Chapter 1

50 3 0
                                    

Bernadette's POV

Hi ako to si Bernadette. Ahm..  I'm a 4th year high school student of Shine University. Actually, hindi dapat ako dito mag aaral kaso nalaman ko kasing dito nag aaral si Onew yung long time crush ko. Wah! Kinikilig ako. So, nagpumilit ako sa parents ko na dito mag enroll.

First day of school namin ngayon at nandito ako sa hallway namin nakatayo at hinihintay ang pagdaan ni crush. Wii! Excited na akong makita siya.

After some time naramdaman ko nalang ang malakas na pag pintig ng aking puso at panlalamig ng aking mga kamay.

Humaygulay nandito na siya! Eeeekk! Papalapit na siya sa direksyon ko. Oh freak! I don' know what to do.

Nakalagay yung kanang kamay niya sa bulsa tapos may slingbag siya sa kaliwa. Shit! Ang gwapo niya.

Nung super lapit na talaga niya sakin inayos ko ng konti yung buhok ko tapos nagstand straight.

"G-go-good morning On-ne-w."  Shet! Hindi ko maayos yung salita ko. Wah! Nakakastarstruck kasi ang kagwapuhan niya.

Tumingin siya sakin. Pak! Malalaglag na puso ko. Sana saluhin niya. Eeekk! Kinikilig ako. Tapos nagdire-diretso lang siya ng lakad.

Say what? Wala man lang bang good morning din? Ek! Ayos lang atleast tumingin siya sa kin. Feeling ko ang ganda ko.

"Good luck sa first day Onew!" Kahit medyo malayo na siya sumigaw pa rin ako with matching wave pa ng kamay ko. Alam kong hindi siya bingi kaya for sure narinig niya yung sinabi ko.

Haaaay... Why so gwapo kasi Onew?

"Hoy. Nakita mo na siya?" Tinapik niya ako sa balikat tapos umupo siya sa harap ko.

I think she's pertaining to Onew my baby.

"Oo bes. Ang gwapo niya talaga. Wah! Nakakalungkot lang kasi hindi kami magkaklase." Nagpout ako tapos pinatong ko yung fez ko sa kamay ko.

Bigla niya akong binatukan.  "Abay natural lang iha. Bakit matalino ka ba para maging classmate niya? Bobo mo talaga." Aray ko naman sa pagka prangka nito.

"Salamat sa insulto, matalik kong kaibigan." Inirapan ko siya. Pakshet to. Porke nasa 5th section ako at nasa 1st section si Onew bobo na agad ako? May 6th section pa yung pang last.

"Tara na. Lunch na tayo. Kanina pa nagwawala yung dragon ko."

Nung saktong pagtayo niya shet parang nagliwanag yung mundo ko.

Si Onew kumakain mag isa sa table na nakaharap samin.

"Bes halika na."

Kahit sa pagkain napakagwapo niya tingnan. Wah! Sana ako nalang yung burger.

"Hoy babae. Nagugutom na ako!"

"Mauna ka na. Busog na ako." Oo busog na ako sa nakikita ko ngayon. Wah.. Ang sexy niya kumain ng burger.

"Anong busog?" Hinarang niya yung mukha niya sa mukha ko tapos tumingin siya sa tinitingnan ko.

Binatukan na naman niya ako. "Aray ko naman!"

"Alam mo? Baliw ka na. Halika na gutom lang yan e." Tapos hinila niya yung kamay ko patayo.

Naman e. Istorbo naman 'tong si Shenna.

"Teka lang bes hindi mo ba nakikita yun? Ang sexy niya kumain tipong kung sino man makakita sa kanyang kumain nun mapapabili ng wala sa oras. Tipong swak na swak na siya bilang commercial model." Hayy Onew mahal na ata kita.

Bigla nalang akong hinila ni Shenna ng bongga kaya napatayo na din ako at sumunod kung saan man niya ako dinala. Ang huling sulyap ko kay Onew bago siya mawala sa paningin ko ay may lumapit sa kanyang lalaki at sinabayan siya sa pagkain. Hindi ko kilala yung lalaki.

"Hoy babae bakit ba nandito tayo? Pwede naman tayo dun sa canteen ah. Ang boring dito sa garden te puro pa insekto."

Oo out of the blue dito kami kumain halos wala pang tao buti nalang maganda ang view.

"Basta kumain ka nalang."

Weird nitong babaeng to kaya hinayaan ko nalang at kinain yung binigay niyang baon sakin.

Habang kumakain kami hindi siya mapakali sa kinauupuan niya at panay ang tingin sa paligid tapos may weird expression yung mukha niya. Ano bang nangyayari sa babaeng to?

"Tara na bes alis na tayo dito." Mabilisan niyang niligpit yung mga baunan namin at nilagay sa bag niya.

"Teka hindi pa ko tapos kumain." Hindi siya nakikinig sakin tapos tumayo na siya kaya no choice ako kundi magligpit na din at sundan siya.

"Ano bang meron at nagkakaganyan ka bes?" Nilunok ko muna yung tubig na ininom ko bago ako tumingin sa kanya at naghintay ng sagot.

"Basta maya ko nalang explain sayo. Bye!" Tumakbo na siya papasok sa classroom nila at ako? Nga nga clueless sa inaasta ng kaibigan ko.

Hindi ko siya classmate kaya sa ibang room siya and take note magkaklase sila ni mahal kong Onew. Sad ako bakit kasi hindi ako biniyayaan ng katalinuhan para classmate ko sila.

Nabobother talaga ako sa actions ni Shenna kanina kaya kahit maggagabi na pumunta pa rin ako sa bahay nila. Few blocks away lang naman kaya okay lang kahit magsleep over pa ko sa kanila.

"Talk." Pinatay ko ang tv at umupo sa harap niya ng seryoso.

"May stalker ako bes." Napakagat labi siya tapos hindi makatingin sakin.

Nanlaki ang mata ko tipong maluluwa na yung eyeballs ko at napahagalpak ng tawa.

"Bwahahaha! Ganda mo bes ha. Ano naman kung may stalker ka ayaw mo nun may instant body guard ka. Hahaha!" Tawa lang ako ng tawa sa kanya hanggang sa sumakit na ang tyan ko.

Binatukan niya ko. "Tange! Ikaw kaya sundan hanggang cr hindi ka matatakot? Feeling ko nga konti nalang re-rapin niya ko e."

Aray medyo masakit ang pagbatok niya sakin ha. Medyo sadista talaga to.

"Sus bakit chaka ba?"

"Hindi naman natatakot lang ako kasi ang creepy sinusundan niya ko lagi."

"Hindi naman pala patusin mo na."

PAK! Binatukan na naman po niya ako. Sa lakas ng batok niya parang napahiwalay ang kaluluwa ko sa katawan ko. Pambihira naman oh.

"Ano ba napakawalang kwenta mong besprend. Umuwi ka na nga!"

"I love you too bes. Ito naman jinojoke lang naman kita."

Hindi ko akalain na first day of school palang may stalker na agad ang babaeng to. Aba! Ang ganda hahaha.

Napagdesisyunan naming manood nalang ng movie kesa pag usapan ang creepy stalker daw niya kasi wala naman siyang mapapalang matinong sagot ko.

Kinabukasan nagmamadali akong pumasok sa school at pumunta ng guidance office para ipasa yung mga requirements na hindi ko pa nabibigay.

Palabas na ako ng office at nagmamadali na din ako kasi malelate na ako sa klase ko. Pagbukas ko ng pinto ay saktong may bumukas din sa kabilang side.

"Aray!"

Narinig kong may nabunggo or lets say nauntog nalang at mukhang napalakas ata ang pagtulak ko kaya may umaray na boses lalaki.

Nung makita ko na kung sino ang lalaking yun ay nanlaki ang mata ko at nagfreeze ang buong katawan ko.

"Hindi ka man lang ba magsosorry?" Nakatingin lang siya ng straight sakin habang nakahawak sa noo niya.

Ang boses niya. Si... Si... Si... Omg. Si Onew ang nauntog ko!

Hindi ko alam kung anong emotion ang uunahin ko. Kinikilig na nahihiya na naiinis ako sa sarili ko.

Sa sobrang speechless ko tumingin lang ako sa kanya at lumabas na ng tuluyan sa office at tumakbo papuntang room namin.

O my freaks. Para akong tangang hinihingal at haggard na haggard na umupo sa upuan ko.

Love You from A far.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon