PROLOGUE

10.1K 85 7
                                    

𝗖𝗮𝘁𝗲𝗴𝗼𝗿𝘆: Romance, Fiction, Comedy
𝗟𝗮𝗻𝗴𝘂𝗮𝗴𝗲: Tagalog, English
𝗗𝗶𝘀𝗰𝗹𝗮𝗶𝗺𝗲𝗿: Names, characters, business, events and incidents are the products of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.







"Walang nagsusucceed sa 2nd chance."

"What's wrong? May pinagdadaanan ka ba Leona Margarette?" tanong ng bestfriend kong si Gabriella while we are on our way to the café

"First of all, bakit magaganap ang break up kung walang mali sa relationship niyo hindi ba?" laban kong isinagot kay Gabriella na para bang may pinaglalaban

"Madami namang reasons and also there are valid reasons why couples break up. Ano ba kasing pinaglalaban mo?" saad naman ni Arthea, ang isa ko pang bestfriend

"Magkaaway kayo ni Rigs 'no?" tanong ni Gabriella habang inabot ang credit card niya kay Arthea na nag oorder ng coffee sabay senyas ng my treat

"No, we're good." lamig na sagot ko

Narealize ko na bakit nga ba parang galit ako samantalang okay na okay kami ng boyfriend kong si Riguel. "Okay nga ba?" biglang pasok ng tanong ng yan sa utak ko.

"Hello Love, I am still at work. Overtime.. See you later mahal ko, I will pick you up there." sagot ng boyfriend kong si Rigs na kakatawag ko pa lang at hindi pa ako nakakapag salita pero binaba na agad ang telepono

"Hays," buntong hininga ko pag baba ko ng phone ko sa mesa at tumunganga

"Approved ang thesis natin and okay na lahat, waiting na lang sa graduation pictorial. Ano pang problema mo at nag bubuntong hininga ka dyan?" tanong ni Arthea sabay lapag ng coffee at match cheesecake sa harapan ko

"Eto na naman siya sa susunduin ako pero in the end ako lang mag isa ang uuwi.." buntong hininga ko uli sabay subo ng cheesecake sa bibig ko

"Wag ka na kasi masyadong mag expect, alam mo namang magkaiba na kayo ng mundo ni Riguel." saad ni Gabriella habang umiinom ng kape niya

"Oo nga, siya may work na at ikaw g-graduate na. Less expectations ay very good 'no! Huwag ka nang malungkot dyan, nandito naman kami!" saad naman ni Arthea

"5 months na kaming ganito ang set up, naiintindihan ko lahat pero syempre wala na siyang time para sa akin.." puro buntong hininga na lang ang maririnig sa bibig ko dahil nalulungkot talaga ako

"Hey love, happy monthsary!" abot sa akin ng flowers sabay upo sa tabi ko

"A-akala ko ba mag ooverti-" gulat kong sabi ngunit pinutol niya ako sabay kiniss ako sa aking noo

"I heard all your rants to your friends mahal ko, I am sorry if you felt that way," yakap niya sa akin

"Surprise b! Ang plan mo talaga di 'ba uuwi ka ng maaga kasi mag papahinga ka pero pinilit ka namin na pumunta dito kasi cinonvince kami nito ni Riguel," sabay tawa ng mga bestfriend ko

"Thank you Gab and Thea. Hindi talaga ako overtime love, pang surprise lang" tawa ni Rigs

𝔠𝔬𝔫𝔱𝔦𝔫𝔲𝔞𝔱𝔦𝔬𝔫..

A Second Chance LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon