9 - Chuckie

7.3K 187 20
                                    

9 – Chuckie

Sumapit ang breaktime. Nilapitan ni Diane si Alex para yayain sa canteen.

“Tara na,” sabi nito sa kanya habang inilalabas ang pera niya.

Nagmostra lamang siya na umalis na ito at mauna na. Hindi siya makatayo pa. Hindi na niya kasi malaman kung ano ang nararamdaman niya. Para siyang natataeng kinikilig na hindi niya alam. Ni hindi nga rin siya makapagsalita.

“Ano? Tara na,” pangungulit na naman nito. Pero di pa rin siya sumagot. “Halika na gutom na ko.”

Nang hindi niya na matiis ang pangungulit nito.

“'Wag mo muna kong kausapin, please. Lakad na. Mauna ka na.”

“Bakit? Ano bang meron?”

“Wala. Dali na.”

“Nababaliw ka na naman, a. Bakit nga?”

“Hays!” sabi niya ng niirita. Di yata siya nagets ng kaibigan niya.

 “Ina-absorb ko pa ang mga nangyari,” dagdag niya na parang nagpipigil ng nararamdaman.

“Ha?” nagugulumihanang tanong ni Diane.

“Wala. Ssusunod na ko. Lakad ka na.”

“Bahala ka nga.”

Sa wakas iniwan din siya nito. Iilan na lang silang tao sa classroom nila. Maging ang katabi niyang dahilan kung bakit di pa siya makapagfocus ay lumabas na rin. Parang gusto niyang umirit. Kasi naman. He smiles at her! That’s very unusual! First time! Palagi itong nagsusungit at nag-walkout pa ito tapos ngayon ngumiti siya?  Imagine how she keeps to herself the giggles. Nagtakip siya ng bibig para di makita ang malapad niyang ngiti at para di kumawala ang irit niya.

Five minutes pa bago siya nakarecover at lumabas papuntang canteen.

Maraming tao sa canteen. Mukhang nagkasabay ngayon ang break time nila at saka ng third year. Di niya mahanap si Diane. Ang haba din ng pila. Di siya makabili. Late siya kaya di na siya nakapagbaon kanina.

“Hey!” narinig niyang tawag sa kanya.

Paglingon niya’y parang nalaglag ng puso niya. Si Geeo. Medyo malayo ito.

Wow! Sumigaw si Geeo The Geek Andrade para tawagin siya? Lumingon  pa siya sa likuran niya dahil baka hindi siya ang tinawag nito at masyado lang siyang feeling. Pero wala. Siya nga iyong tinatawag nito.

Nakatingin lang siya rito, di pa rin gumagalaw. Hanggang sa tinuro na nito ang table kung nasaan siya. Na-gets niya na. Pinapapunta siya nito roon sa puwesto niya. O-oh!

Dahan-dahan siyang naglakad papunta sa table ni Geeo na kasama ang ibang third year na hindi naman nila kilala. Nang makarating siya sa table ay hindi pa siya naupo dahil wala naman siyang mauupuan though ang laki ng space na sakop ni Geeo.

“Ahm, puntahan ko lang si—“

“Dito ka. Tabi tayo,” he said. He then moved a little on the side para may space na si Alex.

Di naman niya alam kung anong nangyari sa kanya dahil parang natameme siya.

“Mahaba ang pila. Marami naman akong nabili. Share na tayo,” sabi nito habang kumakain.

“Seryoso ka?”

“Mukha bang hindi?”

Papanoorin niya na lang sana itong kumain pero naalala niya ang benteng nahiram niya rito kaninang umaga dahil sa pandesal.

“Ito nga pala iyong bente mo,” sabi niya sabay kuha sa bulsa ng pitaka niya.

“'Wag na. Hayaan mo na 'yun.”

“De, eto, babayaran ko.”

“'Wag na nga. Kulit.”

Natakot naman siya. Baka sumeryoso na naman. Nakakatakot pala ito kapag galit. Pero mas nakakatakot pag…mabait. Sa kanya. Nakakapanibago.

“Kuha ka, o.”

Tinuro nito ang fries at burger na nasa tray nito. Saka dalawang Chuckie.

“Bakit ang dami mong binili?” tanong niya habang pasimpleng kumukuha ng fries.

“Wala lang. Masama ba?”

“Hehe.” Patay. Baka sumeryoso na naman ito. “Hindi. Natanong ko lang.”

Wala na siyang maisip na pwede nilang pagusapan. Ang awkward naman na nakikikain na nga siya tapos wala pa siyang masabi. Hindi pa naman sila magkaibigan para magsalo sa pagkain.

“Mahilig ka pala sa chuckie?” panimula niya ulit sa usapan.

“Yes. Bata pa lang ako mahilig na ako riyan. Masarap, e,” he explained.

“Oo, masarap nga 'yan. 'Yan din ang lagi kong pinapabili sa Papa ko dati. Tapos nasa ref naming, may stock kami lagi niyan.                 Yung 1 liter? Kasi pag magrereview, 'yan ang gusto kong inumin. Hindi nakaksawa 'no?”

Nang matapos siyang magsalita ay napansin niyang nakatingin lang sa kanya si Geeo.

“Ang daldal ko ba? Hehe” Siya na mismo ang nagsabi.

Pero ngumiti ito. Ngumiti na naman siya!

Hindi niya na naman napigilan ang bibig niya sa pagdaldal. Turn-off na. Favorite niya kasi iyong Chuckie, e. Kanina pa siya nauuhaw. Nahihiya naman siyang hingin iyong isa. Pinakain na nga siya at di na pinabayaran yung bente tapos makikiinom pa. Parasite much.

“Kuha lang ako ng tubig, a?” paalam niya.

“Eto na, o. Tig-isa tayo,” sabi nito sabay abot sa kanya ng isang Chuckie. Ito pa mismo ang naglagay ng straw rito.

“Sayo 'yan, e.” Nahihya siya.

“Tig-isa nga tayo.” Ayan na naman ang seryoso niyang tono.

Di na siya nakipagtalo. Chuckie iyon. Chuckie. Favorite niya.

Nahihiya niyang inagaw ang Chuckie kay Geeo dahil baka magbago agad ang isip nito. Kaso bago niya pa makuha ay nasamid siya. Ilang tapik ang ginawa niya sa dibdib niya. Buti na lang din at naroon si Geeo. Tinapik nito ang kanyang likod at agad na pinainom. Madali nitong nilabas ang tumbler nitong may tubig.

“Inom ka.”

Inalalayan siya nito.

Maya-maya lang ay okay na siya.

“Salamat.”

“NP,” maiksi nitong sagot.

“NP?”

“No problem.”

“Man of few words ka talaga,” sabi niya sabay kain ulit at inom ng Chuckie niya.

Tumahimik ito saglit at saka nagsalita.

“Sorry dahil hinagis ko ang kabiyak ng sapatos mo. Ang annoying mo kasi, e,” dere-deretso nitong sabi sa kanya. Hindi na naman niya ito kinontra dahil alam naman niya sa sarili niya totoo iyon. Sa ingay niya ba naman. Who wouldn’t find her annoying? “May sapatos ka pa naman diba? Di mo na kailangan iyon. Hayaan mo na. Sorry din dahil naiirita ako sayo but don’t worry, I am trying to change. Dahil sa’yo. Tama nga sila. It only takes one person to change your life.”

Di naman pala ito man of few words. “Dami mong sinabi!” Binatukan niya si Geeo.

I Love ViewTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon