NINE

181 3 3
                                    

“ANO NGA BA ANG KINAKATAKUTAN NG ISANG TAO?”

 

Kakatapos ko lang umattend ng misa, at isa yan sa sermon ni father na tumatak sa utak ko. Nuon isa lang ang kinatatakutan ko ang mamatay, pero ngayon mas narealize ko na mas nakakatakot pala ang pagiging magisa keysa sa kamatayan.

Isang lingo na akong hindi mapakali at pumapasok na parang walang buhay. Hangang ngayon kasi ay galit padin sa akin si Rain at Rica dahil sa mga nasabi ko. Pero ang higit na nakakapagpalungkot sa akin ay si Rhean, aminin ko man o hindi ay namimis ko na siya.

Kahit pa may nanliligaw na sa akin ay parang wala akong gana at si Rhean padin ang nagsusumiksik sa utak ko.

Naisipan ko ng umuwi, pero dinala ako ng mga paa ko sa bahay ni Rain, alam kung nandito din si Rica dahil ugali na naming tatlo ang mag jamming every Sunday. Kumbaga barkada day kasi Sunday lang ang restday namin sa work.

Ding dong!!

“Reese, anak! Ikaw pala yan.” Sabi ng yaya ni Rain na siyang nagsisilbing pangalawang magulang na namin, dahil sa sobrang pagaalaga niya sa aming tatlo.

“andiyan po ba yung dalawa?”

“oo, nasa taas sa may veranda! Nagiinuman ata?”

“ah sige po. Akyat na po ako.”

“sige, may gusto kaba para maipahanda ko?”

Reese story (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon