Jen’s Pov
Ugh! ansakit na nang ulo ko sa ‘statement of the problem’ part nato kaka umpisa pa ng klase IP na kaagad. Haaay salamat at malapit na ring mag uwian, para naman makapag pahinga na nako’t maka higa na sa malambot kong kama.
“Hey guys, magtulungan tayong e arrange ang chairs and pick up the pieces of paper para sabay-sabay na tayong umuwi” at nag sweet smile si Trisha, Trisha Mae Lacson ang president ng classroom namin. She’s the girl that any guy would dream of, beautiful, kind and smart also top 1 din sya sa classroom.
“Jam, Amy uwi na tayo. Si Maisie?” Tanong ko sa dalawang kanina pa sa pintuan at parang may hinihintay.
“aaaaah hehehe may 10mins pa naman diba? hintayin muna natin si Maisie.” sagot ni Amy na parang nag aalala.
“Nasan ba kasi si Maisie? Nag CR ba? ba’t di nyo sinamahan?” tanong ko.
“Hindi, kasi… kasi hinanap pa nya si pink panther hehe” Litong sabi ni Jam.
“tumahimik ka nga?!” bulong ni Amy kay Jam.
“Hoy, anong binubulong nyo jan?”
“Eh.. kasi Jen naglaro kasi kaming tatlo ng truth or dare kanina tas utos ko kay Maisie na dalhan kami ng pusa hehe…”
“Ano? Sa dinami daming pwedeng dalhin eh pusa pa?!. Wala talaga kayong magawa na dalawa!” pagalit kong sumbat sa kanila, nag pout lang yung dalawa. “haaay hanapin nalang natin, nasa loob lang ng school yun”
Nang naglakad na kami pababa, nabundol si Jam ng isang lalaki.
“Aaaaaraaaaay!”
“Watch where you’re going b*tch!” sabi nung lalaki. Teka, si Kian yun aah? ba’t parang nagmamadali sya? parang may sinisilip sya sa loob ng classroom namin?
“Jen! huhuhuhu binundol nya ako!” T_T mangiyak-ngiyak na sabi ni Jam.
“Swerte mo girl! at si Kian pa ang nakabundol sayo wooohooo!” masayang sabi ni Amy.
“magtigil ka nga Amy, nasaktan na nga ang tao oh.” hinawakan ko si Jam “sa’n ba masakit Jam?”
“Kiss mo nalang ako dito sa braso hehehe” at nakangisi na ang retarded (-_-) ang hirap pag ikaw lang ang normal sa mga kasama mo. Mabuti nga kung nandito si Maisie at may kakampi ako. Ay Oo, hahanapin pa pala namin yun!
“Tara na’t hanapin si Maisie”
“Si Maisie oh!” Sigaw ni Jam.
“Maisie!” tumakbo si Amy sa papalapit na si Maisie.
Hinawakan siya ni Amy at Jam, para syang gumulong mula first floor hanggang ground floor? at may pasa pa sya sa mukha. “Oh, anong nangyari sayo? ba’t ka nagka pasa at ang dumi pa ng uniform mo?”
“Maisie are you okay?” Tanong ni Amy.
“I am, napag tripan lang ako ng isang estudyante dito at nahulog ako sa puno trying to get that stupid cat psh..” sagot ni Maisie.
“Kaya mo bang maglakad hanggang gate? Halika’t tulungan kana namin.” Nag taxi nalang kami pauwi since masakit daw ang katawan ni Maisie.
Maisie’s Pov
“You look very pretty my princess, you want some juice Elise?” sabi ni mommy at kumuha ng isang baso ng orange juice. Nasa park kami and we’re having a picnic, karga ni daddy si Miko sa may lake at naglalaro sila habang nakaupo naman kami ni mama sa blanket.
BINABASA MO ANG
Truth or Dare
Teen FictionNang dahil sa laro magsisimula ang gulo pero maaari kayang may iba pang kahahantungan ito para sa dalawang taong magkaiba ang mundo?