Chapter Seven: Bag & Baguio

86 1 4
                                    

      "Hay nako! Ansarap naman dito. Napakalamig, compare mo sa other places sa Manila." ang pamumuri ni Anthony sa Baguio noong unang pagbaba namin doon.

Grabe! Hindi kami makalakad lahat nang maayos. Ansakit kaya sa binti nang umupo nang ilang oras noh? Hindi ko nga rin alam kung kakasya ang baon ko eh. Malapit kasi kami sa may Mall. Eh alam mo naman ang mga babae, tulad ko... Madaming gustong bilhin!

"Anthony! Tara, sama tayo dun kena Bryan? Mag pupunta na sila sa kwarto nila, pili na tayo nang matutulugan." ang pag-anyaya ni Luc kay Anthony. Sinang-ayunan naman sya agad ni Anthony, nagpaalam sa amin yung dalawa na mauuna na sila sa amin. Yung ibang mga babae kong classmates, sumama naman sa amin. Ipanagpaalam nalang kami ni Anthony kay teacher na pupunta muna kami sa mall. Siguro mga thirty steps, nadun na kami.

Pinayagan kami ni teacher, samakatuwid, sumama pa nga sya sa amin eh. Hinabol nya kami matapos ibigay yung susi sa mga boys.

"Ingat kayo Lyra! Lalo na ikaw Mich!" ang pahabol na sigaw sa amin ni Anthony, nginitian ako nung mga kaklase kong babae. Napangiti na din ako. Ansarap pakinggan. Pakiramdam ko lumutang na naman ako.

"Mich! Ingat ka! Kahit ikaw lang. Uso daw ang kidnap-an nang mga kulot dito eh!" ang pang-aasar naman ni Lucas. Nakakainis talaga sya, ang epal epal lang. Sana hindi nalang sya kasama eh. Panira lang nang moment. Kung anong ikinagwapo nang pagmumukha nya, ganun naman din ang katumbas nang pagiging mayabang nya. Lumingon si Lyra. Pero hindi na nya naabutan si Lucas. Baka nakapasok na sa bahay.

"Ui, Mich. Parang type ka ni Luc ah?" ang pabirong sabi sa akin ni teacher. "Ay, nako 'cher! Mas gugustuhin ko pa pong maging single kesa ganyan!" ang pambabara ko kay teacher. Hello?!! Si Luc? May gusto sa akin? Eh ampanget ko nga daw eh sabi nya. Adik din 'tong si teacher eh.

"Mich. Yung mga maleta natin!" ang pabiglang sabi sa akin ni Lyra, piniit nya ako sa paglakad. Nakita kasi namin na yung bus na sinakyan namin eh umalis na. "Hala! Patay! Excited kasi tayo masyado eh. Yung mga gamit natin! OhMyGaaaaaash!!!" nabigla talaga ako, hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Natulala kaming parehas dun sa bus. Nakakahiya naman magtatakbo kami para habulin yun. Bawas sa appeal namin noh? Hahaha!

Tumunog ang phone ni Lyra. Sinagot nya agad. Habang ako, tinitignan ko yung bus, napakalayo na. Hindi na kayang habulin, nanlumo ako. Panu na yan! Ni-loudspeaker ni Lyra ang phone nya, lagi naman eh. Walang privacy noh? Patawa talaga yang si bes eh. 

BOY : HELLO ! LYRA ? NASAN KAYO ? ANO DITO ANG BAG NI MICH ? PINK OR VIOLET ? 

LYRA : HAY NAKO !!! SALAMAT NAMAN , NAHUHA NYO PALA . AKIN YUNG VIOLET .

BOY : HINDI NAMAN SAYO YUNG TINATANONG KO EH ! IKAW TALAGA !

LYRA : EH OBVIOUS NAMAN KASI DIBA NA KANYA YUNG PINK ? DALAWA LANG NAMAN PAGPIPILIAN EH .

BOY : WAG KANG SUMIGAW . MALI KA TALAGA NANG SAGOT . PASALAMAT KA DINAMAY KO PA YUNG SAYO . BYE !

                 --- toot --- toot --- toot ---

Natatawa talaga ako. Lagi nalang kasing mainit ang dugo ni Lyra kay...

"Bwiset talaga yang si Lucas! Ang bitter sa akin. Kelan kaya magiging mabait sa akin yun?" ang bigla nyang pagrereklamo sa akin, sabukot talaga ang mukha nya, halatang inis na inis kay Lucas.

"Yaan mo na, ambait nga eh. Kinuha nya pati ang bag mo, mag thank you ka dapat sa kanya Lyra." ang pambabawi ko sa mga sinabi nya ukol kay Luc.

"Ewan! Asar lang. Tara na nga! Naiwan na tayo ni teacher!" ang inis na inis nyang pagsagot. Ngayon ko lang sya nakitang ganun. Affected na affected sya, eh ganun naman talaga makapgsalita yung Lucas na yun.

Napakayabang naman kasi talaga nun, kala mo kung sinong gwapo at matalino. Siguro napikon lang talaga bestfriend ko sa ginawa nung lalakeng yun. Bahala na. Lilipas din naman yun.

Nagmadali na ako sa paglakad, kasi napansin ko, ambilis na din maglakad ni Lyra, naabutan nya agad sina teacher. 

Pero buti nalang talaga, pinagmalasakitan niya yung maleta namin. Sa buong buhay ko, dalawa pa lang ata ang nagagawa nyang mabuti sa akin. Una, yung sa freedom wall tapos pangalawa yung sa maleta namin ni Lyra.

Sa pagmamadali ko nang lakad, naabutan ko na din sila. Buti naman. 

Nag beep ang phone ko. May nagtext! ~

                                          WOAH! Si Anthony! Binuksan ko agad. -

                             Huy! Mich. Kinuha ko yung bag mo. Diba iyo yung pink? Inaagaw pa nga sa akin ni Luc eh. Hahaha! :D Anong problema nito? Snatcher lang ang peg. :3 Wag mo akong isusumbong ha? Ingat kayo. :)

Adik talaga si Luc. Pero atleast napangiti nila akong dalawa ha? Puro sila kalokohan. Minsan para silang mga bata. Ang kulit kulit nila eh. Nakakatuwa! Nagtext pa talaga sya sa akin. Hihihi. Kire ko ba? Pasensya na kayo ha? Di ko lang mapiit eh. Sige! 

Ayan! Nadito na pala kami sa Mall eh... Paano ba yan mga 'bigan! Mag mall muna kami ha? Nadito na kami eh. Malaki rin pala ito...

He Caught MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon