marcus, ilang saglit lang ay pumasok na ito sa opisina niya

"yes sir?"

"maghanap ka ng kapalit agad ni Mr.Chaves kapag naka hire na kayo ipa-train mo agad kay gina, pero bago yon kailangan ko ng isang tao na hahawak sa mga project na naiwan niya, and this time gusto kong siguraduhin mo na hindi na mapapabayaan kasi ikaw na ang susunod na sesesantihin ko"

"yes sir! actually may naisip na po ako" napakunot ang nuo niya bago lumingon kay marcus, may inilapag ito sa lamesa niya isa iyong folder "I already have a candidate para hawakan ang mga projects na naiwan ni mr.Chaves"

binuklat niya ang folder at nakita ang isang profile ng empleyado sa kumpanya "He is Mr.Salazar siya yung humawak ng project para sa housing sa tarlac, palawan and singapore, his current project in Canada won the auction last saturday for 158 Billion dollars"

napatango siya bago isinara ang folder

"good buti naman--but make sure na hindi magsasayang ng project yang salazar na yan"

The Pregnancy ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon