16 - Best Friend

6.6K 173 11
                                    

16 – Best Friend



Time flew fast. Nang malaman namin na nawala na ang tunay na Mama ni Geeo, nagpunta kami kinabukasan hanggang sa every other day kami napunta. Nakipaglibing din kami. Kumpleto kaming IV-Einstein. Naging malapit na kasi si Geeo sa mga kaklase namin. Siguro nakatulong na rin ang pangungulit ko sa kanya lagi, na matuto siyang makisama at na masaya kung maraming kaibigan.

Siya rin ang nag-eulogy noong nasa simbahan ang Mama niya. Wala naman kasi itong ibang kamag-anak. Humanga ako kay Geeo noon. Nakita ko kasi ang tapang sa kanya. Ni hindi nangilid ang luha sa mga mata niya habang buong-buo ang boses na nagsasalita, pinapasalamatan lahat ng nakiramay at ipinapahayag ang pagmamahal niya sa Mama niya.

He is still in the state of acceptance. Masakit pa rin. Mahirap. That feeling when you would never have a chance to see your mother, hug her, kiss her and tell her how much you love her.

I lost my grandparents too. Sobrang sakit. What more sa kalagayan ni Geeo?

Nagiging seryoso pa rin siya paminsan-minsan, lumalayo sa aming magkakaklase na tulad ng dati. Pero ang kaibahan, mga kaibigan niya na kami ngayon at malapit na siya sa amin.

Who would have thought na ang isang makulit na babaeng tulad ko ay magiging best friend ang isang seryoso at geek na tulad ni Geeo? I remember how he described me as an annoying girl. Kaya nga niya tinapon ang isang kabiyak ng sapatos ko. Maybe, we are the living proof that opposite attracts.

Nakakatuwa lang dahil he considered me as his best friend na pala. Hindi niya lang daw sakin sinasabi dahil hindi naman na raw kailangan. Ayun at nakatikim na naman siya sa akin ng batok!

Importante kaya yun! Ang special kaya ng ganoon, na may tumatrato sa iyo na best friend. May nagpapahalaga at nakaka-appreciate ng mga ginagawa mo. Ang sarap sa feeling.

Saka I considered him as one din naman. Di pa nga lang ako ganoon ka-sure noon dahil nga sa kabaligtaran ng aming mga ugali. Pero dahil sinabi niya na, sure na ako. Haha

"Alex, ang ganda mo!" Diane said. Bigla na lang siyang bumuluga sa harap ko.

Nakapila na kami ngayon sa may entrance ng La Salle Complex, ang venue ng aming graduation. Parang kailan lang, nasa Cavite City pa ako at nalulungkot sa pag-aaway nina Mom at Dad tapos ngayon, nakatapos na ako ng high school. Ready to face new challenges. kinakabahan dahil back to zero na naman sa college. Pero ang feeling ko at this point in time ay sobrang saya. Because I made it. I am the class Valedictorian. My parents are proud of me. Wala na akong mahihiling pa dahil buong-buo na rin ang pamilya namin.

"Sino ka?" pagkukunwari ko.

Napakunot ito ng ulo with a questioning look. "Problema mo?"

"Oh ehm G! Diane, is that you? Hindi kita nakilala!"

Nakita ko ang pagba-blush niya. She's so adorable talaga. Gusto ko lang ma-feel niya na ang ganda-ganda niya rin ngayon.

"Gaga ka. Pareho tayong maganda!" She hugged me.

Mami-miss ko talaga siya! Siya ang pinakamalapit sa akin na babae kong kaklase. Saglit lang ang ipinamalagi ko sa SAC pero ramdam ko kung paano ako tinanggap ng lahat ng nandoon lalong-lalo na ng mga kaklase ko. Nakakatuwa. Now, I feel so blue that this day has already arrived. Ganoon naman lagi. Kung kailan mahalagang-mahalaga na sa iyo ang mga tao sa paligid mo, saka darating ang araw na kailangan niyo ng magkahiwalay. Ang dami kong moments na t-in-reasure kasama sila.

"Ladies and gentlemen, we will start in five minutes."

Narinig namin mula sa speaker ang boses ni Prof Lourd, ang emcee. Sa pagkakatanda ko at sa kwento na rin ni Geeo ay Granny niya ito. Pumunta na ako sa kalikuran ng pila. Si Diane naman ay sa bandang unahan. Fifth Honorable Mention siya. Ang top 10 ng buong batch ng seniors ang kahulihang papasok mamaya. Dahil ako ang Valedictoria, ako ang last. Papasok kami kapag nasa mga seats na ang lahat ng senior students at parents nila. Nakakakaba. Noong nagpa-practice naman kami ay parang wala lang.

I Love ViewTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon