Kabanata 9

1.5K 82 40
                                    

Kabanata 9

Following

Pagkababa ko ng sasakyan pumunta agad ako sa bahay ni Jack. Nandito ako ngayon sa Werewolves Village gusto ko lang bumisita dahil nagiging abala na rin ako nitong mga nakaraan kaya naisip kong magpunta muna dito. Pero hindi pa man ako nakakalapit sa bahay nila ng sinalubong na agad ako ng kaibigan ni Jack.

"Nandito si Belle!" bungad sa'kin ni Bruce.

"Kamusta? Jingle Bells!" si Marcus at nakipag apir pa sa'kin habang natatawa.

"We're glad, you visited us." Aries smiled.

Natawa naman ako sa kanila.

"I'm here for Jack, Is he here?" I asked them.

Nagkanchawan naman agad sila sa sinabi ko.

"Hoy, ano 'yan? Ang iingay niyo abot sa bahay namin." narinig kong boses ni Jack sa likudan nila Marcus ni kakalabas lang yata sa bahay nila.

Nag bigay naman agad ng daan yung tatlo bago lumapit sa may tabi ko si Jack.

"She said, she's here for you." pang aasar ni Marcus with feelings pa niyang sinabi kaya hindi ko na maiwasang matawa sa reaction niya.

Nang asar naman sila samin kaya napailing nalang ako sa trip nila. Napabaling na sa'kin si Jack, hinihintay akong mag salita.

"I was bored that's why." dahilan ko.

"Dapat na ba akong tumawag?" nang aasar na sinabi ni Bruce.

"Omg! Yes, of course." natatawa namang sinagot ni Marcus habang ginawang cellphone ang kamay niya na parang may katawagan sabay hampas kay Aries.

"Maybe I should call again." gatong pa ni Marcus na nag boses babae na ngayon.

Nag tataka naman ako sa mga sinasabi nila.

"What's wrong with you guys?" nag tataka kong sinabi at natawa na din. "Pinagti-tripan niyo ba ako? Anong meron?"

"Maybe I should text my girlbestfriend to hang out somewhere!" natatawang sinabi ni Marcus habang ginawa din cellphone ang kamay sabay tingin kay Jack.

Tumawa nalang silang tatlo.

Nag tataka ko naman silang tiningnan.

What's wrong with them? Why were they making fun of him or is it me?

Napabaling naman agad ako kay Jack at naghahanap ng sagot.

"Tumahimik na nga kayo, ang gugulo niyo mga gago!" natatawang sinabi ni Jack pero bakas na ang pamumula ng mukha.

"Let's just go." Jack said at iniwan na namin yung tatlo na patuloy pa rin sa pang aasar habang dinig na dinig pa din ang kwentuhan nila kahit nasa malayo.

...

Pamilyar talaga ang boses ni Connor tsaka yung mata niya pinipilit kong alalahanin kung saan pero wala talaga akong maalala.

Nakakainis naman.

"Oh? Bat' ganyan ang itsura mo?" aniya habang may inaayos sa motor niya.

Nandito kami sa mini talyer ng kapit bahay nila na siya na mismo ang nagprisinta na siya nalang ang mag ayos sa motor niya. I was wearing a short and plain brown oversize shirt.

"Wala, may iniisip lang."

Nakailang gabi na balik na rin kami ni Lucy sa club kung saan ko siya unang nakita pero wala naman pala siya doon.

Nag effort pa ako! Mag so-sorry na nga ako tapos siya naman itong MIA! Missing in action.

"What's on your mind?" baling niya sa'kin habang may inaayos siya sa makina ng motor.

The Boy Whom I Love is a Vampire (Immortal Ancient Series #1)Where stories live. Discover now