TWENTY FIVE
by ilovedaydreaming
Quarter-life crisis.
We experience this by the age of 25.
Ang edad kung kelan dapat napakarami na sana nating na-achieve para sa sarili natin.
When I was younger, I dreamt so much for myself. Graduating with flying colors during my elementary and high school years, I thought na ay madali na lang 'tong college. Yakang-yaka ko na 'to. Saglit lang 'to and then I'll be over and done with school. And finally makakapag-work na rin ako and I'll be able to create my own life without support from my parents.
Ang dami kong pinangarap nung bata pa lang ako. Dati inisip ko, by the age of 20 or 21 naka-graduate na dapat ako ng college bilang hindi naman ako inabutan ng K-12 curriculum. Dapat after graduation my work na kaagad ako where I will really excel and mapapakita ko 'yung galing ko and bibilib ang lahat sa akin. And syempre, along the process, makikilala ko na rin dapat si The One bilang hindi naman ako nag-boyfriend 'nung estudyante pa lang ako kasi nga studies first. No boyfriends allowed ang motto ko dati. Sabi ko sa sarili ko, may time naman para diyan 'pag naka-graduate na ako ng college. Tapos inisip ko rin dati, by the age of 25, dapat manager or at least supervisor na ako. And by that time, ready na rin ako bumuo ng sarili kong pamilya kasi may naipundar na rin naman ako and physically, mentally, spiritually, emotionally and financially-stable na ako.
And dami kong pinangarap.
But life didn't go the way I planned.
Hindi naging mabait sa akin ang buhay. And looking back sa lahat ng mga pinangarap ko when I was younger, feeling ko ni isa walang natupad sa kahit ano dun.
Sobrang yabang ko pa dati. Taas ng confidence ko sa sarili ko. I used to think na kaya kong mag-excel sa lahat ng bagay na ginagawa ko. I used to think na madali lang maging successful sa buhay. I used to think na magaling ako.
Pero hindi pala.
Hindi pala ako ganung kagaling. Hindi pala ako ganung katalino. Marami pa palang mas higit sa akin.
When I was younger, I couldn't wait to grow up. But now that I reached the age of 25, I just wish to turn back to the time when I was still young.
I realized I was so busy growing up while proving myself that I'm great at everything I do, but I didn't really enjoy my youth. Ang dami ko sanang na-gain na masasayang memories nung kabataan ko pero pinalampas ko lang lahat ng 'yun kasi feeling ko dati distractions 'yun sa pag-achieve ng mga goals ko.
But now, I regret everything. In the end, hindi ko pa rin naman na-achieve ang mga goals ko sa buhay, eh. Hindi ko pa rin naman na-prove sa sarili ko at sa ibang tao na magaling ako. In the end, I still failed. And the sad thing about that is I gave up so much in achieving my dreams but in the end, wala rin naman pala akong mapapala.
Sana pala nag-enjoy na lang ako nung kabataan ko. Sana pala I made more friends before. Sana pala hindi ko lang sa pag-aaral itinutok ang atensyon ko.
Sana pala I learned how to still have a life while studying so hard.
Sana binigyan ko ang sarili ko ng chance na makilala ka pa.
Sana hindi kita pinalayo...
By the age of 25, ang dami kong naging realizations sa sarili ko. Ang dami kong pinagsisisihan. But I guess, despite all the not-so-good things na nangyayari sa buhay ko ngayon, there's still something that I need to be thankful for.
Kasi, by the age of 25, I met you. Again.
YOU ARE READING
TWENTY FIVE
ChickLitWhen I was younger, I couldn't wait to grow up. But now that I reached the age of 25, I just wish to turn back to the time when I was still young... when you are still there... when I still had the chance to accept your love. By the age of 25, I met...