Gloria Po'v,
Sabi nila masarap daw mag mahal pero bakit ako? gusto ko namang maka experience ng ganon pero bakit may pumipigil sakin na maranasan yun.
Marami namang ng liligaw sakin, pero kahit isa sa kanila wala akung nagugustuhan,bakit feeling ko may kulang? kompleto naman ang pamilya ko, bakit may hinahanap yung puso ko na kahit ako mismo hindi ko mahanap?
ganon naba talaga ako ka mapili ng lalaki? ilang lalaki na ata ang pinaasa ko.
"gloria!"nabalik ako sa wisyo ng tawagin ako ni carmen ang bestfriend ko.
"Oh!"sagot ko dito.
"Aba tulala ka nanaman"sabi nito at nag crossarm.
"Hindi naman"sagot ko dito.
"Ano nanaman ba ang iniisip mo?"tanong nito.
"Wala"maikling sagot ko.
"Si gino nanaman? o si jake,luke,hiro?"pagsasaad niya sa mga lalaking pinaasa ko.
"nakokonsensya lang ako,ang rami ko ng pinaasa"aniya ko,sabay buntong hininga.
"Ay dapat lang! ang raming nagkaka gusto sa mga lalaking yun tapos pinapaasa mo lang"panunumbat nito.
"haist iwan ko ba bakit hindi ko sila magustohan"aniya ko.
"Wow!haba ng hair best!"aniya nito at pumalakpak pa, sira talaga.
"Iwan ko sayo"aniya ko. sabay tayo.
"mabuti pa umuwi na tayo"aniya nito,tumango lang ako.
naglakad kami papunta sa sakayan ng jeep at walang sino samin ang umiimik,dala narin siguro sa pagod dahil kanina pa kami naghahanap ng trabaho pero wala parin kaming mahanap at kasabay pa nito ang antok.
"Okay ka lang ba?"tanong nito.
"Oo,inaantok lang ako"sagot ko.
Tumango lang ito, mga ilang oras pa kaming naghintay at sa wakas dumating narin ang jeep,sumakay na kami at ilang minuto ay naka rating narin kami sa condo na tinutuluyan namin ngayon.
Pagdating namin sa kwarto ay humiga ako kaagad sa kama sabay pikit, masiyadong nakaka pagod ang araw nato at bukas bagong araw nanaman para mag hanap ulit ng trabaho.
Napapikit ako."Hindi kaba kakain gloria?"tanong ni carmen,umiling lang ako.
Hindi na siya sumagot dahil alam niyang hindi ako nag papapilit,hanggang sa naka tulog na nga ako.
"Gloria"nagising ako dahil sa pag uga2× sakin ni carmen.
"Hmmmm"aniya ko,at pinulopot ang kumot sa aking katawan,pilit niya naman itong tinatanggal.
"gloria gising na maghahanap pa tayo ng trabaho"Napabakod ako dahil sa sinabi ni carmen,muntik ko ng makalimutan maghahanap pa pala kami ng trabaho.
"Halika na galaw2× na! malayo pa ang lalakbayin natin"sabi nito at hinila ako patayo.
"Hahaha Oo na"sabi ko,sabay lakad papuntang cr,pero bago ako pumasok tinignan ko muna siya head to foot, aba naka ligo na kanina pa pala ito gising.
"Bakit?"nakangising tanong nito.
"Kanina ka pala gising ha"aniya ko.
"Hahaha para makapag handa"sagot nito,natawa ako sa reaction niya para siyang naiilang.
"lagot ka sakin mamaya"aniya ko at kinindatan siya sabay pasok sa cr.
Kapag si carmen maagang-maaga gumigising may mga bagay siya na pinaghahandaan at hindi sinasabi sakin.
YOU ARE READING
Summer Paradise
RomanceLahat ng bagay nagbabago at Araw-araw ay bagong panibago kaya kung ako man ay mawala sayo tandaan mo ang pagibig kuy hindi magbabago.