CHAPTER 1

6 3 0
                                    


"Cinty, gising.  Hoy Cinty" naalimpungatan ni Hyacinth may umaalog sa balikat niya kaya napamulat ito. 

"Wala na si sir, uwian na.  Ikaw nalang mag-isa dito oh" wika ng isang magandang babae.

Bigla siyang napatingin sa wristwatch niya.

"Hala 30 minutes na pala akong mag-isa dito.  Salamat sa paggising Rics" wika nito habang nag-uunat.

"Ano ka ba walang problema yun,  nadaanan lang kita nang may isasauli sana akong libro sa library. Tara na sabay na tayo sa gate"

Tumango lang siya at sabay silang lumabas sa gate ng paaralan.  Nagpaalam na si Rica sakanya at hiwalay ang tinahak nilang daan.

"Kulang sa budget kaya maghanda ka ngayon sapatos at pupudpudrin kita" wika nito sa sapatos na tila ba naiintindihan nito ang sinasabi. 

Nagsimula na itong maglakad pauwi. Tahimik itong naglalakad sa gilid ng kalsada.  Kitang-kita niya ang nagsasayawang puno hatid ng isang malamig na hangin.  Sa kabilang kalsada naman ay makikita ang dilaw na sikat ng araw na papalubog.

"Haaay,  malapit na Mag December. Bakasyon here I come! " kausap nito sa sarili. Ngiting-ngiti itong nagpapantasya sa inaasam na bakasyon nang may maalala. 

"Shit!  Natulugan ko pala ang last subject ko.  Gg na naman pag nag quiz" wika nito saka kinalkal ang bag at hinugot ang isang makapal na libro. Balak nitong mag-aral habang naglalakad pauwi.

Sinimulan  niya itong buklatin at malakas ang boses na nag-aral habang naglalakad.  Napansin niya sa kanyang unahan na may naglalakad ding isang batang babe habang inaakbayan ng isang matangkad na lalaki. Ang sweet ng kuya sa kanyang kapatid.

Miss ko na si kuya.  Wika nito sa isip nang makaramdam ng lungkot.  Iniwas nito ang tingin sa magkapatid at nagpatuloy sa pag-aaral. Mas nilakasan pa nito ang boses. 

"People with Depression may experience lack of interest and pleasure--"

"Kuya wag po"

Natigilan ito sa narinig. Kita niya sa unahan niya yung isang batang babaeng inaakbayan ng isang lalaki na inakala niyang magkapatid. Nakita niyang parang nagpupumiglas ang bata. Bumilis ang tibok ng puso niya.

"Shit! Rapist ba to? "

Binilisan nito ang paglalakad hanggang na sa likuran na siya ng mga ito. 

"Sige na bata,  babayaran na lang kita kapag--"

That's it!

Di na nito natuloy ang sasabihin nang hampasin niya ito ng isang dangkal niyang libro. 

"Aray!  Ano bang--" bago pa man makalingon ang lalake ay buong lakas niyang hinambalos dito ang bag niyang may laman na makakapal na libro. 

"Takbo na bata! "

Sigaw niya sa batang nanlalaki ang mata sa gulat. Nang makarekober sa gulat ay tumakbo na ang bata.

"Mommy! " sigaw nito habang tumatakbo. 

"At ikaw--eh? " Di na niya natuloy ang sasabihin nang pagkalingon niya ay nakahandusay na ang lalake sa kalye.

"Nahimatay?" 

Tinitigan niya ang lalaking nakadapa sa kalye. 

Magulong buhok,  maruming puting t-shirt,  punit-punit na puting pantalon.  Miski ang balat nito ay marumi.

" Tsk tsk another victim of drugs na naman ba to? " iling-iling nitong wika.
"Anong gagawin ko sayo ngayon? " tanong niya dito na para bang sasagot ito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 13, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Dear Mr. StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon