Sa classroom namin, puno ng kasiyahan, kalokohan, at masasabi talaga ng kahit sino na tight yung relationship namin sa bawat isa. Yung sa sobrang tight, nagkakaligawan na. Biro lang!
Sa classroom na yun, madaming nabuo. Especially friendship.
Nakaupo ako sa medyo likod na. And I have my seatmate named, Lian. 4 chairs in every lines. Sa dulo, left side si Lou, then si Lian, tas ako, and last si Laiza.
Actually, Magbe-bestfriends yung tatlong yun -Lian, Lou, Laiza. L3 sila.
At ako?
"Glaydel! Ano na? Pre naman ih. Sabi mo may ikukwento ka sakin?"
Eto yung masasabi kong Walking Diary ko sa room. HAHAHAHA!
Lahat na kase ng nangyayari sa buhay ko, especially sa lovelife, eh alam nitong lalakeng to. Si Joshua.
Simula sa first boyfriend ko, first break-up, lahat ng first, pero syempre hindi yung ano. HAHAHA!
Mga problema ko. Lahat talaga as in. DIARY NGA EH!
Sa school, bukod sa marami kang matutunan. Marami ka ring mararanasan.
Gaya ng magkaroon ng kaibigang totoo, anjan palagi para sayo, plastik, backfighter, atbp.
At syempre, kadalasan, sa school mo mararanasan lahat ng love. Puppy love hanggang true love.
At karaniwan din sa LOVE na yan, may nasisirang FRIENDSHIP.
"Bj!" Tinawag ni Ryan na kaklase ko si Bj, yung ka-officer ko sa Student Supreme Council namin. Sya din yung gustung gusto ni Lian, na ka-officer din namin.
"Oy! Pare. Bakit?" Ang sagot ni Bj kay Ryan. May itsura tong dalawang 'to. Kaso nga lang tong si Ryan, torpedo. Tas eto namang si Bj, malakas ang dating sa mga babae, pero No Girlfriend Since Birth, honor student din. Halos lahat ng hanapin ng babae nasa kanya na. Kaya siguro nagustuhan ni Lian.
"Wala lang Pare! HAHAHA" sabay tapik ni Ryan sa balikat ni Bj.
"Loko ka talaga! Sige alis na ko." Nakikinig ako sakanila. Bakit nga ba ko nakikinig sa usapan nila? Nakakatuwa naman kasi sila pagmasdan ih, bago umalis si Bj,napatingin sya sakin at ngumiti.
Teka, bakit nya ko nginitian. Di naman kami close neto ah. Saka alam kong di kami magiging close, kase magbabakasyon na. HAHAHA!
---
#msRIGHTer #msWRITER <3 :">
ESTÁS LEYENDO
Friend or Lover?
Novela JuvenilSa buhay ng tao, di mawawala ang gulo. Di mawawala ang pagdedesisyon. Di mawawala ang umibig. Di mawawala ang mamili. Di mawawala ang mahirapan. At. Di mawawala ang masaktan. Pero sa lahat ng pagpipilian, isa na sa pinakamahirap at kumplikado ay k...