Chapter 2

10.4K 227 29
                                    


"Susko parang nagpapabili lang ng candy na tatlo-dos"

"May sinasabi ka marcus?"
Tanong ni daniel ng tila marinig na bumubulong si marcus

"sir wala po, sabi ko po mamili ka na po dyan sa tatlong natitirang kandidata"

Napatingin uli si daniel sa mga folder pero hindi padin nagbago ang ityura nito, kung titignan malinaw na wala siyang nagugustuhan ni isa

"sir ano na? 3 out of 50 na yan sino ang mas matimbang po? Pipili ka lang sir?"

"naiinis ka na ba sakin marcus?"

Napakamot ang kanyang secretarya sa ulo nito pagkatapos ay napabuntong hininga "sir hindi po"

"eh bakit ganyan ang mukha mo?"

Biglang nagseryoso ang mukha nito gayon pa man alam niya na naiirita na ito sa kanya, parehas lang naman sila lalo na hindi nito nagawa ang ipinaguutos niya

Hangang ngayon wala pa din siyang nagugustuhan sa lahat ng ibinigay nito na profile sa kanya

"san mo ba pinagkukuha itong mga to?"

"sir sa social media sir, tinignan ko kasi yung latest post mo at yang mga yan ang nagpakita ng interes sayo"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"sir sa social media sir, tinignan ko kasi yung latest post mo at yang mga yan ang nagpakita ng interes sayo"

"ano?"

"sir lahat yan galing sa magaganda at kilalang pamilya. Yung iba naman sir binase ko sa mga nakadate mo na po. Mukha nga silang model lahat sir"

"hindi model ang kailangan ko marcus kundi asawa"

"pero sir diba? Isa kang kilalang tao at napakayaman mo, dapat lang na elegante at may pinag aralan ang mapapangasawa mo ,yung pwede mong maiharap sa kahit na sino"

"may pera ako, madaming madaming pera, hindi ko na kailangan ng pera ng mapapangasawa ko kasi ako ang magbibigay non sa kanya, ang kailangan ko yung mapagkakatiwalaan at alam mong napakaimportante sakin non"
At mas lalong napabuntong hininga si marcus

Mukhang mas lalong mahihirapan siya. Sa sobrang pihikan ng amo niya gusto na niyang gumulong palabas ng bintana ng silid kung saan naka confine ito

"then atleast date one of them sir para makilala mo talaga sila ng tuluyan"

"nabasa ko na ang profile nila alam ko na kung sino sila"

"jusko naman sir"

"bakit nagrereklamo ka na?"

"ay hindi po sir--ang totoo niyan masaya ako at nagiging pihikan kayo maganda yan sir para sigurado na hindi kayo magkamali" wika ni marcus bago kinuha ang mga folder na inilapag nito sa harap ni daniel
"kaya sabi ko nga po maghahanap pa ako ng iba"

"mabuti naman kung ganon" dahan dahan siyang humiga sa kama, iniwasan na magalaw ang dextrose niya

"bibigyan uli kita ng 24 hrs. Huli na to marcus"

The Pregnancy ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon