Chapter 1 - I'M ON A HURRY!

122 1 4
                                    

#ADLEY’S POV

“Keriring.. Keriring.. Keriring..”     

Tunog ng maalakampana kong alarm clock.

“Ano ba yan!” tiningnan ko yung alarm clock gamit ang kaliwang mata ko.

“Naku naman! Ang aga-aga pa. 10 minutes pa please!” -_-

Pinatay ko yung alarm clock at  bumalik na naman sa pagtulog.

After 20 minutes…

Dinilat ko yung mata ko at may bigla akong naalala.

“Gosh! First day of school ko na pala.” Nabulyaw ako.

I looked at my alarm clock.

“7:45?! Patay! I only have 15 minutes to go!”T_T

Dali-dali akong lumabas ng kwarto.

“The Flash” ang drama ko.

Nakita ako ni mama.

“Yan ang napala mo, tamad mong bumangon eh. Kanina pa kita tinatawag. Buti’t di ko naisip na buhausan ka ng tubig.” Pagsesermon nya.

Di na ako nagsalita pa. Wla na akong panahon makipag-usap ngayon. I’m in a hurry! ^3^

ZOOOOOOMMMM…..

Ligo..

Bihis..

Kain.. (Pandesal lng ang pinang-almusal ko. :c )

Toothbrush.. (syempre hygiene XD )

Sa tricycle na ako magsusuklay..

“Mudra?! Aalis na ako!” sigaw ko sa mama ko na nglilinis sa bakuran.

“Mabuti pa nga. Alis na!” sagot nya.

“Mama naman, kung makapangtaboy!” t_t

“Pep, aalis na ako ah?” sabi ko naman sa aso ko.

“Love You!” sigaw ko.

“Mahal ko rin sarili ko anak.” Tugon ni mama.

“Wag mo masyadong ifeel ma, si Peppy ang sinabihan ko. Di ikaw!” ^0^

“Tse! Umalis ka na baka matapon ko pa tong tingting sa’yo!” iritadang tugon niya.

“Chill! Aalis na nga diba? BYE!” pahabol ko naman sa kanya.

And I left. Hilig ko talagang asarin ang mama ko. XD

I glanced at my rolex watch.

Charrr! Di ko yan binili, nakita ko lang to sa tabi-tabi. Eh, wala namang naghanap kaya kinuha ko nalang. Blessing na yun eh. Hahaha :3

at….

“7:45?! Naku po! Late na talaga ako nito!”  Huhuhu T_T

Nag-antay ako ng tricycle. At BOOM! May nakita nako.

Brooooomm… Brooooomm.. Broooommm…

“Manong, pasakay po. Sa Wisdom Academy po ah?” Sabi ko sa driver.

Nakasakay na nga ako. Habang nasa daan pa kami. Tiningnan ko yung bag ko, para kumuha ng pera pamasahe. Nang………..

“Damn it! Nakalimutan ko yung ID ko!”Biglang sabi ko. Napatingin yung driver sa’kin.

“Miss? Anong nangyari?” tanong pa nya.

Naiwan nga ang ID diba? Narinig mo naman siguro. Nagtatanong ka pa! Errrrrrr :’/

Haist! Kung kelan pa ako  nagmamadali saka naman ako magkakaganito. GOSH! Ano bang meron sa araw na’to? T______T

“Manong, pakibalik po ako sa bahay. Kukunin ko lang po yung ID ko. Please!” pakiusap ko sa kanya.

Ok.” Daling tugon naman  nya.

Bumalik na nga kami sa bahay.

I rushed to the house and immediately call my evil mother! Muahahaha :D

“Ma! Ma! Ma!” Sigaw ko sa labas ng gate.

"Oh?! Anong ginagawa mo dito? Miss mo na ako agad?" Insultong tugon naman niya.

"Feeler! Pakikuha po nung ID ko sa kwarto. Please po. Pkibilisan na lang din ha?" sabi ko sa kanya.

"Aba! Inuutusan mo ba ako? Ha?! Ayan! Reyna ka kasi ng katangahan." Sumesermon na naman sya.

Grabe naman! Nagmamadali ako. Di ba nya feel? Pakiuntog naman po Lord. :(

"Ma, wag ngayon please, maawa ka! Nagmamadali ako! Mamaya na lang yang sermon nyo. PLEASE!" iritadang pakiusap ko sa kanya.

Haist! Hindi naman talaga ako mahilig makiusap sa taong to, pero kaso nga may kailangan, kaya ayan, tinabunan ko muna pride ko. Ngayon lang. Haha.

"Oh eto!" Sabi niya sabay kuha ng something sa bulsa ng suot na daster nya.

"Hindi ako kumbinsido na nadala mo nga talaga lahat ng kakailanganin mo sa school kaya pinuntahan ko yung kwarto mo at ito nga ang naiwan mo." dagdag pa nya.

Ahhhh.. Sweet nga! Pero may dalang sermon naman. Grrrrrrrr!

"Akin na ma! Mamaya na nga dba?Sige na! Sige na! Ang driver naghihintay!" Mangiyakngiyak pa akong nakiusap sa kanya.

"Oh ayan! Pasalamat ka. Mabait ako ngayon." Sabi nya pagbigay sakin.

Asussss! Mabait daw? Eh parang out-of-the-will nga ang pagbigay eh! Nakakairita talaga tong babaeng to. Ikaw ang mas magpasalamat kasi nasa mood akong makiusap ngayon. Muahahahaha :D (Ako nga may kailangan dba?)

Well, salamat na rin mudra. :)

"Hayy! Salamat! Sige aalis na ko! Bye!" paalam ko sa kanya. 

Nagmamadali naman akong sumakay.

"Pairalin mo yang katangahan mo't baka ikaw naman ang mawala! Mag-iingat ka." Pahabol naman nya.

Kahit talaga may pagkamaldita yung nanay mo, maalaga pa rin nuh? Kunsabagay ako na rin lang din kasi naiwan saming magkakapatid at ang pinakabunso. May kanya-kanya nang pamilya yung ate at kuya ko. Yung sinundan ko naman eh, pumanaw na (because of a car accident), at a very young age. Siya sana yung tutustus sa studies ko, engineer kasi yun tapos single din. So eto, kapit sa scholar sa school ang drama ko. Haist! -___-

NAKU! ERASE! ERASE! ERASE! Mag-iyakan pa tayo nito eh. t_t

Ayy! Muntik ko na palang makalimutan. BTW, Adley Jess is my name. My surname is Migera. My nickname is Ads, just don't call me Jess. Hate ko yang Jess sa name ko, lalo naman yung surname ko. Baket? Hango kasi yan sa name ng magaling kong tatay!

(Excuse me?! Wala  na pala akong tatay!) He left us with his mistress 10 years ago! Mabuti't volleyball player ako sa school, kaya't naging scholar. Naku! Kung hindi? Naging snatcher na siguro ako. :D

Brooomm!  Brooomm! Brooomm!

Woaaaaaaa.. :O

Sa school pala punta ako. Di naman ako masyadong madaldal ano? 0.o

WISDOM ACADEMY??? Here I come. . . . . . . . . . .

W/N (Writer's Note):

Haha.. Malelate na talaga si Adley. Ano naman kayang mangyayari sa kanya pagdating nya sa W.A? 0_?

Unexpectedly Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon