Matapos ang pangyayari, di na muli nakita ni Prescilla si Wayne na pumasok sa paaralan, kahit anong tawag at text niya nito ay di rin sumasagot. Siya'y di mapakali kaya kahit mahirap na makaharap niya ang nanay ni Wayne ulit ay lalakasan niya ang loob niya upang makita lamang si Wayne, makita ang maayos niya na kalagayan.
Nagpapasakali si Prescilla na makausap niya si Wayne since alam niya sa sarili niya na di pa sila officially break. Nakita ni Prescilla sa malayo ang tilang walang laman at sarado na sarado na tahanan ni Wayne, kahit nagtataka siya ay pinagpatuloy niya ang paglapit nito.
Tinawag niya si Wayne ng ilang ulit ngunit walang kahit sino man ang sumasagot. Di pa rin sumuko si Prescilla sa pagtawag sa kaniya kahit na nakakapagod na. May babaeng matanda na napadaan sa bahay ni Wayne at nakita na may naghahanap nito.
"Wala nang nakatira diyan, umalis na sila madaling umaga." Sabi naman ng matandang babae sa malayo kaya napaharap si Prescilla sa kanya.
"Sigurado po ba kayo lola?" Nakikisigurado si Prescilla.
"Sigurado na sigurado. Naabutan ko sila eh." Sagot naman nito. Ngumiti na lamang si Prescilla at umalis na yung matandang babae.
Napatalikod ulit si Prescilla, paharap sa bahay ni Wayne, parang gumuho ang puso at mundo ni Prescilla nang marinig niya yun. Umalis si Wayne nang walang paalam sa kanya, napaupo si Prescilla at umiiyak.
Naalala niya ang mga masayang alaala nila sa treehouse malapit sa bahay ni Wayne, naalala niya yung kasal-kasalan nila. Lahat ay mga napakagandang alaala na lamang.
Si Wayne at Prescilla ay nasa ilalim ng tree house, nakatayo at harap nila ang isa't isa....
Hinawakan ni Wayne ang mga kamay ni Prescilla at ngumiti sa kanya.
"Sa paglaki ko, ikaw lang ang gusto ko pakasalan." Seryosong sabi ni Wayne kay Prescilla.
"Napakaseryoso mo naman, bata pa tayo." Biro ni Prescilla.
"Pero oo ako rin, paglaki ko ikaw lang ang mamahalin ko." dagdag ni Prescilla.
"Alam mo ba, memorya ko na kung ano ang nangyayari sa isang kasal. Napanood ko kasi lagi sa mga teleserye." Biro ni Wayne at napatawa na lamang si Prescilla.
"Gusto mo gawin natin?" Tanong ni Wayne at tumango naman si Prescilla.Napalunok muna ng laway si Wayne at ngumiti.
Biglang nagboboses lalaki si Wayne, "Do you take Prescilla Princess Flores as your lawful wife, to have and to hold, from this day forward, for better or for worse, for richer or for poorer, in sickness and in health, to love and cherish until death do you part?"
Napangiti na lamang si Prescilla nang sinimulan na ni Wayne ang kanilang kasal-kasalan.
"Yes, father." Nagboses babae ulit si Wayne. Napatawa na lamang si Prescilla.
"Do you take Wayne Shale dela Cruz as your lawful wife, to have and to hold, from this day forward, for better or for worse, for richer or for poorer, in sickness and in health, to love and cherish until death do you part?" Balik boses lalaki na naman si Wayne.
"Yes father." Sagot ni Prescilla sabay ngiti.
"You may now kiss your bride." Nakangiting sabi ni Wayne pagtapos sabay halik sa noo ni Prescilla. Napangiti nalang lalo si Prescilla dahil sa kilig.
Bumitaw si Wayne sa halik, "Sa noo muna, di pa pwede diyan eh." Biro ni Wayne habang tinuturo niya ang labi ni Prescilla. Napatawa na lamang si Prescilla sa kalokohan ni Wayne.
Napasandal na lamang si Wayne sa bintana ng sasakyan habang naiisip si Prescilla. Nasa gitna sila ng biyahe, malayo layo na sila sa dati nilang tirahan.
Nakikinig si Wayne ng musika sa phone niya while nakaheadset, biglang may nagtext sa kanya kaya napansin ng kanyang nanay na di pa niya napilitan ang wallpaper niya; si Prescilla pa rin.
Kinuha ng nanay niya ang phone niya at planong papalitan ang wallpaper nito kaso halos lahat ng larawan sa gallery ni Wayne ay kay Prescilla lamang at dahil sa dami kaya wala siyang nagawa. Nagulat na lamang si Wayne ng biglang kunin ng nanay nya ang phone niya.
Tinignan din ng nanay ni Wayne ang text at dinelete ito, pati na rin ang phone number. Walang kamalay malay si Wayne.
"Idelete mo yang mga larawan na yan." Utos ng nanay ni Wayne sa kanya. Walang sinabi si Wayne at kinuha na lang ulit ang phone niya, kinonect rin ulit ang headset sa phone niya. Nilagyan na lamang ng password ni Wayne ang phone niya upang di mabuksan ng nanay niya at pinalitan niya rin ang wallpaper niya ng kanyang mukha. Di rin napansin ni Wayne na may nagtext pala sa kanya.
Nagpatuloy ang tahimik na biyahe.
Humigang patagilid si Prescilla sa kanyang kama habang tinitignan ang mga larawan niya sa phone kasama si Wayne.
"Ganito lang ba kadali para sa iyo na iwan ako?" Tanong niya sa nakangiting larawan ni Wayne. Natawa siya sa kanyang sariling tanong at umiyak ulit.
"Hindi ka man lang nagpaalam." Dagdag pa nito.
Napahiga naman si Prescilla habang nakatingin na sa kisame, napabuntong-hininga siya at tinignan ulit ang phone niya. Naghihintay ng reply ngunit alam niya sa sarili niya na wala na talagang rereply sa kanya.
________________________________________________________________________-