"Ma'am sorry po. Pero ma'am hindi po talaga pwede kayong dumaan dito. Kalilinis lang po nito. Sa garden na lang po kayo dumaan." Pagbabawal sakin ni ateng janitress na dumaan sa corridor.
"Ate please, parang awa niyo na padaanin niyo na po ako dyan. Hindi naman madumi ang ilalim ng sapatos ko. Malelate na po ako sa meeting ng SC." Pakiusap ko kay ateng janitress. Ano ba yan baka malate na naman ako nito?
"Sorry po talaga. Pero yun po ang utos. Sige po ma'am una na po ako, may lilinisin pa po ako eh." Sabi niya tapos umalis siya. Hay naku! Nakakainis naman. Malelate na naman ako nito eh. Hay! Makadaan na nga lang sa garden. Lagot ako nito kay Prez.
------------
"Ms. Celis, why are late? Again? Are you aware of being late for 4 consecutive meeting last time and now is your 5th time. What's happening to you?" Sermon sakin ni Prez. Hala galit na yan. Nag eenglish na eh. Nosebleed!!!!
"Sorry Prez, pero kada papunta ako dito sa SC room may nangyayari po." Pagdadahilan ko.
"Enough of your excuses. You will be cleaning the gar---"
Boooggggshhh
Biglang may malakas na nagbukas ng pinto na ikinagulat naming lahat. Sino kaya yun? Lannie nagtanong ka pa kung sino ang laging late syempre si Vice.
"Good Afternoon guys! Oh! Bakit parang nakakita kayo ng gwapo?" Energetic na bati ni Mr-Vice-President-na-mayabang-na-lagi-namang-late. "Ano ba Teo? Masanay ka na. Gwapo ka eh." Napasukan na talaga ito ng sarili niyang hangin sa utak kaya kinakausap ang sarili. Tsk. Pamental ka na tol.
"Teo, Ilang beses ko bang sasabihin na maaga kang umattend ng meeting?" Galit na galit na sabi ni Prez kay yabang.
"Prez, alam mo namang ayaw ko ng math bago pagbibilangin mo pa ako." Sabi ni yabang sabay lapit at akbay kay Prez.
"Lahat namang subject ayaw mo. Ayaw naman nila din sayo eh. Kaya quits lang."
"Ms. Beautiful may binubulong ka ba dyan?" Patay narining yata akong nitong si yabang.
"Wala ka nang pakielam dun." Mataray na sabi ko sabay irap sa kanya.
"Sungit mo ah."
"Eh ano naman sayo ngayon."
"Aba ang taray mo talaga."
"Aba ang yabang mo talaga" nakangising sabi ko. Akala niya magpapatalo ako sa kanya.
"NAKAKAINIS KA NA HA." sabay naming sigaw.
"Hep hep. Tama na. Nagsisimula na naman kayong dalawa."
"SIYA NAMAN ANG NAGSIMULA EH." sabay naming sabi habang nakaturo sa isa't isa.
"Sabi kong tama na. Tumigil na kayong dalawa. At dahil pareho kayong late, kayong dalawa ang maglilinis ng garden mamaya."
"ANO??? PERO." nagkatinginan kami. "HUWAG MO NGA AKONG GAYAHIN."
"Wala nang pero pero. Maglilinis kayo mamaya."
----------
Ano ba yan? Malelate na naman ako sa meeting.
*lakad
*takbo
*lakad
*takbo
*lakad
Wait! Nasaan yung notebook ko? Kinakal ko nang kinakal ang bag ko para hanapin ang notebook ko pero wala talaga. Nasaan ba yun? Nandoon pa naman ang listahan ko ng ginastos ng SC. Lagot ako nito kay Prez eh. Isip isip Lannie isip. Saan mo ba yun linagay?
BINABASA MO ANG
Late!!!
Teen FictionHindi ko alam na dahil sa pagiging LATE ko magiging ganito ako KASAYA. ... Abangan ...