Kabanata 2
Itlog & Distraction
“So doctor huh? Pinangarap ko rin noon na maging doktor. And by the way that was so cool what you did back there.” Sabi niya without breaking his intense gaze.
Serious ang mukha ni kuya na para bang may malalim na iniisip. Pero unti-unti itong nawala at napalitan ng ngiti at nakita ko rin na bumalandra ang kumikinang niyang dimple. Lecheng dimple naman yan oh!
“Uhm, yes. Fulfilling nga ang trabaho namin kaya ako nagpursigeng maging isang doktor. So ano ka ngayon aside sa pagiging doktor?” Tanong ko sa kanya.
Nakita ko ang slight na pag alinlangan sa kanyang pagsagot at napakamot pa siya sa kanyang ulo. Pero sumagot din ito.
“Businessman.” Tipid niyang sagot.
Businessman huh? I am not convinced. Siguro medyo kumunot ng slight ang noo ko kaya agad niyang sinundan ang kanyang sagot.
“I own a small chain of restaurants and mahilig din ako mag invest sa mga companies.” Dagdag niya.
Tumango na lang ako at ngumiti because honestly di ko alam how to handle this conversation. I decided to bid my goodbye para nang sa wakas ay makapagbreakfast na.
“Sige, una na ko. Nice to meet you again, Miguel.”
“San punta mo Doc?”
Sa langit? Bakit? Sama ka? But of course I didn't say that to him directly. Gutom na talaga ako at nagiging iritable ako pag gutom. Galit ako sa world. Sabi ko nga, magbiro ka na sa lasing, wag lang sa taong gutom. As much as possible, I want to avoid being hangry. It's like a combination of angry and hungry.
“Sa restaurant. Magbibreakfast. Now, if you'll excuse me.”
“Hatid na kita Doc.” Sabi niya with a smile. Dahil sa pagngiti niya, lumabas ang ang kumikinang na dimples.
“What? Naku wag na. Nakakahiya. And besides ang lapit lang ng restaurant. Di naman siguro ako mapapahamak along the way.”
“Doc, I insist. And nagugutom na rin ako so might as well join you. Yun ay kung papayag ka. But I was hoping you would.” Sabi niya with pasimpleng smile pa rin and as usual that dimple. Fudge!
“Fine. Let's go.” Umoo na lang ako because I don't want to argue anymore and gutom na ako and yun lang yun. Period, no erase. May pahatid-hatid pang nalalaman, gutom rin naman pala. Ay! Ano yan Jules? Disappointed lang? Maghunos dili ka girl!
Nang nakarating kami sa restaurant, ngayon ko lang napansin na basa pa ang shorts niya. Kaya agad kong pinuna ito.
“Teka lang, pano yan? You're wet!” Sabi ko and ngayon lang nag sink in ang ibang meaning ng sinabi ko.
Parang wala lang naman sa kanya ang sinabi ko and napatingin siya sa kanyang shorts na medyo basa pa. Ang shorts po ang basa people. Shorts. Okay?
“Okay lang ba sa’yo Doc na sa labas na lang tayo kumain?” Sabi niya.
“Well it's fine basta makakain lang. And besides mas nice din sa labas dahil kita ang view ng dagat.”
So ayun na nga. Sa labas ma kami pumwesto at dumating na rin ang waiter para kunin ang aming order. Light lang ang inorder kong breakfast kahit gutom na gutom ako. Feeling ko nga nalipasan na ako ng gutom. French toast and sausage ang inorder ko while siya naman ay nag order ng tapsilog at cornsilog. Wow! Ang hilig niya sa itlog huh.
Inip na inip na ako habang naghihintay sa pagkain. There was an utmost silence between us. Feeling ko nga I can hear crickets in the background. Di rin ako tumitingin sa kanyang banda. I just busied myself with the view of the majestic scenery. And what I meant with the scenery is the blue ocean in front of me of course. Ano pa ba?
Narinig ko siyang tumikhim. I started to build my courage and decided to break the silence pero naunahan niya ako.
“So, sino kasama mo dito Doc?” Tanong niya.
Should I be honest with him? No. I don't think I can do that. Of course sasabihin ko na I'm alone but I won't tell him my purpose.
“Ako lang. What about you?” sagot ko.
“Same.” Sagot niya pabalik.
And perfect timing, dumating na ang pagkain. I ate to my heart's content and thankful na hindi siya nagsasalita habang kumakain kami. Pero di nakakatakas sa akin ang iilang mga nakaw niyang tingin. Kaya kahit konti ay naco-concious din naman ako pero gutom na talaga so bahala ka diyan.
Nauna akong natapos. Paano ba naman kasi dalawang meals ang inorder niya. Seriously, gutom na gutom nga talaga siguro siya. But how can he maintain that breathtaking body of his with that appetite? I wonder.
Hinintay ko siyang matapos. Di rin naman ganon katagal and besides nakakarelax talaga pagmasdan ang dagat at maamoy ang simoy nito.
Tumawag siya ng waiter para sa bill at nagpresenta na siya na raw magbayad. Aangal pa sana ako because di naman kami close para ilibre niya ako pero naabot na niya ang bill so may magagawa pa ba ako?
“You might find it strange Doc, why me, a total stranger would come up to you and treat you breakfast. But, what you did back there really amazed me. So, isipin mo na lang na nilibre kita as a way of saying thank you sa lahat ng doctors sa buong mundo.” Sabi niya and that made me smile a little.
“Thank you, really. Nakakataba ng puso. Kelangan ko na tuloy mag diet nito.” Biro ko at napatawa din siya.
Nakakataba naman talaga ng puso when someone appreciates your craft especially kung ilang taon mo itong pinagpaguran. Ilang tulog ang pinalipas ko para lang makapagaral tuwing may darating na exam or quiz. Ilang family events ang aking namiss dahil sa aking pag-aaral. Di talaga biro maging isang doktor.
“So doc, how long are you staying here?” tanong niya.
Honestly, napaisip din ako sa tanong niya. Biglaan ang pagpunta ko rito kaya wala talaga akong konkretong plano. All I wanted was to escape from all the Drama I left in Davao.
“Di ko rin alam eh. Siguro hanggang sa ma bored na ako.” Honest kong sagot.
“So wala ka pang nakaplanong mga activities sa stay mo rito?” Tanong niya.
Umiling ako. Nakita ko lang kasi to noon sa internet. Nagustuhan ko ang lugar dahil tahimik and I really liked travelling to places I've never been before dahil it helps you grow as an individual. Siguro titingnan ko ang brochure ng resort kung anu-anong activities ang kanilang ini-offer.
“Well in that case doc, I volunteer myself as your personal tour guide. I hope you know, I won't take no as an answer.” Tila pinal niyang sabi.
I looked at him, and there's really something in his eyes na nakaka-hypnotize. I don't know if he has voodoo or something but he's so good at convincing people to do his biddings. And besides, his offer is so tempting, very tempting indeed.
But he's a stranger. A super hot stranger. Once again I reminded myself why I'm here. Right. I am here to escape. To be away from all the drama. I figured out I needed a distraction. And right in front of me is a drop dead gorgeous distraction. I know it's selfish but I need it. So who am I to resist?
“Sure!” I smiled.
Di naman siguro siya isang serial killer right? Right?
BINABASA MO ANG
Escape Next To You
RomanceTwo strangers, one faithful day. Both went to escape, but in irony found something instead. Was it destiny or just mere coincidence?