This book is a work of fiction. Any references to historical events, real people, or real locales are used fictitiously. Other names, characters, places, and incidents are products of the author’s imagination, and any resemblance to actual events or locales or persons, living or dead, is entirely coincidental.
TRUTH OR DARE
by: raffymeidan0420
Maisie’s Pov
“Masie, anong gagawin ko nito?” sigaw ni Amethyst nang nasa balcony kami malapit sa may waiting shed ng school namin sa St. Luis Academy one of the most known school in our city. Katatapos lang naming maglunch at mamaya papasok na ulit kami sa school.
“Hindi ako pwedeng pumunta mag-isa, hindi papayag sina mama at papa. Saka alam mo naman ang mga yun, kung anu-ano ang iniisip. Sumama kana sabi please?!” dagdag pa nya.
Naipikit ko ng mariin ang mga mata ko at in-adjust ang glasses ko “Amy, dalawang araw na nating pinag-usapan yan. Ayoko nga diba? sabi ko nga sayo na wag kang magpapaniwala dyan sa David Tolentino nayan. Eventually, known as a womanizer na nga sa school eh, pinatulan mo’pa.” sermon ko sa kanya.
Sumasakit ang ulo ko sa kakayaya ni Amethyst, naiinis ako sa kanya bakit ba kasi nagkagusto pa sya sa David na yun at the same time galit ako sa lalaking yun. Marami na syang sinaktan at niloko na babae sa school ewan ko nalang sa labas kung ilan pa. Mabuti nalang kung hindi nya ako dinadamay sa mga kalokohan nya pero heto nanaman at isasangkot ako sa krimen. David is one of the member of the most popular group in school, ano nga ba ang pangalan ng grupo na yun? ewan, hindi ako interesado.
“I need to go, first overnight namin ni David together at hindi ako pwedeng mawala sa birthday nya. Kaya tulungan mo naman ako Maisie oh?” ayan na naman at nag puppy eyes pa ang bruha, Kung hindi ko lang best friend to eh iniwan ko na tong mag isa dito.
“Amy, first of all hindi lang si David ang kasama mo pati rin ang mga kaibigan nya. Second, ayoko sa mga lalakeng yun kasi amoy usok ng tambutso ang mga bibig nila sa kakasigarilyo at ewan ko lang kung buhay pa ang mga atay ng mga yun.” Inis na talaga ako, ba’t ba hindi makaintindi ang babaeng ito? hmp..
“Grabeh ka naman girl, ang gagwapo nga nila eh. Saka hindi sila ganun ka bad noh, they are just being cool. Ang rami ngang naiinggit sa kin sa school kasi naging boyfriend ko and bebe David ko eh hihihi” wow sya na ang kinikilig -_-
“Oo nah, sila na ang bida. Eh mga manloloko nga lang saka mga feeling astig psh..” pabulong na sagot ko.
“Anong sabi mo?”
“Wala, tara na’t mahuhuli na tayo sa klase.” Tumayo na’ko
“I heard that! Maisie, wait up!” at naglakad na kami papasok ng school.
Finally we arrived in the classroom. Hindi pa naman nagsisimula ang klase, saka mukhang hindi na naman papasok yung subject teacher namin, parating wala yun eh kaya nagiging jungle ‘tong classroom pag walang teacher.
Iba’t iba ang mga personality inside the classroom may mga singers, hilig matulog, mga naglalaro, nagkukwentuhan at syempre hindi mawawala ang mga chismosa.
I have my circle of friends, apat nga lang kami and we are now in our senior year magkaklase kami mula first year. Si Amythest Rose Rodriguez, the one that I’m talking with earlier. Sa kanila ako nakatira, now I would formally Introduce myself to you. Hi, I’m Maisie Elise Santiago 16 years old, 5”3 ang height ko maputi ang balat at bilog ang mga mata kaso naka glasses ako, Malabo na ang mga mata ko mula pagkabata pa, I have a long black hair na abot hanggang beywang and I’m living with my best friend with her family. Since she’s the only child of Mr. and Mrs. Rodriguez and close friend ng mommy ko ang mommy ni Amy so I decided to stay here in the Philippines because my family is in Singapore. Apparently, ang daddy ko lang at ang bunso namin ang nandun. We own a company there kaya most of the time my dad would stay there, Ayaw ni mommy doon kaya daddy planned to transfer our business here pero hindi nga natuloy. Nag migrate sila five years after my mom died, my dad wants to forget all the memories that they had in here. It was hard for him but actually it was hard for all of us, I’ve been in trauma for 2 months when I was eight nakita ko kasi kung paano namatay si mommy sa aksidente. Nabaril sya sa mga di kilalang lalaki at ang nakakalungkot pa ay hindi pa nabibigyan ng hustisya ang pagkamatay nya, hindi pa nakikilala ang taong pumatay sa kanya.

BINABASA MO ANG
Truth or Dare
Подростковая литератураNang dahil sa laro magsisimula ang gulo pero maaari kayang may iba pang kahahantungan ito para sa dalawang taong magkaiba ang mundo?