Chapter 1 Winning Her Back

76 1 0
                                    

Guys pa vote at pa-comment po tungkol sa story..tnx po

_____________________________________________

Maingay at marami ng tao sa club ng makapasok si Ethan. Club iyon na pagmamay-ari ng kaibigan niyang si George. Kahit busy ay sinisiguro nilang magbabarkada na makakapunta sila doon every weekend.

            Dumiretso siya sa third floor kung saan ang VIP room na nakareserba para sa kanilang magkakaibigan. Agad naman siyang sinalubong ni Third na isa din sa mga barkada niya.

            “Sa wakas dumating na din si Mr. Always Late. Kanina pa kaya kami ditto. Hindi na naming in-expect na dadating ka on time kaya sinimulan na naming ang party,” wika nito habang ginigiya siya sa mesa kung saan nandoon lagat ng mga kaibigan niya.

            “Bakit ano pa ba ang bago diyan kang Ethan eh palagi naman talagang late yan sa lahat ng usapan natin?” nakangiting sabi ni Takihiro habang inaabutan siya ng alak.

            “Madaling niyong sabihin yan guys kasi hindi kayo kasing busy ko,” wika niya at tumabi kang Greg na tahimik na umiinom.

            “Kung makapagsalita naman ‘to akala mo siya lang ang may hinahawakang kumpanya. Busy din kaya kami noh,” sabat ni Seth.

            Lahat silang magkakaibigan ay may kanyan-kanyang hawak na business. Si Third ay isang restaurantuer na minana pa ang chains of restaurants sa mga magulang at kasalukuyang ito ang nagma-manage sa mga iyon. Si Takihiro naman ay isang half  Japanese businessman na may hawak ng love hotel company na may branch sa boung bansa. Si Greg ay isang kilalang painter sa boung mundo na medyo may pagka-eccentric. Si Seth ay isang Civil Engineer na nagmamamay-ari ng malaking construction firm. Si George ay hindi lamang ito ang pagmamamay- aring club kundi mayroon din itong mga iba pang branch. Samantalang siya ay isang businessman na may-ari ng airline company that operates domestic and internationally kung saan minana niya din mula sa mga magulang niya.

            Bata pa lamang sila ay magkakaibigan na sila. Lumaki sila sabay sa iisang subdivision kaya naman ganoon na lang ang pagkakaibigan nila.

            “Teka, nasaan na nga pala si George? Siya itong may-ari nitong club tapos siya pa itong wala dito,” tanong ko sa kanila nang mapansin na wala pa ito.

            “Nandito siya kanina. Umalis lang saglit at may aasikasuhin pa daw siya,” kibit balikat na sagot sa kanya ni Seth.

            “Asus baka iba ang inaasikaso nun. Sigurado chicks na naman ang pinagkaka-abalahan nun ngayon,” nakangising wika ni Third.

            “Speaking of the devil,” wika ni Takihiro ng matanaw ang papalapit na si George.

            “Saan ka ba galing pare? Ano ba ang importanteng inasikaso mo na ipinagpalit mo pa sa amin?” nagbibirong tanong ko sa bagong dating.

            “Sigurado ako nag-quickie yan kasama ang chicks na kaakbay niya kaniya,” tukso ni Seth.

            Binato ito ni George ng tissue. “Ulol. Mamaya na ang main course kaya tumikim muna ako ng appetizer.”

            Nagtawanan kami sa sinabi nito. “Kahit kalian talaga itong si George napakalibog,” wika ni Third.

            “Nagsalita ang hindi malibog. Mas matindi ka pa nga sa akin eh. Biruin mo mas trip mong makipag-threesome sa dalawang supermodel na nakilala mo sa Paris,” ganting tukso ditto ni George.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 12, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Another Chance in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon